“Pa, alam mo ba? May bago na 'kong friends agad na nakilala!” Si Manley ang naunang dumaldal, as usual, siya ang pinakamaraming baon na kwento sa tuwing kakain sila.
“Tch, those weirdo guys.” Mythes rolled his eyes and pricked his fork lavishly into the piece of meat he has on his plate.
“They're not,” pagkaklaro ni Manley, “they're so cool and hindi sila pangit kabonding, hindi kagaya ni kuya Myt.”
Tiningnan niya si Mythes at sinamaan ng tingin bago dukutin ang phone niya sa bulsa, “Look, may picture pa kami together kanina sa room,” tumawa si Manley nang ipakita ang litrato nila sa cellphone niya, “palihim pa naming kinuhanan 'yan kasi nagklaklase.”
“Oh, that's... good new.” Mule nodded and seemed happy to hear about Manley's story, “How about you, Myt?”
Mythes looked up, “Nah, nothing's good. Not so special.” He swallowed his spoonfuls of meal. He seemed uninterested about the topic, as he always does.
Manley interjected, “Of course, you're okay because you got all the cellphone number of those girls around your seat... especially that girl... your seatmate.”
“Take it easy, Myt.” Mule smirked and then he asked, “How's your first day, Mal?”
“Good,” Malyk smiled and raising his hand in an 'okay' sign.
Mule looked at the last son he'll ask, “Myl?”
“Goods lang din po.” Bahagya lamang ang sumilay na ngiti sa labi ni Myles.
“Hay nako, nahihiya lang 'yan ikuwento, Papa... alam mo ba?” ngising ani Manley, nasasabik na dumaldal muli.
“Shh, Man...” Kinunutan ng noo ni Myles si Manley na para bang pinatitigil magsalita pero tulad ng inaakala ay mukhang hindi niya iyon magagawa.
“Ano? Sus, nahihiya...” pang-aasar ni Manley sa kapatid at walang balak manahimik, “'Pa, alam mo ba si kuya Myl? Sobrang famous niyan sa room namin...”
Nakuha ni Mule ang atensyon ng ama at interesado na ito ngayong makinig, “Totoo?”
Tumingin pa si Manley sa kapatid at nginisihan ito bago magpatuloy, desididong ipaalam sa ama ang ikinahihiya ni Myles, “Opo, like yung mga kaklase namin followers niya sa Tiktok. Pinapanood daw nila 'yong mga short cover songs ni kuya Myl do'n.”
“I didn't know, I have a celebrity son...” Mule drawn out a smile on his face, seemed proud of what he heard.
“Celebrity pa nga...” sabad ni Mythes. S'yempre kung mayro'ng unang sasalungat at kokontra ay walang iba kundi siya.
“Hay nako, Myt... ayusin mo muna pag-ta-Tagalog mo bago ka mamwisit. Nagtutunog foreigner ka kahit hindi naman.”
Nagtawanan sila sa sinabing iyon ni Mule at ipinagpatuloy nila ang masayang hapunan. Kawawang Mythes! Napagkaisahan na naman.
Pagkatapos ay nagkani-kaniyang pahinga na sila except kila Manley at Malyk. Si Manley ay nagbabasa ng paborito niyang manga books; nagpapaantok. Si Malyk naman ay hindi nagpapaantok kundi sadyang adik lang talaga siya manood ng K-drama. Wala siyang pakialam kung mapuyat siya or magka-eyebag. Iisipin niya pa ba 'yon e, malapit niya nang matapos ang Law School. Hindi pa nga niya natatapos, nag-iisip na siya ng susunod na panonoorin.
Sumisikat na ang araw pero maaga pa lang ay nakabihis na si Mule. Nagpunta siya sa kwarto ni Manley at kinatok ang pinto nang paulit-ulit.
“Good morning, 'Pa,” bati ni Mule, pumupungas pa. “Bakit po?”
“Samahan mo nga ako,” saad nito. Mukhang may lakad siya ngayong araw at parang importante dahil sa ganitong oras pa lang ay nakagayak na siya.
“Saan po?” tanong ni Manley, pumupungas pa rin at medyo nag-iipon pa lamang ng lakas.
Sumagot si Mule, “Magpapapalit ako ng gulong no'ng kotse saka magpapa-change oil kaso may inuutos kasi sa 'kin si boss Hiego.”
“Sige po,” tangong ani Manley.
“Man, magbihis ka na ng pamasok mo today,” sabi ni Mule sa naiwang nakabukas na pinto dahil naglakad na si Manley patungo sa banyo.
“Opo!” malakas na tugon ni Manley.
Papasok pa sana si Mule sa kwarto ng anak para maghuhuklat at magtingin-tingin ng gamit pero hindi niya na iyon ginawa bagaman sumilip lamang siya nang bahagya saka pinagmasdan ang may pagka-old style na kwarto ng anak; matapos ay lumabas na lamang siya't minabuting maghintay na lamang sa kotse. Mabuti na lamang hindi niya nakita ang mga binabasang comic books ng anak na naiwan sa kwarto.
Mayamaya pa ay natanaw niya na si Manley na palabas ng gate, medyo basa pa ang buhok nito dahil kaliligo pa lamang at mukhang hindi na nito pinatuyo ng blower dahil kailangan na nilang umalis. Matagal-tagal na rin kasing nag-aantay si Mule roon sa kotse.
Pagkapasok na pagkapasok ni Manley ay nagsalita ito kaagad, “Bukas naman na 'yon, panigurado, madalas ako nagpapaayos ng kotse ro'n.” Nagpatuloy siya sa pagkausap sa anak na nagsusuot ng seatbelt. “Bale iiwan kita ro'n, hintayin mo na lang ako, 'no?”
Nang matapos si Manley mag-seatbelt ay hinarap niya si Mule, “Okay po.”
“Anong oras ba klase mo?” tanong ni Mule habang sinisimulan nang buhayin ang engine ng car.
“9 AM po,” sagot ni Manley, nananalamin sa screen ng cellphone niya't inaayos ang buhok.
“Maaga pa, 6am pa lang. Ako na lang maghahatid sa 'yo sa university.” Umarangkada na ang sasakyan, “Nag-iwan ka ba ng note sa mga kapatid mo?”
“Opo.”
Napahikab si Manley nang sumagot siya kaya naman sinabihan siya ni Mule na umidlip muna habang nasa biyahe sila. Napagsabihan pa siya nito na huwag nagpupuyat dahil may klase na sila at hindi na ito kagaya noong bakasyon. Hindi na nakasagot pa si Manley at mas minabuti niya na lang makabawi ng tulog.
Makalipas ang ilang saglit ay nakarating na sila sa shop kung saan madalas nagpapaayos ng sasakyan si Mule. Nauna siyang bumaba at kinausap na ang mekaniko na mag-aayos ng kotse niya. Tumagal lang naman ng mga sampung minuto ang pagpapaliwanagan nila at nang mayari ay bumalik na siya sa loob ng kotse para gisingin si Manley.
“Nandito na po ba tayo?” tanong ni Manley na kagigising lang.
“Oo, 'nak. Bumaba ka na aayusin na 'yong kotse.” Tinanguan at niyaya niya nang bumaba ang anak. Sumunod naman ito.
Mayamaya habang pinapanood nila na kumpunihin ang sasakyan ay may motor na huminto sa harapan nila.
“Pa'no ba 'yan, 'nak? Mauuna na 'ko, hintayin mo na lang ako rito.” Lumapit si Mule doon sa taong nakasakay sa motor.
“Sige ho,” malakas na ani Manley. Nakita niyang binigyan ng helmet no'ng nakasakay sa motor ang Papa niya.
Umangkas na si Mule pero bago makalimutan ay pinakilala niya ang kasama, “Ah, Man... si Aria Angel, bago kong partner...”
“Partner?” tanong ni Manley. So, babae ang driver ng motor. Tama siya sa kanyang hinala.
“Partner sa trabaho,” paglilinaw ni Mule at isinuot na sa kanyang ulo ang helmet.
“Ah, hello po.” Kumaway at bumati si Manley sa babaeng itinaas ang takip ng helmet kaya naman nakikita na niya ang mga mata nito.
“Hello,” bati ni Aria Angel kay Manley; sa boses pa lamang ay talaga namang mukhang maganda na at talaga namang kaakit-akit sa pandinig ng kahit sinong lalaki.
“Una na kami, a?” sabi pa nito at pinadyakan na ang motor saka pinihit ang silinyador nito.
“Sige po, ingat... ingat ka sa Papa ko,” tawang biro ni Mule bago umandar ang motor.
So sweet... he earned a middle finger from his father.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
Ficción GeneralSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...