💀 deadly xxxii 💀

5.7K 20 0
                                    

Kaagad na inundayan ng saksak ni Myles ang lalaki sa tiyan at si Malyk naman ay lumundag para magilitan ang leeg nito pero dahil sa inindang tama nito sa tiyan ay napaatras ito kaya naman imbis na sa leeg ay sa pisngi lamang ito nahiwa ni Malyk.

Si Manley at Mythes naman ang trumarabaho sa dalawang babae na hindi nila nagawang sugatan at pinag-umpog na lamang ang mga noo.

Tumakbo na silang apat at ang buong akala ay wala nang hahadlang sa kanila ay isang sapantaha lamang sapagkat nagawang maitawag no'ng lalaking nasaksak sa mga kasamahan niya ang apat.

“Palabas na sila, 'wag n'yong hayaang makatakas.” Inalalayan siya ng dalawang babaeng ngayon ay may malay na at sinusubukan siyang itayo pero mayamaya lang ay tumirik na ang mata at nawalan nang pintig ang pulso.

Ginulantang ang TT Brothers ng sandamakmak na mga lalaking nakasuot ng black suit at doble sa bilang ng mga kinalaban nila kanina sa backstage. Tumagal ng ilang minuto ang sagupaan nila at dito ay gumamit na sila ng baril na in-issue sa kanila ng agency.

Iningatan nila ang mga items na maagaw at masira habang nakikipaglaban. Nagpapasa-pasahan pa sila at halos gawing bola ng basketbol ang isang item na nalaglag pero hindi nila hinayaan iyon at pinagpasa-pasahan nila hanggang sa maibalik muli sa lalagyan.

Once all cleared, umalis na sila sa masikip na pasilyong iyon hanggang sa makarating sa entrance. Nagtakbuhan sila sa kotse at walang inaksayang segundo na magtagal pa roon. Si Mythes ang pinakamabilis magmaneho sa kanila kaya naman siya ang may hawak ng manibela at may kontrol sa kanilang pagtakas.

“Alam mo na ba kung saan tayo hihinto?” tanong ni Manley kay Malyk na katabi niya.

“Oo, na-sent na sa 'kin ang location,” si Malyk na hindi nawawala ang tingin sa cellphone kung saan mayro'ng map at mino-monitor ang kanilang direksyon.

“Good,” ani Mythes, nagpatuloy sa pag-drive.

Sinabi ng cellphone na 'turn left' kaya naman lumiko sila ngunit hindi nila inaakala na sa lilikuan nilang iyon ay roon naghihintay na naman ang sangkatutak na kalaban. Hindi mabilang ang mga kotseng itim na nakaharang sa kanilang daraanan at kahit pilitin pa nilang umarangkada ay wala nang espasyo na nakalaan para makadaan pa sila.

“I've already pictured it in my mind,” Myles said nonchalantly.

Lahat sila ay nagulat nang ito'y naunang lumabas ng kotse at iniharap ang sarili sa mga kalaban.

“I'm so sick of this,” Myles said when Mythes' arm pushed against his.

“I badly wanna end this,” Mythes murmured.

Si Malyk naman ay hinatak at kinaladkad pa si Manley palabas ng kotse dahil ayaw na nitong humarap pa sa labang ito. Kaya naman nakatikim si Manley nang malakas na sampal mula kay Mythes nang mailabas siya ni Malyk.

“It's not the time to be nerveless, Man!” Pinipilit alisin ni Mythes ang panghihina ng loob ng kapatid dahil makaaapekto ito sa kanilang apat. Si Mythes kasi ang pinaka naaapektuhan kapag nakikita niyang may hindi magandang nangyayari kay Manley o kaya naman ay hindi maayos ang pakiramdam nito.

“Alam ko, pero ang dami nila...” Manley said in his low worried voice.

“Papabayaan mo kaming mamatay?” Tinulak ni Mythes si Manley dahil sa sumiklab nitong apoy sa loob ng kanyang puso na kanina niya pa pinipigilang 'wag sumabog.

“Hindi, s'yempre ayaw ko kayong mamatay! Kaya nga sumuko na lang tayo,” ani Manley at tumingin kay Myles dahil sa akala niyang makakakuha siya ng simpatya mula rito pero sa pagkakataong ito ay hindi gano'n ang nangyari.

“Tapos ano? Uuwi tayo ng bigo? Ng wala man lang magandang balitang dala?” Maging si Myles ay tutol sa sinasabi ng kapatid na pagsuko.

“Magandang balita na 'yong malaman nilang buhay tayo,” pagpupumilit ni Manley at naghihintay ng isa o dalawa man lang na sasang-ayon sa ideya niya.

“Do you think pauuwiin nila tayo ng buhay?” Halos parang hanging malamig ang boses na narinig mula kay Malyk.

“Tang'na Man,” umiwas nang tingin si Mythes pero kaagad ring ibinalik sa kapatid, “walang saysay 'yang mga sinasabi mo.”

“Anong wala? Sumuko na tayo! S-Sabihin na lang natin na nabigo tayong gawin 'yong ipinapagawa nila,” pagmamatigas ni Manley, mahigpit na kinukumbinsi ang apat na sang-ayunan siya.

“No!” Mythes bawled, “there's no fucking way we're giving up.”

“Kuya Mal, tumawag ka nang back up bago pa tayo mamatay lahat,” ani Manley at niliglig nang niliglig si Malyk para kulitin ito na sumunod sa kanyang pakiusap.

“We'll fight, Man. It's a matter of life and death,” Malyk persisted. Wala siyang balak na sundin ang kapatid at sang-ayon siya sa dalawa. “We dedicate our life in this mission, remember what we oath when we entered this job.”

“But what about our lost sister?” Manley made everyone fell into a short silence, “How can we find her if we would have being six feet under?”

“That's why they should be the dead bodies... not us,” Mythes pointed the enemies standing on their way.

“Shut up,” Myles obstructed, “Listen...” took a deep breath then continued his sentence, “We can do it if we want to but only if we do it as one.”

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay may lalaking umubo na kumuha ng kanilang atensyon. Natigilan sila sa pagbabatuhan ng mga salita sa isa't isa dahil sa presensya ng taong nakatayo ngayon at palapit sa kanila.

“Mukhang hindi na naman 'ata magkasundo ang TT Brothers?” Ngumisi ito nang nakakatakot na nagdulot nang pagtaas ng balahibo ng apat.

“Ikaw?” sabay-sabay nilang sambit sa gulat nang makita kung sino ang nakatayo sa harapan nila ngayon.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon