💀 deadly lxiii 💀

145 1 0
                                    

Hinatak ni Manley si Dévi Kycee at naghuntahan sila habang nasa likod ni Déniel Kyrid, sinusundan lang nila ang mga hakbang nito.

“Décee, come here. Siya ba 'yong kinukwento mo sa'kin?”

“Yup.”

Hininaan pa ni Manley ang boses niya dahil mukhang nanenenga si Déniel Kyrid sa usapan nila ni Dévi Kycee. “Siya 'yong boy best friend mo? 'Yong sinabi mong pagbibigyan mo ng libro na hindi mo maabot sa library na inabot ko naman para sa'yo? Siya 'yon?”

“Oo, sis. And kapatid ko siya.”

“Kapatid mo?”

“Oo, sis. Brother slash boy best friend.”

“Oh, so you both have the most strangest last name I've ever heard.”

“Flaggcsij.”

“Flag... whatever flag it is... anyway, bakit gan'yan siya kasungit saka kalamig trumato ng tao?”

“Nako, gan'yan lang 'yan sa una... 'pag nakita mo 'yong childish and funny side niya, I swear, macu-cute-an ka sa kanya!”

Sa pagdadaldalan nila ay hindi nila namalayang nasa labas na sila ng Agriculture building at nandito na rin sila sa mga nakaparadang bisikleta.

“Let's ride a bike para mas mabilis.” Humatak kaagad si Déniel Kyrid ng isang bike at tinitigan ang dalawa. Nakuha naman sa tingin ang dalawa. Tinapik ni Dévi Kycee sa balikat si Manley at mayamaya ay nakasakay na rin ang binata sa bike niyang napili.

“Décee, angkas ka na sa'kin... sabi mo no'n last time nabitin ka sa pagba-bike natin.”

Kaagad na tumutol si Déniel Kyrid sa alok ni Manley para sa kapatid niyang si Dévi Kycee. “No, she'll go with me. Hurry, Décee! Hop on.”

Sinunod na lang ni Kycee si Kyrid para hindi ito magalit. Si Manley naman ay hindi natuwa sa inasal ni Kyrid today.

Nang makarating sila sa office ng Aceanews, it is the publication of the University. Sila ang gumagawa ng mga news and articles na ilalagay sa official magazine ng AIC na Aceanews. After, ma-interview ng dalawa ay isinalang sila sa biglaang photoshoot dahil niru-rush na ang printing ng magazine. Kailangan na rin ng picture nila dahil sila ang feature sa centerfold ng magazine. Naka-ready naman na ang isusuot nila pero medyo malungkot si Manley dahil hindi floral suit ang ipinasuot sa kanya. Si Devi Kycee ay wala naman sa kaniya kahit na ano ang isuot niya roon sa mga prinovide na damit dahil kayang-kaya niya itong dalhin.

Three days later...

Na-i-release na ang first issue ng magazine para sa first semester. Medyo late na nga ito pero okay lang dahil masaya pa rin naman ang Aceans dahil sina Manley at Dévi ang nasa Aceanews magazine cover at centerfold nito pwera na lang sa isa. Hindi maatim na titigan nang matagal ni Thunder ang magazine na ipinakita sa kaniya nina Storm at Rain. Selos na selos siya. Gusto niyang balatan ng buhay si Manley at nangarap na sana siya na lang ang kasama ni Dévi Kycee sa photoshoot na iyon. Pinunit niya na lang ang mukha ni Manley sa centerfold para solo ni Dévi Kycee sa page na iyon.

***

Masayang naglalakad sina Manley at Dévi Kycee, papunta sila sa University Student Council room para ihatid ang dalaga sa kapatid nito na busy at mukhang nag-o-overtime na naman sa council. Nang maihatid ni Manley gamit ang bisikleta si Dévi Kycee hanggang sa labas ng building ng USC ay bumaba na ang dalaga at sinabing hanggang doon na lang dahil kaya niya na saka malapit naman na, kaunting hakbang na lang.

“Saglit lang... Décee.”

Napaharap si Devi Kycee na nakatalikod at hahakbang na sana para maglakad kaso hindi natuloy. Marahang hinatak ni Manley si Dévi Kycee, hinawi ang buhok ng dalaga at ikinubli sa likod ng tenga nito. Nakaupo pa rin siya sa bisikleta nang ilapit niya ang kaniyang mukha palapit sa mukha ng dalaga.

“May pilik-matang nalagas,” sambit ni Manley, “masusundot mata mo, masakit 'yon. Wait lang, don't move...” nang makuha niya na iyon sa gilid ng mata ni Dévi, “'yan... okay na.” Sinabi pa ni Manley na palagi na lang nalalagas pilik-mata ni Kycee.

“Ang linaw ng mata mo sis ha! Nakita mo pa 'yon kahit gabi na.”

“Maliwanag 'yong buwan, e... saka ang lakas ng ilaw, o!” Itinuro pa ni Manley ang ilaw sa posteng malapit sa kanila.

“Sige na, umuwi ka na. Bilog ang buwan baka wakwakin ng aswang 'yang tiyan mo! Hala ka!” pananakot ni Devi Kycee at tatawa-tawa pa.

“Ang takot ko lang, hu hu hu! Grabe.” Manley rolled his eyes as his mannerism suddenly came in.

Biglang nag-ring ang cellphone niya kaya nahinto sila sa pag-uusap. Sinagot at pinakinggan lang ang nagsasalita sa phone. Kasunod ay sinabi niyang papunta na siya sa gate at ibinaba niya na ang cellphone.

“Sino 'yon?” Devi's curiosity. “Papa mo?”

“Si Gray,” sagot ni Manley at ibinulsa na ang cellphone, “nag-chat malapit na raw siya. We're celebrating kasi tonight sa pagkapanalo ko kasi 'yong isa naming friend, hindi nakanood noong Mister and Miss University kasi hindi naman dito nag-aaral 'yon. E, free niya ngayon at babawi raw siya sa'kin gano'n kaya may celebration... super late late late celebration,” he chortled.

“I see. Bye-bye!” sabi ni Dévi na inunahan na ang lalaki. Tumakbo ito palayo at tumayo sa harapan ng pinto ng USC saka humarap muli kay Manley.

“Sige na, puntahan mo na 'yong bugnutin mong kapatid,” sabi naman ni Manley, tinawanan ang dalaga, pumidal na sa bisikleta at tinungo ang direksyon patungo sa gate.

Samantala, hindi na mawala-wala pa sa isipan ni Thunder ang mga nakita niya. Sa anggulo kasi kung saan siya nakatago ay ang anggulo kung saan makikitang parang hinalikan ni Manley si Devi Kycee pero hindi naman talaga dahil tinanggal lang ni Manley ang nalagas na pilik-mata ng dalaga na maaaring pumunta sa mata nito.

Sinundan nilang tatlo si Manley at sa madilim na bahagi ng Ace International College ay kinaladkad nila ang nag-iisa. Natumba ito kasama ng bisikleta na iniwanan na nila dahil ang tanging pakay ay siya lang. Wala nang makakikita pa sa kanila dahil sobrang dilim sa lugar na 'to at dito na sinimulan ni Thunder na paulanan ng suntok sa mukha si Manley.

Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang galit at selos kay Manley. Sumuntok din si Storm at Rain, dahil nag-iisa at naunahan siya ng sapak ay hindi na nakalaban pa si Manley. Sinubukan niyang gumanti pero mas marami pa rin ang suntok na natatanggap.

Mayamaya ay sumigaw siya nang malakas at itinulak si Thunder dahilan para mapabagsak ito sa sahig. Sinuntok siya ni Rain at sinakal pero nang itulak niya ito nang malakas ay natumba na rin ito. Si Storm na huli niyang babanatan ay hindi niya napagtagumpayan dahil nang aamba siya nang suntok ay bigla itong dumukot ng lanseta na nakasukbit sa tagiliran.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon