Habang ang apat ay abala sa pagkukwento ng kanilang buhay sa tatlong puntod na nasa kanilang harapan ay abala rin ang kanilang ama sa kausap nito sa cellphone. Medyo malayo ng tatlong dipa sa mga anak niya ang kanyang kinatatayuan at hindi malakas ang boses niya kung kaya't hindi siya maririnig ng apat. Sa sobrang ingay din naman nitong apat ay imposibleng marinig talaga nila ang mga sinasabi ni Mule at ang pinag-uusapan nila ng kausap niya sa cellphone.
Makalipas ang ilang saglit ay makikitang nakasakay na muli sa kotse ang apat na magkakamukha, nagkaiba lang ang mga kulay sa buhok at kutis ng balat at ang kanilang papa na seryosong minamaneho ang sasakyan.
Tulog si Malyk at nakasandal ang ulo nito kay Mythes. Si Myles naman ay tulog din at nakasandal rin kay Mythes. Kahit na ngawit na ngawit na ang magkabilang balikat ni Mythes ay hindi niya naman magawang gisingin ang dalawa. Inabala niya na lang ang sarili na manood sa cellphone ng latest MMA fights na paborito niyang sports kaya hindi maitatago ang perfect built niyang body. Sa apat ay siya ang pinaka physically fit and muscular body type.
Mayamaya ay pumreno ng malakas si Mule dahilan para mayanig ang mundo nina Myles at Malyk na kanina ay mahimbing na natutulog sa biyahe pero ngayon ay gising na. Samantala, si Manley na ang bumaba at siyang nagbukas ng gate para makapasok ang kanilang sasakyan. They've been used to it na since wala nga silang security guard sa bahay or even maids. Hindi sa wala silang pampasweldo sa mga ito kundi ayaw lang talaga ni Mule.
Nang mabuksan ang magkabilang bahagi ng gate ay umarangkada na papasok ang sasakyan at nang makapasok at tuluyan na itong makagarahe ay isinara na ni Manley ang gate, kinandado niya na rin ito gaya ng nakasanayan.
Isa-isang bumaba ang tatlo, hapong-hapo dahil sa nakakapagod na araw pero itong si Manley ay nananatiling energetic at tila wala man lang iniindang pagod kahit na napakahaba ng storytelling din na ginawa at ishinare ni Mule sa kanila kanina mula sa sementeryo hanggang sa sasakyan kaya naman nakatulog na rin 'yong dalawa.
"Hanggang saan kayo umabot kanina sa kwento ni, papa?" ani Manley nang patakbong lumapit sa tatlong nanghihina.
"'Di ko na matandaan," ani Malyk na pumupungas-pungas pa ang mata.
"Nasa bahay na ba tayo?" tanong naman ni Myles na tila naaalimpungatan pa.
Natawa na lang si Manley sa dalawang kapatid niya at inalalayan ito papasok sa bahay. Nang makabawi ng lakas ay dumiretso na sa kwarto ang dalawa. Si Mythes naman ay nasa kusina ngayon at nangkakalkal ng maaaring kainin.
"O, nandito ka na naman." Inangilan na naman ni Mythes na animo'y tigre nang makita ang kasusulpot lang na si Manley. Kailan ba magkakasundo sa mga bagay-bagay ang dalawang ito?
"Ba't ba? Bahay mo ba 'to?" sagot naman ni Manley na sanay na sanay na makipagbarahan sa kuya niya.
"Si Papa?" tanong ni Mythes makalipas ang ilang segundo ng katahimikan.
"Nando'n naiwan sa labas ng kotse, may kausap sa phone." Nagsimula nang magtingin-tingin ng mga makakain sa fridge si Manley.
"Kanina pa 'yon, a..." ani Mythes na sinundan ng tingin ang kapatid.
"Sus, 'di ka na nasanay." Nagpatuloy si Manley sa pagkalkal sa refrigerator at doon ay nakakita siya ng bawas na Ginggrae strawberry milk. Tira niya 'yon at nilagok niya nang lahat at nang maubos ay tumayo.
"Sa tingin mo may bagong chicks si Papa?" tanong ni Mythes kay Manley na nakaharap na sa kanya at papalapit na sa kinatatayuan niya.
"Gagi, marinig ka ni Mama!" mahinang ipinukpok ni Manley ang gawa sa karton na pinaglagyan ng strawberry milk sa ulo ni Mythes.
"Tarantado! Paano akong maririnig no'n?" angal ni Mythes at inagaw ang walang lamang strawberry milk saka ibinalibag pabalik sa kapatid.
"Anong paano? E, nand'yan nga, o... sa tabi mo!" sambit ni Manley na nananakot. Tumalikod siya't nagtungo sa trash bin para itapon ang walang lamang carton ng Ginggrae strawberry milk.
"Hoy, tangna mo ka- 'di naman nakakatakot saka isa pa mama natin 'yon," ani Mythes kay Manley na ngayon ay nasa harapan na muli ng refrigerator. Muling binuksan iyon ni Manley at hindi nagtagal ay isinara niya na rin nang makuha ang nais.
"Lol, 'di daw takot... tabi nga r'yan, magluluto ako," sambit nito pagkatayo at nang makalapit sa kinatatayuan ni Mythes.
"Sige dalian mo, bago pa maubos ang pasensya ko." Tumabi naman kaagad si Mythes para mailuto na ni Manley ang bitbit nitong karneng nakabalot sa transparent na supot.
"Nyenyenye!" pamumwisit ni Manley at nag-make face pa kay Mythes. "Magluluto ako, ang sabi ko. Hindi ko sinabing ipagluluto kita."
"Okay." Nagwalk-out si Mythes matapos mapahiya. Nagdabog, as usual.
Nagtungo si Mythes pabalik sa salas, lumingon pang saglit kay Manley na ngayon ay pinihit na ang faucet at masayang hinuhugasan ang karneng kinuha sa refrigerator. Ano pa nga bang maitutulong niya? E, si Manley lang naman ang parang tumatayong nanay sa pamamahay na ito. Siya ang tiga-luto at tiga-ayos ng mga gamit sa bahay. Ultimo pag-aayos sa garden at pagtatanim ng mga halaman ay inatupag niya. Kulang na lang ay labhan niya ng mga damit ng mga kapatid niya na hindi niya naman ginagawa dahil kani-kaniyang laba rito. Mga pinagbihisan lang ng papa niya ang nilalabhan niya.
Tuluyan nang nawala ang presensya ni Mythes sa kusina at tumambay na lamang sa salas. Nakaramdam siya ng kakaiba sa katawan niya at para bang biglaan niya na lang naisip magpalabas. Naisip niyang pumunta sa kwarto pero tinatamad siyang umakyat kaya naman upang mapigilan ang lumalalang libido ay nag-push-ups na lang siya. Nag-curl-ups at crunches pa siya para sure na ma-distract at manghina ang sarili.
Mayamaya ay natigil siya sa biglaang pagwo-workout nang makarinig siya ng malakas na sigaw mula sa kusina. Kaagad siyang bumangon at kumaripas ng takbo nang marinig ang boses ni Manley na tila napano o may kung anong naramdaman dahil para itong nasaktan sa atungal ng boses nito.
"BAKIT? ANONG NANGYARI?" Halos magkandadulas sa sahig ang mga paang nagkukumahog ni Mythes makarating lang kaagad sa kusina kung saan naroon si Manley. Ang nag-aalalang mukha niya at ang nakaguhit sa pagkagulat sa ekspresyon ang bumungad kay Manley na nagulat din sa biglaang paglitaw ng kapatid na si Mythes.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
Ficção GeralSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...