Nagsimula na si Manley na mag-live pero sa mga unang minuto ay gusto niya nang mainis at lubayan na ang pag-online selling dahil hindi naman lahat ay buyer. Ang iba ay nanonood lang ng live niya at hindi lang basta nanonood kundi nag-iingay rin sa comment section para magpa-notice kay Manley kaya naman ang mga totoong bibili ng halaman ay natatabunan.
Wala siyang magawa dahil padami nang padami ang nagiging followers niya simula nang pumasok siya sa Ace International College. Binilisan niya na lang ang mga mata niya at itininda ang mga cute niyang halaman na nahawaan niya ng kacute-an.
“Pa-mine na lang po nitong last item... naku, napakabilis naman maubos talaga naman, oo! Yes po, through Jcash po ang payment plus shipping fee.”
Napakasaya niya nang malapit nang ma-sold out ang mga halaman niyang ibinebenta at halos lahat ay nakapag-mine na.
Binasa niya yung comment na nag-pop up, “Na-send ko na po 'yung payment. Jam Manley cutie!” Wow, first and second name talaga. Stalker ko 'to sa FB siguro.
Binasa niya ulit ang sumunod na comment, “Ako rin po, na-send ko na po ang payment. 'Yung number five po sa'kin, kuya J-Mal cutie!”
Luh, paano niya nalaman yung J-Mal ko na nickname? Nickname ko 'yon sa dating school ko, a! Siguro may kakilala siya na ex-classmate ko. He thought.
After magbasa ng comments ay ngumiti siya sa mga viewers, “Thank you so much po! Guys, don't forget to send me a DM po your location and proof of payment.”
“Pa-mine po kay kuya sa likod na naggigitara...” basa niyang muli sa comment na lumabas kaya naman napakunot ang noo ni Myles pero hindi pa siya humaharap, naka-side view pa rin habang naggigitara pero narinig na nito ang sinabi ng kapatid.
“Sana all po halaman.” Natatawa na si Manley habang tutok ang mukha screen ng phone, binabasa ang comments tungkol sa kapatid niya.
“Sana all kinakantahan,” patuloy niya sa pagbabasa ng comments, “Paturo po!”
Ayaw pa rin mamansin ni Myles kahit naririnig ang kapatid, patay-malisya pa rin, nakangiting hindi halata at nagtetengang-kawali.
“Oy, kuya Myl!”
Lumingon si Myles nang ligligin na siya ng kapatid. Inayos niya ang upuan. Ngayon ay nakaharap na siya at nakatabi kay Manley kaya naman ang comments sa live ay lalong nagsipagsulputan.
Binasa lahat ni Manley iyon.
“OMG! Magkamukha shet! Nalilito ako!”
“Orange hair - Manley. Blue hair - Myles.”
“OMG! Ang cute nila!”
“Kyah! Paturo po mag-gitara!”
“Bakit ang pogi kahit walang ginagawa?”
Tiningnan ni Manley ang kapatid na nakangiti, siniko niya ito, “Oy, paturo daw sila maggitara!”
At that time nagkaroon ng ideya sa isip ni Myles at napangiti siya roon, “Sure guys! I'll make a paid workshop at the university! See you there, Aceans!”
Napatingin sa kanya si Manley at nakuha ang ngiti nang marinig ang napakagandang ideyang iyon.
Binasa ni Manley ang comment na umangat, “Kahit magkano pa 'yan, makita lang kita kuya Jam Myles!”
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...