💀 deadly xxxix 💀

188 2 0
                                    

Kaagad na isinusi ni Roy ang sasakyan at binuhay ang makina nito ngunit bago pa niya maisagad ang bilis nang pag-arangkada ay mayroong bumasag ng bintana ng kotse sa driver's seat at hinatak siya nito palabas dahil sumabit at magasgas pa sa mga bubog sa bintana.


Sinilip nila mula sa basag na bintana ang pagbagsak ni Roy sa kalsada at ang pagkaladkad dito. Naririnig nila ang bawat daing ni Roy na tila pinapahirapan. Matapos manghina ay panandalian itong iniwan at pinuntahan ang TT Brothers.

Binuksan nito ang pinto ng kotse at nang makita ng apat ay nagtaka sila. Ang lalaki ay nakasuot ng kaparehong suit gaya ng Black Turtles. Nakatakip din ng itim na bonnet ang mukha nito kagaya ng sa kalaban. Ang tatlo ay nagtaka maliban kay Malyk.

Bakit kami tutulungan ng kalaban?

Nawala lang ang kanilang mga katanungan sa isipan nang tanggalin ng lalaki ang bonnet at doon ay nakita nila ang isang pamilyar na mukha.

“Papa!” sigaw ni Manley na siyang unang nakakilala kay Mule.

“Nice!” sambit ni Mythes sa unang pagkakataon at salamat dahil hindi mura ang lumabas sa bibig niya.

“Mal!” sigaw ni Myles kay Malyk na katabi niya.

Tumatawa lang si Malyk.

“You lied!” sabi pa ni Myles at siniko si Malyk kahit na nahihirapan dahil nakaposas pa ang kamay.

“Well, I did it on purpose. I forgot to tell, it's part of the plan but it would be nicer if I'd turned it into a surprise?”

“Well, it's like what you actually did!” Mythes twitched his eyes.

Si Manley naman ay walang pakialam sa pagtatalo ng mga kapatid dahil hindi siya makapaniwalang sumama ang Papa nila sa mission na ito.

“Tamang-tama ang dating mo, 'Pa!”

“'Wag na kayong magtalo-talo,” sabi ni Mule at kinalagan niya si Mythes. Inutusan niya't ibinigay ang susi rito para kalagan nito ang iba pang kapatid.

Sa maikling pag-uusap nilang iyon ay hindi nila inaasahang may mangyayaring hindi nila dapat. Isang humaharurot na motorsiklo ang biglang huminto sa harapan ni Roy Lara. Tila kilala naman ito ni Roy kaya kaagad siyang umangkas at sumibat na nang kay tulin tangay-tangay niyong motorsiklo.

Mga tatlong segundo ang nakalipas nang mapagtanto nilang tumatakas na sila Roy Lara kasama ang nagligtas dito.

Tumingala si Mule at napansing wala na ang mga helicopter doon. Natanaw niyang tinutugis na rin ng mga iyon sina Roy at paulit-ulit pinasasabugan ngunit ayaw ni Mule na tumanga lang dahil siya mismo ang may gustong makahuli ng buhay kay Roy Lara.

Sumakay sila sa kotse na sinasakyan ng mga anak nila kanina kasama si Roy pero nang i-start niya ito ay hindi umandar ang sasakyan. Naloko na. Mukhang may kill switch ang kotseng ito at siguradong nagawang pindutin na ni Roy ang button habang paalis ito kaya naman hindi na nila magagamit pa ang sasakyan.

E, ano kung hindi kotse? May motorsiklo naman, sa loob-loob ni Mule.

Sinakyan ni Mule ang isang motorsiklo at kung hindi magkakamali ay iyon ang sakay ni Mythes kanina. Si Mythes naman ay angkas si Malyk; si Myles naman ay angkas si Manley.

Pagkaangil ng motorsiklo ay sumibat na ito kaagad para habulin sina Roy Lara na nagtatangkang tumakas. Nakarating sila sa mabundok na bahagi ng daan kung saan sa ibaba noon ay may ilog. Nakalulula ang taas pero dahil bangin itong gilid nila ay kinakailangan nilang gumitna.

Nang matanaw na sina Roy Lara ay pinaulanan nila ng bala ang motorsiklo nito ngunit sumasagot din ng putok si Roy Lara. Wala namang tumama sa anumang bala nilang pakawalan.

Pagkurap ng kanilang mga mata ay isang malakas na pagsabog ang naganap dahilan para mapapikit sila nang husto at mapahinto. Nakita na lamang nila pagdilat ay ang motorsiklo ni Roy Lara na nagliliyab sa malakas na apoy. Wala na rin ang nagmamaneho nitong tumulong sa kanya.

Napagtanto nilang isa sa mga sniper doon sa helicopter ang nakatama kila Roy Lara. Sinubukan nilang tumingin sa ibaba ng bangin pero wala silang bakas ni Roy at maging ng kasama nito na makita. Ni anino ay hindi maaninag dahil sa lalim na rin ng gabi. Sinubukang ilawan ng helicopters at hanapin sina Roy Lara mula sa itaas pero nabigo sila.

Sa taas ng bangin kung mahuhulog sina Roy Lara doon dulot nang pagsabog ng motorsiklo nila ay siguradong patay na sila bago pa sila bumagsak sa ilog dahil sa napakatarik ng bangin at napakaraming punong babanggaan ng dalawa. Malamang ay nagkalasog-lasog na ang mga buto nila pagkabagsak sa ilog.

Gayunpaman ay hindi sila nagpakampante, tinadtad nila ng bala at bomba ang ilog. Inubos nila lahat roon at nang wala nang mailabas na bala at mapasabog na bomba ay roon na sila nagpasyang tumigil na.

Tagumpay nilang naiuwi ang mga museum object na nanakaw at naibalik ito ng maayos sa National Museum ng Pilipinas. Ngunit paanong nangyari 'yon? Simple lang. Nang dumating ang request for vehicle ni Malyk na mga motor ay kinuha nila roon sa dati nilang sinakyang kotse ang mga replica at pekeng kopya ng items. Iyon ang isinilid nila sa mga bag na dala-dala nila habang nagpapahabol kanina sa Black Turtles.

Nang sumibat na ang kotseng unang sinakyan nila ay naroon na ang lahat ng legit items na ibebenta sana sa auction ngayong gabi. Ang tanging dala na lamang nina Manley ay mga pekeng kopya na kamukhang-kamukha ng mga items na orihinal — imitation lang.

Inilayo lang nila si Roy Lara at nilibang saglit. Si Roy Lara naman ay walang kaalam-alam na naghahabol lang siya para sa wala. Maging ang pekeng pagsuko nila sa lugar kung saan sila huminto ay planado rin.

Doon ang meeting place kung saan naroon ang request back up nila kaya roon sila huminto at sumuko kuno kina Roy Lara. Maging ang pagsakay sa kanila sa loob ng kotse ay bahagi ng plano dahil hindi dumadaloy ang kuryente sa metal surface ng kotse at isa sa safest place para hindi makidlatan hindi ba ay ang kotse? Gamit ang weapons nilang nag-e-emit ng high voltage, kung mananatili sila sa labas ay maaaring isa sila sa madamay.

Si Mule naman ay nagpanggap na Black Turtles at ginaya ang suot ng mga ito. Inakma niya rin kunwaring nanakawin ang isang item na sinadyang ihulog ni Manley noong dinadakip sila bago ipasok sa kotse ni Roy Lara.

Lahat ng iyan ay bahagi ng napagplanuhan ni Malyk at ni boss Hiego Rudizo.

“And this is where our first mission ends!” masayang sambit ni Manley at tinapik ang balikat ng ama bilang pagbabahagi ng tagumpay.

And... there's only two words rummaging inside of his brothers' head.

Mission accomplished!

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon