“Magandang gabi po,” pagbati ni Dévi Kycee sa lahat.
Hinawakan ni Manley ang kamay ni Dévi Kycee at naglakad sila palapit kay Mule.
“Happy birthday po,” sambit ng dalaga, ngumiti at sa isang kamay ay itinaas at iniabot kay Mule ang nakabalot niyang regalo para dito.
Huminga nang malalim si Manley at nang makaipon ng lakas ng loob ay saka niya ipinakilala ng bukal sa puso ang binibini.
“'Pa, si Dévi Kycee. Girlfriend ko.”
Nabigla ang lahat lalo na si Mule pero hindi na lang niya ipinahalatang masyado.
“Oh? Dévi...” Kinamayan niya ang binibining ipinakilala ng anak bilang nobya.
“Décee na lang po,” sambit ni Dévi Kycee.
“Décee! Ang ganda ng kwintas mo kasingganda mo,” said Mule as he started beaming. “I'm happy to see you, Décee.”
“'Pa, bakit hindi mo sinabi 'yan kay Kylene? Unfair talaga 'to,” sabad na naman ni Mythes.
“Hoy, ano ka ba? Nakakahiya, baliw 'to...” mahinang sabi ni Kylene habang kinukurot si Mythes sa tabi niya.
Nagtawanan muli ang lahat dahil sa dalawa. Lumapit naman si Myles kay Manley at inabutan ito ng party hat. Binigyan din ni Myles ang Papa nila at siya na rin ang naglagay niyon sa ulo nito.
Si Carlos naman ay may sinabi kay Manley nang magkatapat sila nito saka sinenyasan siya ng papa niya na magmano rito kaya naman iyon ang kanyang ginawa.
“Sabi ni Mythes, kulay tae daw buhok mo. Hindi naman pala! Loko 'yong kapatid mo na 'yon, ano? Kulay kalawang buhok mo, e...”
Manley asked if it's cute and Carlos didn't know how to deny the truth. He even asked Dévi Kycee and same goes with her, she said it's cute.
Nagtungo na ang lahat sa kainan nang yayain ni Mule sa pagkain. Pagkatapos ang masayang salu-salo ay pumunta ang apat at tumungtong doon sa maliit na entabladong ginawa nila para mag-anounce sa lahat.
Si Malyk ang nagsalita sa microphone. “Attention po everyone...”
Medyo inilayo niya pa ang mic sa amplifier nang umugong ito nang matinis. Nakuha naman niya na ang atensyon ng mga bisita ni Mule na ngayon ay may kani-kaniyang hawak na wine glass na may lamang wine.
“Bilang tumatayong panganay sa'ming apat, bilang ipinanganak ng mas matanda ng isang minuto kay Mythes. Gusto naming ihandog sa'yo 'to Papa, bagay na inihanda namin para sa'yo at sana'y magustuhan mo. Happy birthday!”
Tumingin siya kay Mythes. “Lights off,” mahinang sabi ni Malyk pero hindi narinig nito kaya naman...
“LIGHTS OFF DAW KUYA MYT! BINGENGOT!” sumigaw si Manley na dinaig pa ang may mikropono.
Muntik na namang matawa ang mga bisita ngunit dahil nag-play na bigla sa malaking white screen ang video pagkamatay ng ilaw ay roon na napunta ang atensyon nilang lahat. Pinanood nila ang video na nandoon kung saan makikita ang mga pictures na mayroon si Mule sa kanyang quadruplets.
Naalala ni Mule ang bonding na ginagawa nila ng kanyang mga anak noong bata pa ang mga ito. Labis na nagagalak ang puso niya habang pinapanood ang video na iyon pero mayroon ding kirot.
Natapos na ang video presentation na ginawa ng apat at muling bumukas na ang ilaw. Tumakbo si Mythes at tumabi sa apat. Ngunit iba na ang nakita ng mga bisita ngayon. Si Myles ay nakaupo at may hawak na gitara habang si Mythes ay nakaluhod sa gilid niya at tagahawak ng microphone. Sina Malyk at Manley naman ay magkasalo sa iisang microphone. Si Manley ay may hawak na cellphone dahil hindi nila kabisado ni Malyk ang lyrics.
Nagsalita si Myles at sa pagkakataong ito ay nagdulot iyon ng iba't ibang emosyon sa lahat. “Sayang... wala kaming pictures na marami kasama si mama, wala kaming nailagay masyado sa video. Hindi na kasi namin siya naabutan noong lumalaki na kami.
“Ang tanging picture lang namin ay 'yon lang, 'yong sa simulang part ng video. Selfie picture ni mama sa aming apat noong mga baby pa kami. Hindi rin namin nailagay ang pictures na marami nina Papa at Mama kasama ang kapatid naming hindi pa namin nakikita hanggang ngayon dahil inilihim niya iyon sa'min nang matagal at nito lang din namin nalamang may kapatid pala kaming nawawala.
“Itinago ni Papa ang pictures nilang dalawa kaya wala kaming nailagay sa video at bilang pasasalamat sa Superman naming Papa pati na rin sa aming Wonderwoman na Mama, sana naririnig mo 'to ngayon, 'Ma... 'Pa, bihira lang namin gawin ito dahil hindi kami showy gaya ni Manley... kaya medyo kinakabahan kaming tatlo for sure except kay Man...
“3... 2... 1...”
Nagsimula nang kulbitin ni Myles ang mga kwerdas ng kanyang gitara samantalang ang tagahawak niya ng microphone ay grabe na ang panginginig ng kamay dahil sa kaba. Aawitin nila ngayon ang sikat na kanta ng grupong SB19, ang 'MAPA' bilang pasasalamat sa mga nagawa ng mga magulang nila sa kanila.
“Sana magustuhan n'yo 'to, para sa inyo ang kantang 'to, 'Ma... 'Pa... mahal na mahal namin kayo. Happy Birthday 'Pa!”
Matapos nilang kantahin ang kantang iyon ay nagpupunas nang mga luha ang mga bisita dahil sa sobrang nadama nila ang mensahe at ang pagmamahal ng apat sa magulang nila. Tumayo si Mule sa upuan at niyakap ang apat. Kahit pigilan ang mga luha ay kusang pumapatak — luha ng galak.
“Ang galing, a!” bati ni Mule at isa-isang hinahaplos ang ulo ng mga anak na nakayakap nang mahigpit sa kanya. “Kailan pa kayo natutong kumanta? Ha, Mal? Man?”
“Tinuruan kami ni kuya Myl,” sagot ni Manley.
Si Mule naman ay pinansin ang isa niyang anak, “Ang ganda ng boses mo Myt, ay mali, ang galing mo pala maghawak ng mic!”
Nagtawanan sila at ang sabi ni Mythes, “Sus! Kundi mo lang birthday 'Pa, aayain kita ng sparring.” Kinaltukan siya ni Mule sa noo dahil sa sinabi niyang iyon. “Joke lang, I love you.”
After that ay pinatugtog at nagkantahan na ang lahat sa karaoke. Nag-party-party ang lahat sa disco lights na dinala ni Carlos. Mayamaya ay lumapit si Dévi Kycee kay Manley para sabihing naiihi siya. Itinuro ni Manley ang kusina at nagtungo roon si Dévi Kycee pero naka-lock ang CR. Bumalik siya at sinabi kay Manley, “Naka-lock, e... may tao. Do'n na lang ako sa taas,” ani Dévi Kycee at umakyat siya sa hagdan nang tumango ang binata sa kanya.
Mayamaya ay nakarating siya sa loob ng kwarto ni Manley at umihi siya sa banyo. Aalis na sana siya nang biglang sumabit ang suot niyang damit sa nakausling bakal na matulis doon sa kanto ng pinto ni Manley. Nahiwa ang suot niyang damit at nasugatan ng maliit ang tagiliran niya. Lumabas siya sa kwarto ni Manley na may maliit na marka ng dugo sa napunit na damit. Pagbukas niya ng pinto ay siya ring labas ni Mule sa kwarto dahil may kinuha ito roon. Nakita nito ang binibining may sugat sa tagiliran kaya naman mabilis itong nilapitan.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...