Nahabol na nila Gray at Manley si Finn. Nakaupo na rin sila sa table at kumakain na pero hindi pa rin makausap ni Gray si Finn; si Manley lang ang pinapansin nito.
“Anyare sa 'yo kanina?” Hindi alam ni Gray kung pang-ilang tanong niya na ba ito.
Hindi kumibo si Finn. Nanatiling walang kibo sa kabila nang napakaraming tanong.
“Galit ka?” tanong ni Manley kay Finn habang nginunguya ang footlong na pinapapak niya na lang dahil ubos na ang rice niya.
“Hindi. Nagugutom lang ako,” sagot ni Finn.
Nagkatinginan si Manley at Gray.
“Weh,” pagdududa ni Manley, “bakit 'di mo pinapansin si Gray?”
Tinitigan ni Finn nang masama si Manley, “Gusto mo pati ikaw?”
“Aw.” Manley shook his head, zipped his mouth by his fingers as if there's an imaginary zipper in there.
Pero hindi makapapayag si Gray na hindi siya papansinin ng kaibigan kaya naman kahit makulitan pa ito ay kakausapin niya pa rin nang kakausapin, “Finn, samahan mo 'ko — uhm — bili tayo drinks?”
Hindi kumibo si Finn. Umiwas ng tingin.
“Ako na lang, tara?” suhestiyon ni Manley at nagbago ang reaksyong nakaguhit sa mukha ni Finn. Gusto na sana nitong bawiin ang sinabi. Siya na lang sana ang sasama kay Gray kaso minabuti niyang hayaan na lang ang dalawa. Tumayo na si Manley, e. Nag-inarte pa kasi siya.
“Ano gusto mong drinks, Finn?” Hinihintay ni Manley ang sagot ni Finn. Mabuti na lang sumagot ito at hindi na nang-snub.
“Iced tea,” ani Finn at umiwas na naman ng tingin.
“Noted, boss.” Manley showed an okay sign in his hand and then gripped it Gray's arm tightly. Finn saw that but he just glimpsed at them.
“Ako na magbabayad no'ng kay Finn,” sambit ni Gray nang makarating sila sa stall na bilihan ng drinks.
“Okay,” ani Manley at dinukot na rin ang pitaka sa bulsa niya.
“Mauna na 'ko, ha? Sunod ka na lang,” ani Gray nang maunang ibigay ang in-order niya at halatang nagmamadali itong makabalik na sa table nila.
“Sige lang, maggbati na kayo, a!” sigaw ni Manley sa tumatakbong si Gray.
Napailing na lang siya't napabulong sa sarili, “Hay, para din silang mga kapatid ko... parang mga bata.”
“Ay, thank you po... ito po'ng bayad ko,” gulat na ani Manley nang makitang kanina pa pala inaabot ng vendor ang drinks niya.
Hindi muna siya umalis at hinintay ang sukli niyang piso.
Damn, this rich guy! Waiting for a peso coin?
Paglingon niya ay natanaw niya ang dalawa na nag-uusap na kaya naman napangiti siya at excited na naglakad, “Uy, mukhang bati na 'yong dala — argh — ugh...”
Hindi niya namalayan ang napakabilis na pangyayari. Ang alam niya lang ay naglalakad siya pero may sadyang pumatid sa paa niya at nagulat na lang siya pagmulat ng mata ay nakasubsob na sa sahig ang mukha niya. Wala na siyang ibang nagawa kundi kumoromba sa sakit ng baba niyang sumadsad sa semento at indahin ang sakit. Bumiling siya at nakita ang pamilyar na mukha.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...