"Buksan n'yo na yung Delight tapos ihalo n'yo sa Soju n'yo sa baso," utos ni Malyk sa lahat at naupo na rin muli sa dating pwesto niya katabi ni Myles.
"Eh? Bakit paghahaluin?" takhang usisa ni Myles.
"Basta sundin mo na lang, masarap!"
Ginawa na ni Malyk ang sinabi niya.
Ginawa na rin nina Manley at Mythes.
"Ako na nga," agaw ni Malyk kay Myles na hindi alam ang gagawin.
Pinanood lang ni Myles ang ginawang pagsalin ni Malyk sa baso niya at ang paglalagay ng Delight doon.
"Tikman mo," balik ni Malyk sa baso ni Myles.
Pagkaabot ni Myles ay inamoy niya pa ito kung kanais-nais ba pero hindi niya nagustuhan. Kaunting pilit pa ng tatlo at heto iinumin niya na pero nainip si Mythes kaya tinanguan nito si Malyk at na-gets naman agad nito ang dapat gawin. Itinulak niya kaagad ang baso pataob diretso sa bibig ni Myles kaya ang lahat ng laman nito ay nilalagok na ngayon ng nagdadalawang-isip niyang kapatid.
Ito lang ang nasabi ni Myles pagkatapos i-bottoms up ang mataas na tagay sa kanya, "Oo nga, masarap nga!"
"Try mo tunggain 'yan." Nginuso ni Malyk ang bote ng Soju na puro at walang halo.
"Gross!" sambit ni Myles pagkatikhim dito. Masama ang lasa, hindi niya gusto.
"Kita mo napa-English ka pa," ika ni Malyk at napailing na lang nang mapatingin kina Manley at Mythes. "Tingnan mo 'yong dalawa na lasinggero mauubos na 'yong kanila."
"Hoy, anong lasinggero? Si kuya Mythes lang 'yon, ano!" Tila ayaw pumayag ni Manley na masabihan ng salitang iyon kaya si Mythes ang idinidiin niya.
"Anong ako? Ikaw din tangina ka!" sabi naman ni Mythes. Kailan ba nagpatalo kay Manley ang lalaking 'to?
"Nag-away pa, pareho lang naman kayo," sabi ni Malyk, sa totoo lang.
Si Myles ay nakikinig lang at kasalukuyang naglalagay ng ice sa kanyang cup.
"Hoy, second time ko pa lang 'to, kuya Malyk! Ikaw nga 'tong laging may tinatagong Soju sa ilalim ng kama," katuwiran ni Manley, dumampot ng nachos at isinumpak sa bibig.
"O, edi kami na ni Mythes bad boy," tugon ni Malyk at saka tumikhim ng quesadilla na gawa ni Manley.
"Gago, hindi bagay sa 'yo maging bad boy, patpatin ka, lalamya-lamya, manang-mana ka sa mga idol mong Koreano," ani Mythes na nagsasalin na naman ng panibagong shot sa baso niya yet he still managed to tease his brother.
Hindi pinansin ni Malyk ang sinabi ng kapatid, sa halip ay tumingin ito kila Myles at Manley saka kinausap, "Myles at Manley sa kama ko kayo matutulog, si Mythes sa sahig."
"Hoy, tangina ano 'ko? Aso?" angal ni Mythes. Binato niya ng yelo si Malyk pero nasalo ni Malyk.
"My room, my rules." Ibinalibag ni Malyk pabalik kay Mythes ang ice cubes at masuwerteng natamaan niya ito sa noo.
Makalipas ang ilang minuto ay nasimot na nila lahat ng pagkain. Akala mong dinilaan ng sawa ang mga platong pinaglagyan ng pagkain at simot lahat ng bote ng Soju nila.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
Ficción GeneralSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...