"Kasasabi ko lang," ani Myles na tila nagdilang-anghel sa kanyang pakuwari na baka maparusahan na naman sila ni Mule. Ano bang hindi sinabi ng lalaking ito ang hindi nagkatotoo?
Dismayado siya sa kanilang kinahantungan, mas lalo sina Manley at Mythes na palihim na nagtatalo pa rin. Ibig nilang sabihin sa palihim ay pasimpleng nagmumurilatan ng mga mata, nag-aangilang parang aso at pusa, nagkukurutan pero hindi nagpapahalata dahil baka makita ni Mule, nagtatapakan ng paa at nagsisikuhan kapag hindi nakatingin ang kanilang ama.
"Pahinging pop corn," bulong ni Myles kay Malyk.
"Edi abutin mo, may kamay ka naman." Hindi natinag sa posisyon si Malyk na tila pinapairal ang pagiging panganay.
"Pero hawak niyo ni Mythes ang dalawang kamay ko," sagot ni Myles kaya't napailing na lang si Malyk at inabot ang bowl ng popcorn sa katabing nagde-demand.
"Oh," alok ni Malyk pero nakanganga na si Myles.
"Subuan mo po ako kuya Malyk," magalang na ani Myles sa seryoso nitong mukha na wala namang pinagbago kahit na ano pang emosyon ang maramdaman niya. Serious, poker face is his usual visage.
"Utut mu!" Nagdadabog na inilapag ni Malyk ang bowl ng popcorn sa mga hita ni Myles na magkadikit. "Ano 'ko utusan?" Nagbabarumbado at humahaba ang nguso, mabilis na tumayo at pwersahang inalis ang magkahawak-kamay nila ni Myles.
Nanlaki ang mga mata ng tatlo sa ginawa ng panganay, pareho rin naman ang ipinakita niyang reaksyon dahil maging siya ay gulat rin sa ginawa niya. Nawaglit sa isipan niyang they're still under the punishment right now.
"BAWAL BUMITIW!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo.
Maging si Mythes at Manley ay huminto na pagkakaramusahan para lamang pigilan si Malyk pero huli na ang lahat. Wala ngang nagawa si Leonardo sa bilis ng pangyayari. Well, kaduda-dudang dahil sa bilis ng pangyayari iyon, sadyang mas pinagtuunan niya lang ng pansin ang bowl ng popcorn sa lap niya kaya nawala sa loob niyang higpitan ang kapit sa kamay ni Malyk.
Bakit ba kasi nanghihingi pa siya ng popcorns? Ano bang mayro'n do'n gayong si Mythes ay wala namang pakialam do'n? Sa bagay, Raphael's pizza lang naman ang makakakuha ng atensyon sa mokong na 'to. Mas aatupagin pa nitong makipag-away kay Manley kaysa makiusap na bigyan siya ng popcorns.
"Balik," maawtoridad na sambit ni Mule na kanina pa nakamatyag sa quadruplets na makukulit.
"Malyk! Balik!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo sa natulalang panganay.
Napataas-baba na lamang ang kilay ni Myles sa narinig, "Wow, rhyme." Kanta na naman ang tumatakbo sa isip niya palibhasa'y sa apat, siya ang mahilig sa musika. Not to mention that he is a professional indie singer slash songwriter.
"Hindi na kayo natuto! Balik!" Sa puntong ito ay mas lalong nangibabaw sa boses ni Mule ang galit kaya naman wala nang nagawa si Malyk kundi bumalik sa kinauupuan niya kanina. He scratched the nape of his neck and licked his lower lips as for nothing but just his mannerism.
He sighed and sat down his butt beside Myles, they're now holding hands again.
"Wala na, extended 'yan for sure ng---"
"One hour," biglaang pakli ni Mule.
"Sasabihin ko pa lang," pabulong na ani Myles na ang dapat sasabihin ay nasabi na ng kanilang ama.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...