💀 deadly xxxiii 💀

7.9K 34 1
                                    

Ang lalaking iyon ay ang isa sa mga gumawa ng nasirang bintana ni Malyk. Naalala nilang lahat 'yon at wala ni isa sa kanila ang makalilimot ng hitsura nito. Ang katangkaran nito ay akmang-akma sa tangkad niya noong panahong nakita nila ang isa't isa. Hindi man ito ang direktang kumakausap sa kanila o ang mismong gumawa ng bintana ni Malyk pero alam nila na isa ito sa kasama no'ng manggagawa.

“Mal, nagpapasok ka ng kalaban sa loob ng bahay!” sininghalan ni Mythes si Malyk ngunit hindi lang ang butas ng ilong ang nanlalaki kundi maging ang mga mata nito dahil sa pagkagulat na dinaig pa ang magiging reaksyon ng ninuman kapag nakakita ng multo sa unang pagkakataon sa tanang buhay.

“Hindi ko alam, 'wala akong alam na kalaban siya,” ani Malyk na puro pag-iling at pagtanggi lamang sa mga paratang na sinasabi ng kapatid.

Ipinahahayag niya lamang ang katotohanang alam niya— na wala siyang alam na kalaban ang pinapasok nila sa bahay para gawin ang bintana dahil kung alam niya lang, malamang hindi siya magdadalawang-isip na palabasin pa ito sa bahay nila ng buhay.

Speaking of, buhay... makakauwi pa kaya sila ng buhay gayong napakaraming kalaban ang nakapalibot sa kanila't isang maling galaw lamang ay maaari silang bawian ng buhay na hindi nila gustong mangyari at walang anumang rason ang nabubuo sa isipan nila para hayaan silang patayin ng mga ito? Hindi sumasagi sa isipan nila na pinagpipiyestahan ng mga uod at uwak ang kanilang katawang walang buhay, naaagnas at kalunos-lunos ang sinapit.

Silang lahat ay hindi kumurap at halos pigil ang paghinga nang muling magwika ang lalaking kumakausap sa kanila, “In case you didn't know me, I'm Roy Lara, also known as Agent A30+ and the former partner-in-mission of Agent A40+.”

Ang mga mata nilang kanina'y naniningkit na dahil sa pagkagigil nila sa inaasal ng lalaki sa harapan, ni tono ng pananalita nito ay hindi na nais pang marinig ng kanilang mga tenga subalit ngayo'y tila mga bola, namimilog at sa likod ng mga matang labis ang pagkagulat ay ang apoy ng galit na sumisiklab sa kaloob-looban ng kanilang sistema. Pakiramdam nila'y nilinlang sila't pinagtaksilan nang walang kaalam-alam.

Si Manley ay napatingin kay Malyk upang kumpirmahin sa matalinong kapatid ang bagay na kanyang narinig, “It's Papa's codename!”

“Oo nga,” sabi pa ni Myles na katabi rin ni Malyk sa kabilang gilid.

Tumango si Malyk sa dalawa.

“Hindi ba kayo magpapakilala?” Ngumisi si Roy sa apat na hindi pa rin naglalaho ang pagkabigla, “For formality lang, kahit kilala ko naman na kayo.”

“Hindi mo kami kilala,” panghahamon ni Mythes. His teeth gritted in anger.

“O, talaga Mythes?” Humalukipkip si Roy at itinaas pa lalo ang paningin nang magmukhang mas mababa sa kanya ang apat.

Hindi na nila matiis ang kayabangan ng lalaking nasa harapan nila. Hindi p'wedeng siya lang ang may magandang codename at magpakilala kaya naman nagtinginan sila. Sa pamamagitan lamang niyon ay naihatid nila sa isa't isa ang kanilang mensahe.

This is the time, they thought.

“I'm Agent Raphael,” said Mythes.

Makikita sa mga mata ni Jam Mythes ang galit na kanina pa niya pinipigilang lumabas. Sa kanilang apat talaga ay siya ang may pinakamaikling pasensiya. Ang nasa isip niya ngayon ay tapusin na agad ang laban gaya ng lagi niyang inaasta — apurado. Hindi niya gustong magtagal sa ganitong nakadedepress na sitwasyon dahil habang tumatagal ay lalo lang kumukulo ang dugo niya't hindi ito maganda ngunit may maganda ring dulot minsan. He's at the brink of pulling out his gun and deplete all of its bullet directly into Roy's head. However, he still was able to hold back when Malyk started to let the introduction proceed.

“I'm Agent Donatello,” said Malyk.

Nasa kalingkingan talaga ni Jam Malyk ang katangian ni Donatello sa paborito nilang palabas na Ninja Turtles. Siya ang henyo at utak ng tatlo sa bawat planong ginagawa nila. Bawat hakbangin nila ay kinokonsulta nila kay Malyk simula nang magsimula ang misyon nilang ito. Hindi talaga nalalayo ang katangian nila dahil halos kasama na nila sa kanilang paglaki ang palabas na iyon at ang mga paborito nilang karakter ang naisip nilang gamiting codename. Napagkasunduan na nila ang bagay na ito noong training days pa lang nila sa kampo.

“I'm Agent Leonardo,” said Myles.

Kung si Myles naman ang pag-uusapan. Hindi nagkamali ang tatlo sa pagpili kay Myles bilang leader nila. Nang malaman nilang sila ay iisang team at masabi ni Mule na kailangan nila ng leader sa team nila ay nag-reflect sila sa mga past experiences nilang pinagdaanan bilang magkakapatid. Sa tuwing may pag-aaway sila, si Myles ang laging umaayos. Si Myles ang laging pumapagitna at nagpapangaral sa tatlo o kung sino man ang magkaalitan. Si Myles lagi ang may pinakamatuwid at diretsong rason sa mga debateng pinagtatalunan nila.

Naalala nila nang magkaroon ng team building sa eskuwelahan, si Myles ang nagli-lead sa kanila though si Malyk ang tiga-command pero si Myles talaga kahit na noong bata pa lamang sila ay nakikita na talaga sa kanya ang katangian ng pagiging isang lider.

Noong high school naman sila ay nanalo si Myles sa pagka-pangulo ng student government association sa school nila dati. He likes to lead people as how he likes to be a good follower at the same time. Kapag may problema ang tatlo ay si Myles ang tinatakbuhan nila para humingi ng advices. Myles always motivated his brothers by his words that truly came from his heart. The purity of his heart cause his brothers to tease him that he will be a priest someday or maybe the next President of the Philippines.

“I'm Agent Michaelangelo,” said Manley.

Ang huling nagpakilala ay ang laging tagibang sa apat na magkakapatid na ito. Siya ang pinakamabuway na personalidad kumpara sa apat. Gayunpaman, si Manley ang pinaka-ma-effort sa kanila sa lahat ng bagay. He's thoughtful and can brigthen up the mood even if it's dark, he can turn it into light. He's genuineness and childishness are what makes his brothers to care for him. Truth be told, whenever something bad happen to Jam Manley, they're all becoming worried and concerned. They won't let any fly get into Man's skin. And for Jam Mythes, as Man's brother, he's the only person who has the right to lay hands on him. He'll skin anyone alive who dared to hurt his beloved brother— Manley. Myles as the closest friend of Manley, definitely won't fill the bill and do the opposite instead. As for Malyk, he doesn't really care unless Man's in sheer menace or at the cusp of mishap.

Magkasabay na palakpak at halakhak na may halong pang-iino't pang-iinsulto ang ginagawa ngayon ni Roy Lara.

“Wow, sounds familiar, huh?” He tried to stop his laughs, “Is it based from Ninja Turtles? What a perfect coincidence! Here at this point, you'll meet the Black Turtles.” He drawn out a wide devilish grin, “By the way, I'm the founder of it.”

“Bakit mo 'to ginagawa Agent Roy?” Manley asked, gritting his teeth in exasperation.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon