💀 deadly li 💀

150 1 0
                                    

Habang nagkaklase sila ay napapansin ni Gray na madalas hilutin ni Manley ang sintido nito. Ang tagal babaan ng tama ni Manley at hanggang ngayon ay nahihilo pa rin siya pero hindi naman na kagaya no'ng kagabi na halos mawalan na siya ng malay at magsuka. Mabuti na lang talaga naroon si Finn at Gray - paano na lamang kung wala?

"Good morning, sir!" anang kumatok sa pinto. "Sorry to interrupt your class."

"Yes?" the professor waited the reply.

"I'm looking for Mr. Jam Mythes Tonne-Tiu. Allow me excuse him in your class as he will be having their rehearsals for the coming Mister and Miss University," the guy stated in his most polite way of talking to elderly.

The professor smiled and nodded.

"Thank you, sir."

Manley looked at Gray whose worried about him, he gave it a smile saying he'll be all right. He made his way out of the classroom with all eyes of everyone were glued on him.

Napatingin si Manley sa kasabay niyang maglakad, kakausapin niya sana ito dahil sa aura nitong maaliwalas kanina nang nakikipag-usap sa professor nila pero kaagad iyon ay naglaho ngayong nasa labas na sila.

Hindi na ninais pa ni Manley na kausapin ito dahil tila ba nabibigatan siya sa atmospera sa kanilang dalawa. Gano'n lang siguro siya kapag kausap ang mga teacher para hindi siya magmukhang bastos, naisip ni Manley. Well, kung gano'n nga... napakagaling niya umarte - puwede na mag-artista. He rolled his eyes in his imagination.

"Ba't gan'yan ka makatingin? 'Di naman ako artista para titigan nang gan'yan."

Namilog ang mga mata at lulunok-lunok ang kinakabahan sapagkat nagulat nang husto nang marinig ang malamig na boses ng lalaking ito - kinikilabutan si Manley at para bang hinipan siya ng napakalamig na hangin. What's wrong with him? Is there? He assumed as much.

"Ow-" Manley suddenly felt the ache again. Napapikit siya sa kirot ng kanyang sintido, sinusubukang haplusin gamit ng daliri para maibsan ang sakit.

"Hey, are you okay?" asked he guy when he catched a glimpse on him.

"Okay lang," sagot ni Manley at tiniis ang sakit maipakitang ayos lang siya.

"You sure?"

"Oo."

Matapos iyon ay hindi na ulit nasundan ang usapan nila hanggang sa makababa sila sa hagdan. Patuloy sila sa paglalakad nang biglang lumiko ang lalaki sa direksyon patungong cafeteria. Sinundan niya ito at ngayon ay naglakas loob na siyang magtanong.

"Um, can I ask?"

"You're asking me now, aren't you?" said by the man he's following.

Nagtungo ito sa vending machine at naghulog ng dalawang coins.

"A-Ano... bakit dito? Sa cafeteria ba gaganapin ang rehearsal?" muling tanong ni Manley sa lalaking hindi siya pinapansin.

Yumukod ito bahagya para abutin ang lumabas na dalawang bote ng juice. Ang isa ay lemon flavor samantala ang isa naman ay pineapple flavor. Parehas niyang hindi gusto; strawberry flavor lang ang hilig niya.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon