💀 deadly xxxvii 💀

196 2 0
                                    

“Go! P'wede na... bumalik na kayo ro'n, bilis!”

Tumakbo na muli ang tatlo pabalik sa silid na dapat ay kanina pa nila napasok. Maingat nilang sinuyod ang silid at sinigurong walang nakakakita sa kanila. Si Manley ang lookout sa labas at nang makitang may daraan na mga bantay ay kaagad siyang pumasok sa loob.

“'Wag muna tayong lumabas, may mga bantay na dumadaan,” mahinang ani Manley sa dalawang kapatid na tapos na ngayon sa pagsisilid ng mga items sa kaninang lalagyan nito na itim na bag.

Hinintay nila ang hudyat na ibibigay ni Malyk at nang makamit nila 'yon ay lumabas na sila sa silid ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi na naman nila makausap si Malyk.

“Mal, nasa'n ka na? Nakuha na namin!” kausap ni Myles, naghihintay ng sasagot sa kabilang linya.

“Tara na, kuya Mal!” sabi pa ni Manley at inaapura ang kapatid.

Si Mythes naman ay binubuhol pa ng mahigpit ang telang itim kung saan nakalagay ang mga items na mamahalin.

“Saglit lang, may ginagawa pa 'ko...” sambit ni Malyk at sa wakas ay sumagot na rin.

“Ano ba 'yan?” inis na singhal ni Mythes. Kinakabahan na rin ang dalawa.

“Three minutes...” kalmadong tugon ni Malyk.

“May kalaban,” sambit ni Manley nang may matanaw itong papalapit sa kanila.

“Tago...” sabi ni Myles at naunang tumakbo. Muli silang bumalik sa silid na pinanggalingan nila.

“Gago ka, Mal!” bulyaw muli ni Mythes habang mariing hawak ang earpiece sa tenga na tanging nagsisilbing daan sa komunikasyon nila sa isa't isa, “Bakit 'di mo sinabi sa 'min na may paparating na kalaban? Nasa'n ka ba? Akala ko nasa CCTV's ka nakabantay?”

Sumagot si Malyk, “Wala na 'ko ro'n, hina-hack ko ngayon ang system nila. Binabawi ko 'yong mga data na ninakaw nila sa PISA...”

Napakamot ng ulo ang tatlo at sana ay nakita nilang gagawin ito ng kapatid nang hindi sila nag-aalala pero sa kakayahan ni Malyk ay wala dapat silang ipangamba kaya naman gano'n ang ginawa nila pero hindi rin ganoon kadali maging kalmado.

“Bilisan mo r'yan...” si Mythes na pinipilit maging kalmado.

“Two minutes...” tugon ni Malyk, wala man lang kakaba-kabang maririnig sa boses.

“Mal, bilisan mo. Hina-hunting na kami.” Sa boses ni Mythes ay talagang nangangamba na ito dahil nakakarinig na siya ng malalakas na yabag mula sa labas ng silid.

“Oo, ito na... basta stay put lang kayo sa isang lugar para madali ko ma-track ng device ko.” Naiirita na si Malyk dahil napakatagal matapos ng pagta-transfer ng data.

Muling naghintay ang tatlo at sinigurong hindi sila matutunton ng kalaban.

“One minute...” sambit ni Malyk pero tila may naiisip na gawin ang tatlo.

“Lumabas na kaya tayo?” mungkahi ni Mythes.

“Man, sa tingin mo wala nang mga bantay sa labas ng pinto?” tanong naman ni Myles kay Manley.

“Why me? You're the one who's good at guessing?” said Manley and there's no question were answered but they just threw a question to each other like a question relay game.

“Sana lang pagbukas natin ng pinto ay walang mga baril na nakatutok sa 'tin,” saad ni Myles kaya naman kinabahan ang dalawa. Kung ano pa naman ang lumabas sa bibig ni Myles ay malimit magkatotoo.

“E, 'wag na!” ika agad ni Mythes, “Tang'na, mamaya magkatotoo na naman 'yan. Edi patay tayo, literal.”

Napatango na lang si Manley, “Yeah, wait na lang natin si kuya Mal.”

Hindi nila akalaing sa bandang huli ay hindi nila susundin ang mga naiisip nila at kay Malyk pa rin sila magtitiwala.

Samantala, kanina pa niraratrat ni Mythes nang tanong si Malyk pero hindi pa rin ito kumikibo.

“Hoy, buhay ka pa ba? Malapit na ba? Bakit hindi ka na sumasagot? Hoy, Mal!”

Kalaunan ay narinig na muli nila ang boses nito sa loob ng kanilang mga tenga.

“Ten seconds!”

“Mal, bilis... gusto ko pang mabuhay! May date pa kami ni Kylene next week...” ani Mythes at ang kaniyang pangamba na kanina pa kinikimkim ay sa wakas nasabi niya na rin nang hindi inaasahan.

Napatingin si Myles at Manley kay Mythes, gusto nilang tumawa kaya lang baka marinig sila kaya naman pinigilan na lang nila.

“Three... two... one...” rinig nilang ani Malyk, “Daebak!”

Nang marinig ang pagbubunyi ng kapatid ay dumiretso bigla ang tindig ni Mythes at napatanong, “Ano? Okay na? Tara na dito!”

“Coming!” masayang tugon ni Malyk kaya naman nabuhayan ang tatlo subalit kasunod niyon ay ang pagbuntong-hininga nila nang mapagtantong nagsisimula pa lamang ang laban.

***

“Mal! Dito!” kaway ni Mythes.

“Nakuha n'yo ba lahat?” tanong ni Malyk nang makalapit sa tatlo.

“Oo! Ano? Sa'n 'yong daan palabas?”

“Do'n! Sundan n'yo ko!”

Tumakbo sila sa direksyong itinuro ni Malyk.

“Pa'no mo pala napaalis si Roy sa room na 'yon?”

Napangiti lamang si Malyk at pumasok sa isip niya ang ginawa niya kanina.

Mula sa room kung nasaan ang mga control system and cameras ay tumawag si Malyk kay Roy gamit ang telepono na naroon. Tinawagan niya ang iisang number na naroon palagi sa call history at malakas ang kutob niyang si Roy iyon kaya naman iyon ay kanyang ginawa. Gamit ang voice changer device ay ginawa niyang babae ang boses niya. Hindi naman kabisado ni Roy ang boses ng mga tauhan niya lalo pa't madami ang mga ito lalo na ang mga babae. Matapos ay pinatunog niya ang emergency alarm. Sinabi niyang mayroong nangyaring hindi maganda at kailangang makita ito ni Roy as soon as possible. Nang kumagat sa pain si Roy ay doon na lumabas ng room dahil papunta na roon si Roy at kailangan niyang tumakas bago pa siya mahuli.

Paglabas at pagtakbo niya ay isang room ang pumukaw sa atensyon niya. Napangiti siya at para bang naka-jackpot siya sa lotto. Nang makapasok siya sa room ay muli niyang pinatulog ang bantay roon. Mula sa locked na pinto na ngayo'y bukas na dahil ginamitan niya ito ng master key ay sinipat niya ang nag-iisang bantay. Gamit ang kanyang mala-Detective Conan wristwatch ay nakatulog agad ang bantay nang tamaan niya ito sa leeg. Nilapitan niya ito at inilaglag sa upuan para siya ang maupo roon. Nang siya na ang nakaharap sa computer ay doon niya na sinimulan ang pag-hack sa system at pag-retrieve sa files na na-data breach.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon