💀 deadly xlvi 💀

169 2 0
                                    

Nakauwi na ang magkakapatid. Bumaba ang tatlo mula sa kanilang Bugatti Divo habang si Mythes naman ay sa Triumph Tiger 900 Rally Pro. Muli ay ipinaalala ni Mythes sa tatlo na huwag magsasalita dahil siya ang bahala.

“'Pa!” tawag nito at matapos ang ilang beses na sigaw ay napalabas na si Mule sa bahay.

“Bakit?” Lumakad pa ito at mas lumapit sa apat para linawin kung anong nais nitong sabihin.

“Look! I got a motorcycle now!” Inilawan ni Mythes ang motorsiklo niya gamit ang flashlight ng cellphone.

Humalukipkip si Mule, kita ang pagdududa sa mga mata, “And whom did you borrow that?”

Mythes chortled proudly, “'Pa, it's not borrowed. Sa'kin 'yan!”

Mules jogged his head, unbelieving, “Come on, Myt—”

“It's literally mine, I won it.” Mythes' pretty alibi had began, “I won it in a giveaway raffle! Amazing, right?”

Mule sniffed, “Snuff the nonsense! Let's eat!” then he walked back inside the house.

“Yeehee!” Mythes clenched his fist, punched upward and pulled it back down.

“Nice one, idol Raphy!” tawang ani Manley matapos tapikin ang balikat ni Mythes.

“Putang—!” Hindi na nahablot ni Mythes ang kapatid dahil tumakbo na ito nang mabilis at nagtago sa Papa nila.

Tiningnan siya ni Manley at tinawanan.

“Bading bading bading!” harot nito sa kapatid.

“Lalaking pokpok!” sigaw pabalik ni Manley at nang makitang dumampot ng bato si Mythes ay kaagad siyang kumubli kay Mule.

Natapos na ang kanilang dinner at ngayon ay nakatambay sa sofa ang tatlo, nanonood ng Ninja Turtles. Si Manley ang nagliligpit ng pinagkainan at kalauna'y naghuhugas nang plato samantalang si Mule ay nagpaalam nang matutulog dahil ayon dito ay pagod sa trabaho.

“Myl, check mo Jcash account mo. Nabayaran ko na utang ko sa'yo... 30K 'yon, right?” ani Mythes na katatapos lang magtipa sa kanyang cellphone at sinisilip ang cellphone ni Myles na katabi niya.

“'Yon! Natanggap ko na! Buti naman nagbayad ka na,” ani Myles nang ma-checked nito ang Jcash app niya sa phone.

“Kailan ba 'ko 'di nagbayad?” Si Malyk naman ang hinarap niya, “Mal... magkano na nga utang ko sa'yo?”

Mayamaya ay kinuha ni Malyk ang backpack bag niya at kinuha roon ang nakarolyong papel. Inalis ni Mythes ang laste na nakatali roon nang iabot sa kanya ito ng kapatid na hindi maalis ang mata sa TV dahil busy manood.

“Tangina, ano 'to? Hayop napakahaba! Dinaig mo pa listahan sa tindahan!” Hindi makapaniwalang sambit ni Mythes dahil hindi niya akalaing gano'n karami ang nautang niya sa kapatid. Nang makarating sa kadulu-duluhan ng listahan ay nakita niya roon ang total.

Kinuha niya ang cellphone at ini-enter ang amount, “Okay na na-send ko na,” kinidag niya si Malyk, “Sakto ba? 70K 'yan...”

“Ne arasseo, kamsahamnida,” sabi naman ni Malyk nang mapangiti, nagpapasalamat. Yehey marami na siyang pangpusta sa online sabong. Mababawi niya na rin soon ang mga ibebenta niyang K-POP item collections basta gagalingan niya sa online sabong.

“Hoy, ano 'yong naririnig ko?” biglang sulpot ni Manley, “Parang tungkol sa pera 'yon, a!”

“Binayaran na ni Mythes mga utang niya sa'min,” sagot ni Myles sa kapatid na katatapos lang maghugas ng pinggan.

“Honto desu ka?” gulat na reaksyon ni Manley, nilapitan niya kaagad si Mythes, hinawakan sa hita at niyugyog, “Pa'no 'yong utang mo sa'kin?”

“'Wag ka na! 'Di ko na babayaran 'yon...” tinabig ni Mythes ang kapatid.

“Hoy! Isusumbong kita kay Papa!” ani Manley nang makatayo.

“Oo na, oo na.” Hinatak ni Mythes ang kapatid nang akma itong magwo-walkout. “Send mo sa 'kin Jcash number mo; 'di naka-saved... ay naka-saved pala, 'wag na!”

“Tingnan mo na, tanga! 119K 'yon,” ani Mythes matapos batukan ang kapatid na nagtatampo pa rin kunwari.

Itinulak ni Manley si Myles at sumingit siya sa upuan. Nakangiting chine-check ang Jcash app niya. “Huh? Bakit 119K lang? 120K 'yon! May utang ka pang 1,000 sa 'kin, a!”

Balakajan, matutulog na 'ko!” Tumayo na si Mythes at pumanhik na sa hagdan.

“Hoy, 'yong bayad mo kuya Myt!” sigaw ni Manley na hahabulin sana ang kapatid pero hindi siya nito pinansin at tumakbo pa nang mabilis paakyat sa kwarto.

“Pwet mo bayad!” tugon ni Mythes nang bumalik nang bahagya at dumungaw ro'n sa hagdan para asarin si Manley.

“I'll sleep na rin,” ani Malyk at tumayo nang maalala ang alaga niyang ahas, “Hinahanap na 'ko ni Rosé.”

“Ehh? Kararating ko pa lang?” ani Manley nang tumayo na rin si Myles at aalis na. “Oy, tara manood pa tayo... kaganda-ganda ng Ninja Turtles! Favorite natin 'to, 'di ba?”

“Tara na... tara na...” Hinatak ni Myles si Manley na dada pa nang dada.

Kinuha ni Myles ang remote and he turned off the TV, “Ehh? Bakit mo pinatay!”

“Tara na matulog na tayo,” hatak niya sa kapatid na namimilit.

Lumipas ang mga araw at natuto ang magkakapatid na paghirapan ang pera. Natuto silang magsikap para kumita ng pera na pangtustos sa pag-aaral nila. Natutunan ng apat na hindi gano'n kadali kumita ng pera kaya natuto rin silang magtipid.

Masaya si Mule na makitang matutunan ng mga anak kung paano maghirap at tulungan ang sarili. Hindi lang dapat sila masanay sa marangyang buhay at hindi dapat laging nakadepende sa magulang.

Si Malyk sa buong semester pagkatapos ibenta ang mga KPOP item collections niya ay ginamit ang pera pangpuhunan sa kanyang online sabong at sumasali rin siya sa mobile games league kung saan malaki rin ang pustahan. Palagi siyang nananalo kaya naman hindi niya na pinroblema ang financial needs. Si Myles naman ay sinipagan ang paggawa ng paid podcasts, pag-release ng singles sa music platforms at pati guitar tutorial lessons with songwriting workshops sa university ay ipinagpatuloy niya. Si Malyk naman ipinagpatuloy ang pagiging plantito at nagsimula na rin siya mag-vlog. Ang ginawa niyang content ay ang mga halaman niya, ang hot nilang Papa na umani na rin ng maraming fans at ang pranks niya sa mga kapatid.

So far, maganda naman ang source of income ng tatlo at matino ang kanilang paraan ng pagkamit ng mga iyon except kay Mythes na patuloy pa rin sa pagiging alterist and boy-for-rent. Kalat na kalat na ang nudes niya at maging ang videos liban sa mukha niyang tiyak na pagpipiyestahan once tanggalin niya na ang mask niya at mag-face reveal.

Naka-survive silang apat sa buong first semester nang walang hinihinging tulong sa Papa nila, maging ang sweldo kasi nila sa PISA sa pagiging secret agents at part ng Teenage Intelligence Agents ay naka-hold rin dahil kay Mule pumapasok ang kinikita ng apat.

Pagsapit ng second semester ay ibinalik na rin sa wakas ni Mule ang bank accounts ng mga anak niya sapagkat ang punishment ay tinapos niya na't nakita niya nang natuto na ang apat.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon