Naging busy ang lahat sa kanya-kanyang mga pinagkakaabalahan sa buhay lalo na ang mga estudyante pero wala nang mas busy pa kay Mule na ilang araw na ring naghahanap at nag-iimbestiga.
Ngayon ay patungo sila sa pinagtatrabahuhan ni Dévi Kycee kasama si MarieBeth Roxas. Pagbaba ni Mule at ng babae ay naroon nang natanaw ang apat niyang anak na papasok na rin sa milktea shop.
Sakto nagliligpit at nagbibihis na si Dévi Kycee dahil nakarating na rin ang karilyebo niya. Nakapwesto na sina Mule, MarieBeth, Manley, Myles, Malyk at Mythes sa table na bakante kanina ngunit ngayo'y okupado na nila.
Ilang saglit pa ay lumabas na si Dévi Kycee at nagtungo sa table, naupo sa bakanteng upuan.
“Auntie MarieBeth, ano pong ginagawa n'yo rito? Nakauwi na po pala kayo? Bakit hindi sinabi sa'kin ni Dékee?” agad niyang tanong.
“Hindi niya rin alam, 'nak. Nag-stay ako sa hotel nang makauwi ako because I have to...” sagot ng tita niya at napatingin kay Mule.
“Why?”
Si Mule na ang tumugon sa tanong ng dalaga. “Because I need to know the truth and your auntie became the subject of my investigation.”
“Wait lang... hindi ko po maintindihan...” halos mapadausdos ang upuan ni Dévi Kycee.
Kaya naman kaagad na kinausap siya ng tita. “Décee, anak... makinig kang mabuti sa sasabihin ko, ha. Ipangako mong kakalma ka.”
Tumango ang dalaga. “Yes, auntie.”
Isang malalim na hinga ang ginawa ni MarieBeth bago simulan ang paglalahad ng lahat-lahat ng kanyang nalalaman. “You already know that I am not Déniel Kyrid mother. His biological parents were both died a year after they've adopted you. Inampon ka ng parents ni Dékee dahil pareho kayong kasama noon sa child trafficking na naganap sa Pilipinas. Nakatakas si Dékee sa mga sindikatong iyon at isinama ka niya. Ang matalinong batang 'yon ay nakatawag ng tulong mula sa 911 kaya naman naiuwi kayo ng buhay sa bahay.
“Noon ay nakaplano na ang paglipad sa bansa ng pamilya ni Dékee para ipagamot ng ate ko ang asawa niya. Isinama ka nila at nagkaroon ng interes sa'yo dahil ang asawa ng ate ko ay matagal nang nangangarap na magkaroon ng babaeng anak. Pinagbigyan ng ate ko ang kahilingan ng asawa niya kahit na mali lalo pa't tinaningan nang doktor ang buhay ng asawa niya. Habang nabubuhay ang asawa ng ate ko ay naging masaya sila sa'yo kahit na sa maikling panahon ka lang nakasama ng Dad ni Dékee ay talagang minahal ka nito na parang tunay na anak, gayundin ang ate ko.
“Noong mapunta ka sa'min ay hindi ka makapagsalita, lagi kang umiiyak at para bang takot sa kahit na sino o anong bagay. Nagkaroon ka nang labis-labis na trauma. Wala kang maalala tungkol sa'yo kahit na ang pangalan mo, ang tirahan o pangalan ng mga magulang ngunit alam ni Déniel Kyrid ang lahat ng 'yon dahil magkaklase kayo noon pa man.
“Dumating sa punto na namatay na ang asawa ng ate ko, sa huling pagkakataon ay unang narinig ng Dad ni Dékee na tinawag mo siyang 'Papa' kahit na ang gusto niyang marinig na sabihin mo ay 'Dad'. Napasaya mo siya sa huling hininga niya. Namatay siyang maligaya at mayroong luha ng saya sa mga mata.
“Sinunod ng ate ang isa pang kagustuhan ng asawa nang mamatay ito. Pinapalitan ng ate ko ang ngalan mo at doon ka naging si Dévi Kycee. Sa puntong kailangan ka na niyang ibalik sa tunay mong mga magulang ay hindi na niya kinaya dahil para sa kanya ay tunay ka na niyang anak. Doon na niya kayo pinalaki at inalagaan kayong dalawa ni Déniel Kyrid. Nakapagsasalita ka na rin noon nang dire-diretso at matatas sa wakas. Ngunit naging masaya ka sa mga bagong alaala na naranasan mo roon sa Australia at tuluyan nang nalimot ang mga alaala mo sa tunay mong pamilya rito sa Pilipinas.
“Namatay ang ate, sixth grade mo noon.
“At noong nag-highschool nag-request ka na mag-exchange student ka sa Pilipinas, hindi ako tumutol. Ipinangako ko kasi sa sarili ko na hindi ko na ipagkakait pa ang katotohanan na deserve mong malaman. Nang marinig ko 'yon mismo sa'yo ay inisip kong sign na 'yon para malaman mo ang tungkol sa tunay mong pagkatao kaya naman pinayagan na rin kitang maging international student dito sa Pilipinas kalaunan, kayong dalawa ni Déniel Kyrid.
“Ang nasa isip ko noon ay... kung hindi nagawa ng ate ko at ng asawa niya na ibalik ka sa tunay mong mga magulang ay hindi ko na 'yon uulitin. Naisip kong rason kung bakit mo nagustuhan sa Pilipinas ay dahil siguro iyon ang sinisigaw ng puso mo at dito malakas ang tibok dahil dito ang tunay na tahanan nito. Kaya naman nito lang ay napag-desisyunan ko nang sasamahan ko na kayo ni Dékee na mamuhay rito sa Pilipinas at sisimulan ko na rin sana ang paghahanap sa tunay na mga magulang mo pero tadhana na rin talaga ang gumawa ng paraan para mangyari ito. Nagpakilala sa'kin si Mule. Nang usisain niya 'ko, hindi ko na ipinagkait ang katotohanan. At... alam niya na rin lahat.” Tumigil sa pagsasalita si MarieBeth at tumingin kay Mule.
Inilapag ni Mule ang isang brown envelope sa ibabaw ng lamesa. “Kung may pagdududa ka, nasa loob ng sobreng ito ang katotohanan. Nariyan ang DNA test at positive ang result. Kumuha ako ng hibla ng buhok mo noong ginamot ko ang sugat mo.”
Binuksan iyon ni Dévi Kycee at binasa ang papel na nakuha; sumisilip ang mga luha sa mata.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...