Ang kaninang mga reklamo at daing ay napalitan na ngayon ng ngiti saka nang kaginhawaan dahil natapos na sila sa model na ipre-present nila. Next day, they will do the PowerPoint and next ay ang written report naman. One out of three is done, at least.
“Tapos na kayo?” tanong ni Jazz na biglang bumangon sa kama nang marinig ang tatlo na nagtulong-tulong tapusin ang project.
“Bakit? Akala mo kang excite na excite?” sabi ni Gray na natatawa sa itsura ng kaibigan.
“Nag-aaya 'yong ka-teammates ko sa basketball.” Sinenyas nito ang kamay at ang pag-inom.
“Ano 'yan buong team? Pass, nakakahiya. Napakarami, nakakahiya talaga, 'di ba?” Isa-isang pinupulot ni Finn ang mga marker pen maging ang mga retaso na pinaggupitan. Kung mayro'n mang natatanging katangian kay Finn ay iyon ay ang pagiging masinop niya sa mga gamit. No wonder why their apartment looks so prudent.
“Hindi lahat, sira! Mga nasa lima lang sila gano'n o tatlo, mga ka-close ko 'yon. Tara na.” Inakbayan ni Jazz si Gray, “Nasabi ko na, isasama ko kayo 'ka ko!”
Pero napabitiw siya sa pagkakaakbay kay Gray nang mabaling ang tingin sa katabi niya na tila kinakabahan na.
“Wait... Man, umiinom ka ba?”
“M-Medyo...” sagot ni Manley, nag-aalangan sa magiging reaksyon ni Jazz sa isinagot niyang iyon.
“Okay, may baby tayong dala. Alagaan n'yong mabuti 'yan, a! Tutal mukha naman kayong mag-asawa umasta. Tara na, tara na.” Hinatak niya si Finn na ayos nang ayos sa mga gamit.
Mayamaya ay lumabas na silang tatlo sa pinto at ilang hakbang pa lang ang nagagawa nila ay huminto na agad sila sa katabing pinto.
“Huh?”
“Ito na 'yon?”
“Ehh?”
Katabi lang pala.
“Oo, ito na nga... kakatukin ko na,” sabi naman ni Jazz at hindi na pinansin pa ang reaksyon ng mga kasama.
Bumukas ang pinto na binuksan ng isa pang lalaki na siyang nangungupahan sa unit na iyon, “Hey! Pasok pasok pasok bilis!”
Nagulat naman si Manley at kaagad na hinatak si Gray nang makapasok sila sa loob. “Anong ginagawa no'ng bwisit na 'yon dito?”
“Shh, 'wag kang maingay baka marinig ka...” babala ni Finn sa dalawa.
“Hindi ko rin alam, e... baka friends of friends ni Jazz,” sagot naman ni Gray na nakita rin si Thunder.
“Tara na, maupo na kayo...”
Nagsimula na ang maingay at masayang inuman pero ang pagsisisi kay Manley ay nasa kanya pa rin, hindi nawawala — sinasabing sana'y hindi na lang siya sumama kung alam niya lang na nandito pala si Thunder.
Heto na naman ang tagay, malapit na naman sa kanya — malapit na rin siyang tumumba, kaunting-kaunti na lang talaga. Halos puno ang baso na inabot sa kanya at tila ba hinahamon siya ni Thunder na nakatingin sa kanya at iniismiran siya.
Si Thunder kasi ang tiga-timpla at tiga-salin ng tagay sa mga baso kaya naman kapag si Manley na ang susunod ay sinasadya niyang taasan. Hindi naman hahayaan ni Manley na maliitin at pagtawanan siya nito kaya pinipilit niyang huwag malasing. Ngunit kahit anong pilit niya ay hilong-hilo na talaga siya pero kaya pa niya, yata, malinaw pa ang isip niya, ang paningin at maging ang pandinig — sana hanggang sa matapos sila.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
Ficção GeralSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...