It was just a real glimpse and they finally got here on the place they would go. Mule is standing straight with Manley next to him and the other three where standing about an inch to each other but neither touching nor near the two.
“Tangina! Death anniversary ni mama today? What the fu--“
"Myt!" Kaagad na piniga ni Myles ang braso ni Mythes. "How dare you cursing in front of our mother's grave?"
"Respect, kuya." Manley interrupted the little commotion between his two brothers.
"Kaya pala," ani Malyk at napalingon sa kanilang ama. Napansin niyang tahimik lamang ito at nakatitig mabuti sa puntod ni Myz.
Dinukot ni Mule ang kandilang nakasuksok sa kanyang bulsa at marahang naglakad papalapit sa puntod ni Myz. Pinunasan niya pa ang lapida nito gamit ang kanyang puting panyo, balewala kung marumihan at mangutim ito dahil gagawin niya naman lahat para sa nag-iisang babaeng minahal niya ng lubusan.
"Lighter," sambit ni Mule nang wala siyang makapkap na lighter o kahit posporo man lang sa kanyang bulsa. Inilahad niya ang kamay patalikod habang hindi humaharap at nananatiling diretso lang ang tingin sa lapida.
Kaagad namang dumukot sa bulsa si Mythes ng lighter na dala niya, naglakad papalapit at yumukod ng kaunti para maiabot niya ito ng maayos dahil nakaupo si Mule, siya naman ay nakatayo.
"Here," he said.
And on that moment, everyone's face kind of looked like there's a bomb dropped on their heads— shocked.
Naningkit ang mga mata ni Mule saka lumingon sa nagbigay sa kanya ng lighter, tiningala niya ito at sinamaan pa lalo ng tingin.
"Patay do'n," mahinang ani Manley na manawi-nawi ngunit napigilan pa ang sarili sa pagngisngis.
"You smoke?" Sa ngayon ay hindi pa gaanong maulinigan sa boses ni Mule ang pagkagalit, marahil ay nagtitimpi pa dahil mahalagang araw ito para sa kanila.
"Uh--ah, ano po..." Humihingi ng tulong si Mythes sa mga kapatid pero takot din ang mga itong mapagalitan kaya kahit pandilatan niya pa ng mata ang mga iyon ay wala ring epekto.
"Usap tayo mamaya, Myt." Ang mga huling katagang binanggit ni Mule bago niya muling harapin ang lapida ng asawa at asikasuhin ang kandilang wala pang sindi ng apoy.
Ngayong may apoy na ang kandila ay nagpaalam si Malyk para umalis lang saglit.
"Sa'n punta no'n?" ani Manley.
Nagkibit-balikat lang si Myles habang si Mythes ay kinakabahan at akala mong sinisilaban ang tumbong; mistulang hindi mapakaling trumpo, nag-iisip ng mga palusot na sasabihin mamaya kay Mule.
Ilang saglit pa ay nakabalik na rin si Malyk na ikinagulat ng lahat dahil isang himala para sa kanila ang matunghayan ang kapatid na gawin ang isang bagay nang pagkabilis.
"Wow, ang bilis yata!" puna ni Mythes na nakakita na naman ng pupunahin kay Malyk.
"First time," ani Manley dahilan para makatanggap sila ni Mythes nang isang tingin na nangsasaway mula kay Myles kaya't agad nilang itinikom ang bibig.
"Ano 'yan?" pagliliko ni Myles sa usapan na mauuwi na naman sa bangayan kung hahayaan niya ang tatlo.
Malyk just shrugged his shoulders and made his way to Mule. He bended his knees right next to his father to offer her dead mother some pretty flowers in a bouquet he held in his hands.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...