💀 deadly xl 💀

188 3 0
                                    

“Good morning!”

Kasabay nang malakas na alarm tone — na tunog ng mga tilaok ng manok na hindi naman alam ni Manley kung saan nanggaling dahil hindi naman siya nag-set ng alarm sa phone niya — ang pagmulat ng mga mata at pagkagising nang natutulog niyang diwa.

“Gising na! Plantito!

Nang ma-realize niya kung kaninong boses galing 'yon ay pinilit niyang sumagot kahit na napakalabo pang maintindihan ng kahit sinumang makarinig at ang dila niya ay parang katawan niyang nanghihina, wala pang lakas at parating pa lang.

“Kuya Mal... let me sleep more,” ani Manley at hinatak ang kumot na nasa paanan na niya, “mamaya ka na manggising, kaaga-aga pa.”

“Ay, bahala ka... pagkakaperahan 'to!”

Nang marinig ang mahiwagang salita ay mas mabilis pa siya sa alas-kwatrong bumangon sa kama.

“Hindi na pala 'ko inaantok,” sabi ni Manley pagkatapos huklatin nang mabilis ang kumot na nakabilot sa katawan.

Tumawa nang tumawa si Myles kaya naman nagduda na si Manley na baka ginu-good time lang siya ng kapatid at tama naman siya.

“Bakit ba?” Ginulo niya ang buhok na magulo na, “Ba't nandito ka?”

“Ha?” Tumawa pa siya nang ilan, “Nandito lang naman ho ako para ipaalala sa 'yo na tapos na ang first mission natin. Okay na, naparangalan na us and pahinga raw muna, 'di ba? Alam mo ho ba kung anong ibig sabihin no'n? It means, back to normal again. We need to kayod dahil we're still grounded and na kay Papa pa rin lahat ng ATM natin. Nakalimutan mo na?”

“Shocks, oo nga pala...” Napatakip sa bibig si Manley gamit ang dalawang kamay niya.

“. . .”

Inalis niya ang pagkakatakip sa bibig, “Pa'no 'yong sa university?”

“Okay na 'yon... naayos na ni Papa,” ani Myles para sa ikakakalma ng kapatid.

“Teka, anong oras na?” Napatayo si Manley at madaling-madali na marinig ang isasagot ni Myles para alam niya kung gaano siya kabilis magpapalit ng damit.

“10 AM,” sagot ni Myles, nakangisi.

“Honto?

“Really. Yeah, it is. Real na real pa sa dalandan.”

“Nan dayo!” Napatingala si Manley at hindi na alam ang gagawin, tinitigan ng masama ang kapatid saka sinisi, “Ba't 'di mo 'ko ginising nang maaga? Late na tayo! Gumayak ka na! Wala ka bang balak pumasok?”

“Shut up!” ani Myles bilang paborito niyang salitang gustong sabihin palagi.

Urusai!” sagot ni Manley na pareho lang ang kahulugan sa sinabi sa kanya ng kapatid.

“Hooh, nahahawa ka na sa mga salitaan ni Mal!” sigaw ni Myles habang pinapanood ang kapatid magkalkal ng damit sa closet nito.

Baka!” sigaw ni Manley at nagkakalkal pa rin ng damit hindi makapili nang isusuot, inihagis lang nito ang mga madampot na damit. Huminto siya saglit at tumingin sa kapatid, “He's speaking in Korean language, I'm speaking in Japanese language. Baka!”

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon