💀 deadly finale 💀

464 6 2
                                    

Hinayaan niya na lang si Thunder na maramdaman sa kaniya at kahit gustuhing lumaban ay hindi niya na nagawa sapagkat hinang-hina. Gayunpaman, kahit na nasisiyahan siya sa bawat pag-ulos na nararamdaman sa kaniyang loob ay hindi niya mapigilang malungkot at magalit sa sarili dahil hindi niya akalaing sa ganitong sitwasyon mangyayari ito — ang mas masaklap ay ang taong nakauna sa kaniyang gawin ito, ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niyang may kakayahang gawin ito, ay ang taong kinamumuhian niya nang lubos.

Napalitan ang kaniyang ungol ng mga iyak na walang patid at nang marinig iyon ni Thunder ay tila ba lumambot ang kaniyang puso. Tila nalusaw ang bakal na nakabalot sa puso niya at nakaramdam ng labis na pagkaawa na nasundan ng pandidiri sa kababuyang ginawa.

“Man...” Iniharap niya ang umiiyak na lalaki sa kaniya at doon ay tila tinusok ng napakatulis na balisong ang kaniyang puso dahil tumagos dito ang emosyong natutunghayan sa mata ng kaawa-awang lalaki.

“Manley, I... I'm...” Napatingin si Thunder sa ibaba at nang makita ay kaagad na inayos, ibinalik sa pagkakatago ang ari.

Nagpatuloy sa pag-iyak si Manley at ang ginawa ni Thunder ay isinara ang mga nakalag na butones nito sa polo.

“Sorry... I... didn't — oh, fuck!” he cursed and as he punched the wall.

Manley started to lose that little strength left on him as he began sliding down his back against the wall until he reached the floor.

Napaluhod ang isang tuhod ni Thunder sa harap ng binata. “Man... don't cry... please...” There's a sudden broken tones on his segmented sentence. “Please don't tell anyone about this... I'm begging you... Manley, can you hear me? I'm so sorry... just don't tell—” Pinunasan ni Thunder ang luha sa mga mata ni Manley. Itinayo ito kahit nanghihina at nanginginig. Itinaas niya ang pantalon at brief nito, isinara ang zipper, butones at saka hinigpitan ang sinturon.

“Bakit?” tanong ni Manley makalipas ang ilang minuto nang pananahimik at pagtulala.

“Man...” Thunder's trembling and shivering.

“Bakit mo ginawa sa'kin 'yon?” Wala nang luhang tumutulo sa mata ni Manley pero nakikita pa rin ni Thunder ang lungkot at pagkasuklam mula roon.

Once again, Thunder asked for mercy. “Man, please don't tell anyone... please... please, pagbabayaran ko 'tong ginawa ko sa'yo... 'wag mo lang—”

Isang malakas na suntok sa mukha ang pinakawalan ni Manley na matagal niyang inipon dahil sa nawalang enerhiya. Ininda ni Thunder nang husto ang sapak na iyon na kung tutuusin ay kulang pa nga. Sa huli, hindi niya inasahan ang mga salitang binitiwan ni Manley.

“KAKALIMUTAN KO 'TONG GINAWA MO PERO 'WAG KA NANG MAGPAPAKITA SA'KIN KAHIT KAILAN.”

Bang!

Malakas na tunog ang narinig, hindi ang pinto ng men's room dahil hindi pa naman lumalabas si Manley. Nagkatinginan sila ni Thunder at alam ni Manley, unang rinig pa lang niya kung hindi siya nagkakamali, tunog iyon ng baril.

Hinabol ni Thunder si Manley palabas ng banyo at pagkalabas nila ay sigawan ng mga tao ang naririnig nila. Mga taong tumitili at nagtatago, inililigtas ang sarili sa kapahamakan at hindi na alam kung saan pa pupunta dahil sa labis na pagkatakot sa kanilang mga buhay na may banta sapagkat walang kasiguraduhang hindi sila madadamay.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon