💀 deadly xlix 💀

175 2 0
                                    

“Ang haba naman pala ng pangalan mo tapos ang hirap bigkasin ng apelyido mo,” sabi ni Manley sa babae habang inuubos nila ang binili nilang fishball at buko juice.

“Hoy, sa'yo rin naman mahaba...” sagot ng babae saka ito humigop sa straw.

Nandito sila ngayon nakaupo sa bench ng pathwalk malapit sa gate ng AIC.

“Hindi, a! Sakto lang kaya.” Kinain ni Manley ang sumunod na tuhog ng fishball, “Jam Manley Tonne-Tiu, anong mahaba ro'n?”

Napailing na lang ang babae dahil hindi makapagsalita at naanghangan ito sa sauce. Napaihip siya't kumakaway ang kamay sa tapat ng bibig niya.

“Sa'yo ang mahaba! Devi Kycee Flaggcsij,” sabi naman ni Manley na patuloy pa rin sa argumentong sinimulan.

“Mas mahaba 'yong sa 'yo... Man!”

“How did you know my nickname?”

“I've just heard it from my classmates.”

“Is it cute?”

“Hmm,” the woman nodded.

“Parang ikaw,” banat ni Manley saka kumindat-kindat pa as if that would earn him some points.

“Baliw,” sambit ng babae at muling kumagat sa fishball.

“How about you?”

“Palayaw ko?”

“Hm.” Manley nodded his head.

The woman didn't uttered a word instead she pointed the design of Manley's usual floral polo.

“Huh?” Manley looked at the polo he was wearing but he still couldn't get it.

“Décee,” ngiting turan ng dalaga.

Natawa si Manley sa ka-slow-an niya, “Ah, Décee as in daisy...”

Now he had just realized that his floral polo design was daisy flowers.

“Bagay na bagay sa 'yo,” sabi pa ni Manley, tinititigan sa mata ang babae.

Umiwas ito nang tingin, “Actually, I don't feel my name...”

“Bakit naman? Ang ganda-ganda nga ng name mo, mana sa 'yo...”

Seryoso pa rin si Décee, “Basta, 'di ko feel.”

“Man!” isang boses mula sa ilang hakbang na distansya ang narinig nila — pamilyar na boses — ang kanina pa nila hinihintay.

Tumayo si Manley at kumaway sa lalaki, “Décee, nandito na pala 'yong kaklase ko.”

Nang nakalapit na ito ay ipinikilala niya sa dalaga, “Décee, si Gray... Gray... si Décee.”

Matapos magpalitan ng 'Hi' ay tumayo na ang dalawa.

“Tara sabay-sabay na tayo lumabas,” sabi ni Gray.

Samantala, sa loob ng kotse na kanina pa naka-park malapit kina Manley ay naroon nagmamatyag ang tatlong kontrabida. It was a change of plan when they saw the lady is with that guy.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon