💀 deadly xxvii 💀

6.6K 44 0
                                    

Nakagarahe na ang kotse at naunang lumabas si Malyk mula sa passenger's seat. Sumunod namang bumaba si Myles pero aksidenteng sumabit ang earphones niya sa bag ni Manley kaya natanggal ito sa pagkakasaksak sa cellphone niya na nabitiwan niya.

“Bakit?” tanong ni Manley.

“I-on mo nga flashlight ng phone mo, nahulog cellphone ko.”

Nang buksan ni Manley ang flash ng phone ay sinimulan na nilang hanapin ang cellphone ni Myles.

“Bakit?” tanong ni Mythes na kabababa lang.

“Guys, mauna na 'ko sa loob. I-che-check ko lang si Rosé,” sabi naman ni Malyk nang maalala ang alagang ahas at iniwan na ang tatlo.

“Cellphone ni kuya Myl, nahulog.” Ipinagpatuloy ni Manley ang pag-iilaw hanggang sa nakita na nila ang hinahanap.

“A 'yon...” ani Myles at dinampot ang cellphone saka pinagpag ang dumi nitong nakuha mula sa pagkakahulog sa lupa.

“Teka, kuya Myt — ano 'to?” Nanlaki ang mga mata ni Manley nang mahagip ng ilaw ang kanilang kotse.

“Putangina!” sigaw ni Mythes na animo'y na nakakita ng hindi dapat makita.

“Sinong gumawa n'yan?” tanong ni Myles pero walang nakasagot sa kanya.

“Hindi n'yo ba nakita 'to kanina bago tayo umuwi?” Hinahaplos ni Mythes ang kotse at inilawan niya na rin ito gamit ang phone niya.

“Hindi... saka madilim na no'ng umuwi tayo kasi gumawa pa tayo ng assignment sa library,” paliwanag ni Manley.

Ang sumunod na lang na nangyari ay nasa loob sila ng bahay, nakatayo't magkakatabi habang nananahimik na pinakikinggan si Mule na nag-aapoy sa galit.

“Wala kayong kaingat-ingat sa gamit!” sigaw ni Mule sa apat.

“Kabago-bago ng kotse n'yo tapos puro gasgas at sira?” Naglalakad si Mule at iniikutan ang apat nang marahan.

“Hindi 'yan mangyayari kung wala kayong ginawang katarantaduhan!” Hindi nawawala ang mga nanlilisik na mga mata ni Mule sa kanyang mga anak na kada-sigaw niya ay napapapikit dahil nabibingi at napipitlag.

“Tumawag pa sa 'kin ang President ng university, ipinatatawag ako bukas.” Medyo hininaan ni Mule ang kanyang boses dahil bahagyang sumakit ang kanyang lalamunan kasisigaw at kabubulyaw.

“Tinamaan talaga kayo ng magaling!” Napatalikod na lamang si Mule at napasapo sa ulo, “Kung nabubuhay lang ang mama ninyo ay talagang makakatikim kayo ro'n!”

“Maghawak-hawak kayo ng kamay!” sigaw niyang muli nang makaipon muli ng boses.

“Walang uupo, ha!” Dinuro niya ang apat, “Tumayo kayo hanggang mangalay.”

“Grounded kayo the whole first semester,” malinaw niyang saad.

Tumahimik siya panandalian matapos bumuntong hininga ay nagtanong, “Nasa'n ang mga wallet n'yo?”

“Nasa bulsa ko,” sagot ni Mythes, nanghahaba ang nguso. Nagbabarumbado na naman at palihim na nagdadabog.

Kinapkapan ni Mule si Mythes at nang makuha ang wallet nito ay kinuha ang mga debit and credit cards na nandoon.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon