💀 deadly xlvii 💀

158 2 0
                                    

Second semester na.

It also means that they've passed the examinations and they will be separated according to their chosen courses. Hindi naman makakalimutan ng apat ang pag-uusap nila noon sa almusal before the enrollment dahil nabuksan ang usapan at ang gusto nilang course ay natanong ni Mule sa apat.

Malyk chose Bachelor of Science in Psychology.

Mythes chose Bachelor of Science in Nursing.

Myles chose Bachelor of Music in Music Education.

Manley chose Bachelor of Science in Agriculture.

Bago umalis ang professor sa last subject nila Manley ngayong umaga ay in-announce nito na sa celebration ng anniversary ng university ay magkakarooon ng program at isa sa mga highlight nito ay ang Mister and Miss University. Kaya naman nagkaroon ng bulung-bulungan sa classroom kung sino ang kanilang ipanglalaban.

Tinawag ng professor ang kanilang escort sa harapan pero may isang estudyante na nagtaas ng kamay at iyon ay si Gray na kaklase pa rin ni Manley dahil pareho sila ng kursong pinili. Sinuggest niya na si Manley ay puwede nilang ipanglaban. Ipinagyabang niya rin na sumasali ito sa pageants kahit na kaunti lang naman ang nasalihan nito pero nananalo naman din saka one-time lang nito naikuwento 'yon sa kaibigan, hindi naman sukat akalaing matatandaan pala ni Gray nang husto.

Tumayo si Manley nang i-request ng professor na kanilang adviser din na makita ang kaniyang mukha. Nang makatayo siya ay halos magtilian at magsigawan ang mga kababaihan; tila nakalimutan na ang kagwapuhan ng escort na nakatayo sa harapan.

“Ikaw naman kasi talaga dapat ang escort kaso absent ka no'ng botohan,” bulong ni Gray sa kaibigan.

“Tinatamad ako pumasok no'n,” tawang tugon ni Manley sa kaibigan.

After that, it's official — he's the representative of the College of Agriculture for the Mr. University, her muse is also pretty but she's from the other section dahil hindi pumasok sa elimination round 'yong muse nila sa room maging ang escort nila.

Kinuwento nina Gray at Manley kay Finn nang dalawin nila ito sa College of Engineering, na si Manley ang panlaban ng College of Agriculture. Sobrang natuwa naman si Finn kaya nilibre niya ng milktea ang dalawa.

Dito sila sa milktea shop malapit sa university nakatambay ngayon at masayang nagkukwentuhan. Nakuwento nila sa isa't isa ang mga nakai-stress na subjects nila gayundin ang upcoming project na pinost ng professor nila sa Google Classroom ngayon-ngayon lang.

“Man, nag-upload si sir Introduction to Agriculture ng bagong performance task pero by pair sabi sa instructions,” ani Gray nang tingnan ang nag-notify sa phone, “tayo na lang partner!”

“Patingin...” inagaw ni Manley ang phone ni Gray, “Ay, oo nga... sige sige,” sabi nito't ibinalik rin.

Mayamaya ay may ingay na narinig ang tatlo at pagtingin nila ay nakita nilang nasa loob na rin ng shop sina Myles at Malyk; Kylene at Mythes na magka-holding hands pa.

Tumayo si Manley, “Oy, madaya... 'di kayo nag-aaya... ha!” hiyaw niya sa tatlo at sa lakas ng boses ay halos mapatingin ang ibang customers.

“Hinanap ka namin sa room mo, wala ka! Gago.” Mythes raised his middle finger.

Mayamaya ay um-order na ang mga ito at nang makuha ang orders ay dumiretso sila sa table nina Manley. Hinatak ang bakanteng table at idinikit kina Manley saka kinuha ang mga upuan at nagtabi-tabi silang walo.

“Anong mayro'n?” panimula ni Manley sa mga kapatid na isa-isa nang binubutas ng straw ang takip ng milktea.

“Si Kylene napiling representative sa Mister and Miss University and nakapasok siya sa elimination,” sagot ni Mythes bago sumipsip sa straw.

Nagkatinginan si Kylene at Manley hanggang sa nagkatawanan na silang dalawa. Nagtaka naman ang lahat.

“Bakit kayo tumatawa? Ano 'yon?” angal ni Mythes.

Sina Malyk at Myles ay nagcecellphone na lang at ine-enjoy ang drinks. Hindi pinakikialaman ang usapan ng mga kasama nila.

“Sinabi mo ba?” Natatawa pa rin si Kylene.

“Hindi,” sagot ni Manley, pinipigilan ang tawa.

Sinamaan nang tingin ni Mythes ang kapatid, “Ano 'yon, Man...? Tangina ka yah!”

“Wala 'yon...” Hindi niya pinansin ang kuya at tumayo, “Magpapa-add lang ako ng ice,” saad niya't naglakad na papunta sa queue.

After he's got some ice in his cup.

“Gray! Finn! Tara na sa room!” sigaw ni Manley sa mga kaibigan.

Nang makalapit ang dalawa ay napansin nilang nag-uusap ang milktea vendor at si Manley.

“Kakilala mo 'yon?” tanong ni Gray nang kidagin niya si Manley.

“Na-meet ko sa elimination 'yon,” sagot nito at itinulak ang pinto, “Representative siya ng College of Engineering,” sabi niya pa nang masundan siya ng dalawa sa labas ng milktea shop.

“Oh! So, siya pala 'yon!” sabi ni Finn, “I think mananalo ang department namin guys, sorry.”

“Sus! Malakas din panlaban namin!” sabi naman ni Gray at napatingin kay Manley nang nakangiti.

“Sino ba panlaban n'yo?” tanong ni Finn na napangiti rin at napatingin kay Manley.

“Secret...” sagot ni Gray kay Finn at naglakad na sila pabalik sa university.

As if namang hindi alam ni Finn na si Manley ang representative. Kaya nga siya nanlibre, e! Napailing na lang siya't natawa when he remembered that they're just being sarcastic and might as well practicing to keep this thing as a secret. Kailangan nilang ilihim ito hanggang sa dumating ang araw ng laban ni Manley.


***

Imbis na nasa room si Manley ay narito siya sa library nagbabasa ng baon niyang manhwa book. Malimit niyang gawin ito kapag nakapag-advance reading na siya sa lessons o kapag buryong na buryong siya.

Nasa limang huling pahina na siya ng libro at nang matapos iyon ay kaagad niyang tiniklop iyon. Isinilid sa bag bago tahimik na tumayo at naglakad nang marahan patungo sa mga book shelf. Naghahanap ng aklat na makatutulong sa gagawin nilang project ni Gray.

Ngunit sa siwang ng mga librong nakahapay at tagibang ang pagkakapuwesto ay mayroon siyang natanaw. Babaeng tumalon-talon, paulit-ulit at mukhang hindi maabot ang kinukuhang libro.

Naisipan niya itong tulungan.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon