“Ay, tapos na?” bungad ni Mythes, na kasama si Kylene, pagkabukas ng pinto nang makitang walang tao sa bahay subalit nang magsalita kaagad si Myles at Malyk ay napalingon siya rito.
“Hindi pa nagsisimula,” ani Malyk.
“Ano na?” sabi ni Myles at alam na agad ni Mythes kung anong ibig sabihin niyon.
“Hindi ako nakapagpagawa, e...” sagot niya at may kinuha sa plastic na dala, “pero bumili naman ako nito! Charan!” Ipinakita niya ang makukulay na kiddie party hats. “Gago ang cute, 'di ba?”
Nang biglang marinig nila ang pagbukas ng gate. Kaagad nilang pinatay ang ilaw at tipid na hinawi ang kurtina sa bintana saka sumilip. Nang makitang tatlo ang kotseng dumarating ay nataranta sila.
“Ha? Bakit may ibang kasama si Papa?” tarantang ani Malyk na natapakan pa ang paa ni Kylene. “Sorry, sorry...”
Tumango lang si Kylene at tiniis ang sakit ng kuko.
Si Mythes naman na nakadungaw din ay nagtataka, “Tangina, bakit may mga bisita?”
“Akala ko nagbibiro lang si Myles,” sambit naman ni Myles kaya naman napatingin si Malyk sa kanya.
“Ha? Alam mo, Myl?” gulat na sabi nito at muling napasulyap sa labas ng bintana kung saan makitang isa-isa nang nagbababaan sa kotse ang mga bisita.
Si Myles na hindi na nakatingin sa labas, “Nasabi niya sa'kin sa call kanina pero nakalimutan kong sabihi—”
Nang biglang kumaripas nang takbo si Mythes patungo sa mga birthday greetings na nakasabit. “Tangina, takpan natin 'tong 'LAKI UTEN' nakahihiya sa mga bisita!” kumbinsi pa ni Mythes sa mga kapatid, siya'y natatarantang tinitiklop at tinatakpan ng tinuping tabing ang mga letra sa gawing dulo ng 'happy birthday'.
“Wow, the audacity! Kanino ba kasing idea 'yon?”
“Shh! Dali, takpan natin! Pahinging scotch tape!”
Binalibag naman ni Myles ang scotch tape at nasalo naman ni Mythes dulot na rin ng adrenaline rush.
“Bilisan mo Myt, nand'yan na sila...” ani Malyk na nakadagdag sa pressure na nararamdaman ni Mythes.
“Sabi n'yo, nagkukwentuhan pa!”
Si Kylene na ang nagsalita kaya naman naniwala kaagad si Mythes. “Halika na! Tapos na silang magkwentuhan! Dali!”
Tumalon na si Mythes at inilapat na sa pindutan ng mga ilaw ang daliri. “Papasok na, 'wag na tayong mag-ingay,” paalala niya sa lahat pero dahil sa malakas niyang paghingal ay naamoy iyon ng katapat niyang si Malyk.
“'Wag ka na lang magsalita Myt at ang baho ng hininga mo,” sabi nito sabay takip sa ilong.
“Tangina, singhutin mo na lang nang singhutin para maubos,” sabi naman ni Mythes at siniko si Malyk.
At dahil doon at nang mapansin ay hinampas siya ni Myles sa balikat. “Shhh... tumigil na kayong dalawa.”
Natahimik na silang apat. Palakas nang palakas ang naririnig nilang mga boses. Narinig pa nilang may nagsabing parang ang dilim naman daw ng loob ng bahay nila. Sabi naman ni Mule ay ganoon lang daw talaga at mahilig magpatay ng ilaw si Manley dahil matipid raw ang batang iyon. Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto at siya ring sindi ng mga ilaw.
“SURPRISE!” sigaw nina Malyk, Mythes, Myles at Kylene.
Pagkatapos paputukin at pasabugin ang mga confetti ay kinantahan nila si Mule ng malakas na malakas na “Happy Birthday.” Makikita sa mukha ng bawat isa ang saya dahil nakapagpasaya sila ng isang tao ngunit wala nang mas sasaya pa kay Mule dahil sa ginawa sa kanya ng mga taong mahal niya sa espesyal na araw na ito at sa pag-aakalang nakalimutan nang kanyang mga anak.
Ipinakilala ni Mule sa mga kasama niya ang mga anak gayundin ang mga kaibigan niya sa mga ito. Ang mag-asawang sina Carlos at Hera; sina Joni at Tahmelapachme; at si Jannah pero wala si Wesley.
“'Yong parang kulay ube ang buhok bro... 'yon ang naunang ilabas ni nasirang kumareng Myz, 'no?” ani Carlos at isa-isang kinikilala ang mga anak ng best friend niya.
Sumagot si Mule habang ang kaibigan ay kinakamayan na si Malyk, “Oo bro, si Jam Malyk 'yan.”
Nagmano naman si Malyk matapos siyang kamayan.
“Itong kulay regla ang buhok, bro?” tanong muli ni Carlos nang kamayan si Mythes. Nagmano rin ito sa kaibigan ng ama.
“Si Jam Mythes 'yan. Sumunod kay Mal.”
“Itong buhok bughaw? Galing a, parang nilublob sa tina.” Kinamayan ni Carlos si Myles na nagmano sa kanya pagkatapos.
“Si Jam Myles...” sagot ni Mule at kaagad ay sinundan ng, “actually, quadruplets sila.”
“Nasa'n 'yong pang-apat?” sabay pang tanong nina Hera at Joni.
“Oo nga,” sabi naman ni Jannah.
Lumapit si Carlos kay Joni. “Pansin mo, puro may Jam sa unahan ng pangalan, 'no?” siniko naman siya kaagad ng asawa kaya naman dinugtungan niya agad ang nasabi, “Ay, este anong kulay ng buhok no'ng pang-apat?”
Sumabad si Mythes, “Kulay tae po, joke.”
Sinamaan ni Myles ng tingin ang kapatid dahil sa pagsapna nito sa usapan ng matatanda.
Subalit nang mapatingin naman si Carlos sa birthday greeting na nakasabit ay natawa ito. “Bro, mahal na mahal ka talaga ng mga anak mo.”
“Bakit?” ani Mule at inginuso ni Carlos ang nakita.
Malakas na tawanan ang umugong sa loob ng tahanan nina Mule nang matanggal ang scotch tape na minadaling idikit-idikit ni Mythes kanina kaya naman nakita ang kadugtong ng “HAPPY BIRTHDAY PAPA MULE AIDREN”.
Nang maglaho ang tawanan ay siya namang bukas ng pinto at doon lumitaw ang pang-apat sa TT Brothers na kararating lang.
“Papa! Si Man! Si Manley nagdikit niyang mga letters na 'yan!” kaagad na turo at bintang ni Mythes sa kapatid.
“Ha?” hiyaw naman ni Manley sa nagsisinungaling na kapatid, “Ikaw kaya nagsabi na lagyan ng 'LAKI UTEN' sa dulo para rhyme!”
Muli na namang nagtawanan ang mga tao sa loob ng bahay hanggang sa unti-unting naglaho iyon. Nang tumahimik ang lahat ay napansin nilang may babaeng sumulpot at tumabi kay Manley. Lahat sila ay napatingin dito na para bang namangha at nakakita ng multo sa nakaraan na ngayon na lamang muli nagparamdam.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...