💀 deadly xxv 💀

9.5K 37 0
                                    

Nagkabungguan pa ang tatlo na nagkukumahog sa pag-aasikaso sa sarili dahil alas-otso nang umaga sila nagising at halos makonsumo na nila ang isang oras dahil lamang sa pagbibihis.

“Si Manley?” tanong ni Myles kay Mythes.

“Aba'y malay ko sa bugok na 'yon!” sagot ni Mythes na palabas na sana.

“Tsk, wala ka talagang — hmm — nako!” iritang ani Myles pero ayaw niyang madungisan ang malinis na reputasyon ng kaniyang bibig so he refrained himself from saying bad words.

“Ano, sige, ituloy mo!” panghahamon ni Mythes, mataas na naman ang boses at inis.

“Shut up, Myt.” Myles said the magic word, ang tanging salita na makapagpapatahimik kay Mythes.

Biglang pumasok sa eksena si Malyk, “Kasama ni Papa si Man.”

Ibinaling ni Mythes ang paningin kay Malyk, “Huh? Bakit daw?”

“Nag-iwan ng note sa ref, a? Hindi n'yo napansin?” Ipinakita ni Malyk ang sticky note na hawak. “Magpapaayos daw ng kotse. Mauna na raw tayo,” dagdag pa niya.

“O, tara na!” Tumango si Mythes at tumalikod na.

“Ano, ikaw ulit mag-drive?” Isinintas ni Myles ang nakalag na sintas ng sapatos.

“Gusto mo ba? Mamaya ka na lang mag-drive 'pag pauwi na.” Dire-diretso lang maglakad si Mythes habang naglalakad palabas ng pinto.

“Tss, nagtanong ka pa! Sige, mauna ka na ro'n, mag-c-CR lang ako,” ani Myles at nagbanyo muna saglit.

Medyo nilakasan naman ni Malyk ang boses para marinig ni Mythes na nasa labas na, “Kunin ko lang cellphone ko sa kwarto, naka-charge!”

“Suit yourselves,” sagot ni Mythes. Nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalabas nang gate.

Minadali ni Mythes ang pagmamaneho dahil malapit na silang ma-late sa klase. Nang makarating sa university ay napag-desisyunan ni Mythes na pumarada na sa parking lot at sabay-sabay silang maglakad papunta sa room. Mahirap na kasi baka pagkaguluhan sila, kung magkakahiwalay sila ay mahihirapan silang makatakas.

Ngunit hindi nangyari ang inaakala nila.

“Huh?” ani Mythes, “Bakit wala pa 'yong sangkatutak na fan girls?”

“Edi mas maganda, mas okay sa 'kin.” Napangiti si Malyk, gumaan ang pakiramdam.

Ngunit si Mythes ay hindi komporme, “Hindi, let's just wait for a while baka nagtatago lang sila.”

Mwo? Ani!” tutol ni Malyk na sinaniban ng Hangul, “I mean, stop that nonsense, we'll be late na.”

“Myt... Mal's right, bilisan na natin.” Sinundan ni Myles si Malyk na nagmamadaling maglakad.

“This is fucking hilarious, this isn't right...” Mythes kicked up a fuss.

“Baka naman kasi kaya lang tayo pinagkakaguluhan kahapon dahil kasama natin si Manley,” ani Myles nang nasa tabi na niya si Mythes na humahaba ang nguso.

“Are you saying na siya lang pogi sa 'ting apat?” angal ni Mythes, medyo hingal dahil sa paghabol sa tatlo.

Myles just smiled, “He's not handsome. He's a gorgeous boy and... so damn cute guy. I think that's the right term.”

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon