"OKAY KA LANG?" nag-aalalang tanong ni Mythes sa kapatid na ngayon ay iniinspeksyon na ang bawat sulok at bahagi ng katawan ni Manley, hinahanap kung ano ang masakit sa katawan ng kapatid, kung nasaan ang sugat o kung saan ito natamaan.
"Yea, natalsikan lang ako ng mantika." Natigilan si Mythes sa sinambit na ito ni Manley.
"Akala ko naman kung ano na," aniya't itinulak palayo ang kapatid. Naglakad siya ngunit nang may maalala siya ay kaagad na bumalik. "O, mag-apron ka." Iniabot niya sa kapatid ang apron na nakabitin malapit sa sabitan ng mga sandok. Pinanood lang niya magsuot ng apron si Manley. Sa simpleng mga kilos niya ay naramdaman ng kapatid ang puso nitong si Mythes na mapag-alala sa mga taong nasasaktan.
"Ano mayro'n?" Si Mule na biglaan din ang pagsulpot. Posibleng papasok na siya ng bahay kanina kaya niya narinig ang ingay sa kusina.
"A, nagluluto ako, Pa." Ngumiti si Manley para pawiin ang pag-aalalang nakita sa mukha ng ama.
"Hindi, ano 'yong sigaw? May narinig akong sumigaw?" tanong ni Mule at doon na nalamang narinig nga nito ang boses ni Manley.
"O, bakit gan'yan ka makatingin sa 'kin, Pa?" reklamo ni Mythes sa pagdududang tingin na ibinato ni Mule sa kanya. "Ano akala mo ginulpi ko na naman ang pinakamamahal mong anak?"
"Hindi ba?" bwelta ni Mule na parang inaakusahan si Mythes sa salang hindi naman nito ginawa.
"Hindi, Pa. Natalsikan lang ako ng mantika," paglilinaw ni Manley kaya naman napawi at kaagad na nabura ang pagdududa kay Mule.
"A, sige... matutulog na muna 'ko." Tinanguan niya ang dalawa at napansin ng mga itong ibinulsa ng papa nila ang cellphone.
"Hindi kayo kakain?" tanong ni Manley na ngayon ay nakatingin na kay Mule imbis na sa niluluto niyang ulam.
"Hindi na, pagkagising ko na lang mayamaya. Iidlip lang ako." Tumalikod na si Mule at lalakad na paalis.
"Pa, pag-akyat mo nga, katukin mo yung pinto nila kuya Malyk at Myles tapos pakitanong kung kakain sila. Nagluluto ako ng dinner 'ka mo," pahabol ni Manley sa ama.
"Sige," sagot ni Mule na walang atubili.
"Tang'na, kadaya talaga. 'Pag kay Man, sige agad. 'Pag sa 'kin, hindi pwede palagi." Umarya na naman ang pagkaseloso ni Mythes.
"Hay nako, Myt... tulungan mo na lang 'yang kapatid mo maghanda ng pagkain, ikaw 'tong mas naunang lumabas sa sinapupunan tapos ikaw pa itong kulang-kulang at isip bata."
"The fuck, parang two minutes lang naman ang pagitan naming apat like what the fuck wala na nga dapat kuya-kuya, buti kung two years ang pagitan naming apat."
"I'll get going." Tuluyan nang nilisan ni Mule ang dalawa at hindi na siya nakipagtalo pa sa anak na si Mythes.
"Gagi, OA naman sa two years, edi nabulok na ako sa matris ni mama." Nagsasalita si Manley habang nagluluto ng beef steak na gawa niya.
"Edi mas mainam, nang dalawa lang kami ni Malyk. Like I'm so sick seeing four similar faces everyday," sambit ni Mythes na ngayon ay sisilip-silip sa niluluto ng kapatid nang biglang malaglag ang tinidor na natabig ni Mythes nang hindi namamalayan.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...