💀 deadly xliii 💀

193 2 0
                                    

Isa-isang lumalabas sa gate ang TT Brothers slash Ninja Turtles but they're in their 'ain't-a-secret-agent' look but it's their 'what-will-make-girls-go-crazy' outfits. Nakasakay na silang lahat sa loob ng kotse. Si Mythes ang driver for today at bago niya paandarin ang sasakyan ay may in-announce siya sa lahat.

“Guys, baka this is my last day na ipag-drive kayo,” he put the engine into life, “'cause I'll buy my own motorcycle soon.”

“Wow! Sa'n ka kukuha ng pera?” tanong ni Manley na may halong pagdududa.

“It's none of your business anymore,” pambabara ni Mythes at pinaugong nang pinaugong ang sasakyan kaya naman ang usok nito ay halos mapunta roon sa kapitbahay nila.

“Okay pi,” sabi ni Manley at nagpatuloy sa pagbabasa ng manhwa sa cellphone.

“No one would tell about it kay Papa, ha?” pagklaro ni Mythes.

Tumango lang 'yong dalawa pero si Manley...

“Okay pi.” Namumwisit.

“Putaragis ka, Man seryoso 'ko sasapakin kita!” Kumamot muna sa bayag si Mythes before he started driving the car. Truth be told, it's his mannerism but we barely sees him doing that because he's avoiding it for ages. If things are getting out of hands, it's hard to make off.

I kind of having this wild guess that put me to think as if he's back into his deadly habits again, Manley's suspicion.

“Noted pi, idol Raphy!” sabi pa niya nang hindi tumitingin sa kapatid na napikon nang tuluyan.

Nagtawanan silang tatlo liban sa inasar nilang driver. Kung may bansag na ayaw marinig si Jam Mythes, iyon ay ang codename niya na imbis na Raphael ay ginagawang 'Raphy' ng mga kapatid kapag gusto ng mga itong asarin siya.

“You shut up motherfucka!” lingon saglit ni Mythes as he gave Manley his middle finger, “hindi ko babayaran utang ko sa'yo!”

Kasunod niyon ay sinuyo nang sinuyo ni Manley ang kapatid habang nasa biyahe, pagkababa sa kotse, habang naglalakad sa pathwalk, sa hallway at kahit noong nakarating pa sila sa classroom, pati sa library at magpahanggang sa cafeteria, which is naririto sila ngayon — hindi pa rin siya pinapansin ni Mythes.

Lunch time na at nang nasa cafeteria na sila ay nagsalita na si Mythes na pinakahihintay ng lahat. Sinabi niyang sagot niya ang lunch ng tatlo pero they're having their meals with Kylene na classmate nila and mukhang nase-sense nang tatlo na may something na talagang nabubuo sa dalawa.

“No problem!” tugon nilang tatlo.

“Ay, nakikisali... paepal!” Kinaltukan ni Mythes sa noo si Manley nang sumagot din ito at nang gaganti ang kapatid ay pumila na siya kaagad sa lane na kakaunti ang nakapila.

Pinigilan naman ng dalawa si Malyk at nakipag-tsismisan na lang kay Kylene habang si Mythes ang umo-order ng food. Mayamaya ay nakabalik na si Mythes sa table kung saan naroon ang mga kapatid niya at ang binibini niyang si Kylene Espinosa.

“Hoy, 'wag n'yo ngang kinukulit si Kylene!” Binawal ni Mythes 'yong dalawa pero tinawanan lang siya ng mga ito.

“Nagkukwentuhan lang kami,” ngiting ani Kylene kay Mythes saka inayos ang pag-upo.

“Anong sinasabi ng mga 'to? Are they badmouthing me?” Naupo si Mythes sa hinatak niyang upuan sa tabi ni Kylene at inilapag ang dalawang tray. Ibinigay kay Kylene ang isa at sa kanya naman ang isa.

Hindi sumagot si Kylene at nagtitigan lang silang tatlo nina Myles at Malyk hanggang sa bigla na lang silang tumawa pero pinigilan din nila nang mapansing mag-iba ang hilatsa ng mukha ni Mythes.

“Relax. Let's have a bite na.” Hinaplos ni Kylene ang likod ni Mythes na 'feeling out of place'.

Nagpigaan naman ng braso sina Myles at Malyk na animo'y kinikilig, halos magkokoromba sa inuupuan nila.

“Nasa'n si Man?” tanong ni Mythes nang makitang bakante ang isang upuan.

“Umihi,” sagot ni Malyk at itinulak palayo sa kanya si Myles.

Inilibot naman ni Mythes ang mata at nahagip kaagad ang taong hinahanap, “Umihi? E, ba't a 'yon kasama na naman 'yong dalawang gunggong na 'yon?” Itinuro niya si Manley kasama ang kaibigan nitong sina Finn at Gray, “Kawayan mo nga, Myl. May atraso pa sa 'kin 'yang kumag na 'yan, e...”

Kinawayan ni Myles si Manley, na nakikipagdaldalan sa mga kaibigan, nang tumayo siya sa upuan niya. Makalipas ang ilang segundo ay nakabalik na rin ang madaldal na kapatid.

“Bakit? Na-miss n'yo ba ang ka-cute-an ko?”

Mythes almost spit his tongue out in disgust, “Cute my ass! Kunin mo ro'n 'yong tatlong tray ng orders, sipain kita r'yan, e!”

Tinawanan nina Malyk at Myles ang dalawa.

“Okay pi,” sabi naman ni Manley at bago umalis ay...

“IDOL RAPHY!” Inasar niyang muli ang kapatid.

Pagbalik ay kasama niya na naman sina Finn at Gray. Nagpatulong kasi siya sa mga ito, sakto tatlo 'yong tray gaya nila. Katatapos na rin naman daw nilang kumain kaya... 'yon... umalis na rin sila't hindi na magtatagal dahil may gagawin pa raw silang importante.

“Sa'n 'yon pupunta?” tanong ni Mythes nang magsimula na silang kumain.

“Ewan, mag-a-audition yata sa banda or baka rehearsals...” ani Manley, inaatupag ang pagkain sa plato.

“Or baka magde-date,” saad ni Mythes na halos ikasinok ng lahat.

“What the—” Manley yelped; stopped gnawing.

“What's wrong with that?” Mythes defended his stance, “They're friends, right? Friends are allowed to have friendly date, aren't they?”

Ang lahat ay napasabi ng “Ah...” kasunod ng mga pagtango.

“Ah!” Ginaya naman ni Mythes ang mga kapatid na nakangaga at sinubuan niya ito na parang mga bata na nag-aabang ng kutsarang may pagkain na isusubo sa bibig. “Malicious, right?”

“Yeah, it's delicious—!” sabi ng tatlo na nahihirapang bumigkas at ngumunguya.

“Malicious...” dinutdot ni Mythes isa-isa ang sintido ng mga kapatid na malisyoso ang pag-iisip at “Delicious!” turo niya naman sa bibig na nginunguya ang isinubong pork chop.

“Aw, so sweet...” ani Kylene sa pagkamangha, kulang na lang ay magkaroon ng mga puso at kinang sa mga mata niya.

“Si Kylene? Hindi mo susubuan?” ngising ika ni Manley.

“'Wag na 'yan!” pakli ni Mythes at tinawanan ang dalaga pero kaagad niya rin itong hinaplos sa ulo para hindi ito magalit.

Sabay-sabay namang sabi ng tatlo: “Hala ka, nagtampo na!”

Malalakas na tawanan ang sumunod na narinig mula sa kanila hanggang sa matapos silang kumain ng tanghalian at bago magsimula ang afternoon class.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon