💀 deadly xvi 💀

11.4K 52 0
                                    

Sa mabilis na paghakbang ng kanilang mga paa ay nakaabot kaagad sila sa kanto na nilikuan ni Mule. Tanging ang mga yabag ng kanilang mga paa ang naririnig sa hallway na nilalakaran nila. Mayroon pa silang ilang dumadaan na nakabangga dahil sa hindi na nila masyadong napapansin ang mga ito dahil mas nakatuon sila na mahabol si Mule na pagkabilis humakbang.

Ang ganda naman doon ay hindi nila nakalimutang humingi ng tawad sa mga nabunggo nila dahil sa pagmamadali maliban na lang kay Mythes na talaga namang walang pakialam at nawawala ang modo, sige lang kahit may mabunggo siya, walang sorry sorry. Ang bumangga giba, ang umiwas... edi hindi giba.

Nasa likod na sila ni Mule at ng isa't isa, nasa isa o dalawang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga paa nang biglang tumigil sa paghakbang si Mule kaya naman si Myles na nangunguna ay bumunggo sa likod ng ama niya, si Malyk na nakasunod kay Myles ay bumunggo sa likod nito, gayundin kina Mythes na sumunod kay Malyk at si Manley na sumunod naman kay Mythes. Para silang domino pieces na nag-umpugan, iyon nga lang ay hindi sila tumumba sa isa't isa.

Nakatayo pa rin sila at medyo hinihimas ang noo na tumama sa nasa unahan nila. Narito sila sa tapat ng isang pinto at bago pumasok ay nagsalita na si Mule na kay tagal nilang hinintay marinig.

"Nandito na tayo, umayos kayo. Isantabi n'yo 'yang mga kagaguhan n'yo, ha? Lalo na ikaw Myt," paalala ni Mule pero binigyang-diin ang isang sakit ng ulo palagi.

"Tangina, ako na naman," bulong ni Mythes na never in-admit na pasaway siya at laging may kaakibat at dulot na suliranin sa lahat.

"Kayong lahat," paglilinaw ni Mule at pagiging patas sa kanila. "Maliwanag ba?"

"Opo," sagot ng tatlo ngunit ang sagot ni Mythes ay, "Hindi."

"Anong sabi mo, Myt?" Kinunotan siya ng noo ni Mule matapos marinig ang sinambit nito.

"I mean, hindi maliwanag dito. Kadilim kaya, can't you see? Mana pa do'n sa entrance, maliwanag..." pahayag ni Mythes pero nariyan kaagad si Myles para bigyan siya ng babala.

"Myt!" Pinandilatan ng mga mata ni Myles ang kapatid.

"A, opo, Papa! Maliwanag po," naaalarmang sambit ni Mythes, na dapat ay kanina niya pa sinabi, nang mapansing nagbabago na naman ang timpla ng mukha ng papa nila.

Binuksan na ni Mule ang pinto pero may pinindot muna siya roon sa gilid na hindi na napansin ng apat dahil nagbabangayan na naman ito ng pasimple.

Bumulong si Myles kay Manley.

"Anong sabi no'n?" tanong naman ni Mythes kay Manley.

"Sabi ni kuya Myl, minsan-minsan i-try mo naman daw i-censored ang bibig mo," mahinang sabi ni Manley at siya ay pumuwesto sa likod ni Mythes pagkatapos.

"Censored-censored, kagaguhan! Bakit hentai ba 'tong bibig ko? Tangnang 'yan!" Nakatingin si Mythes kay Myles na pinaparinggan niya. Napatingin naman si Myles, tingin na sinasabing manahimik na siya.

"Wala, lagot na naman tayo niyan mamaya," iiling-iling na ani Malyk na nakikini-kinita na ang parusang gagawin sa kanila ni Mule mamaya pag-uwi sa bahay.

"Bobo, madilim naman talaga rito." Walang pakialam si Mythes sa mga nasabi niya kanina, ni hindi man lang mababanaag ang pagsisisi sa mukha nito. E, ano ba kung maparusahan sila? Sanay naman na sila saka ang parusa naman ay hindi lang para sa kaniya, para sa lahat. Laging para sa lahat.

"Sus, sinadya mo lang pilosopohin si Papa," tugon ni Manley na nasa likuran ni Mythes.

Lilingonin pa sana ni Mythes si Manley para makipagtalo pero kaagad na namang sumingit si Myles para patigilin sila.

"Guys, tama na... nakapasok na si Papa sa loob, tara na." Naunang sumunod si Myles at sinundan siya kaagad ni Malyk.

Samantala, sina Manley at Mythes ay nagtutulakan pa at naghihilian kung sino ang susunod na papasok. Idinaan na lang ni Mythes sa pisikalan kaya naman naitulak niya si Manley papasok sa loob at siya ang huling pumasok. Siya na rin ang nagkabig pasara ng pinto.

"Good morning, sir." Bumati si Mule nang may paggalang at yumuko pa nang bahagya. Nang mapansin noong kinausap niya ay itinaas muli ang kanyang ulo, tumindig at sumaludo.

Isinenyas nitong matandang lalaki na maupo si Mule sa pag-alok sa upuan na nakalaan sa kaniya. Naupo si Mule sa kabilang sulok ng lamesa kaya't magkaharap sila ng matanda pero nasa bandang gilid siya.

"Ito na ba ang TT Brothers?" sambit ng matandang lalaki.

"Tangina, bakit TT?" reaksyon ni Mythes, binulong kay Malyk.

"Tonne-Tiu," sagot naman ni Malyk. "Apelyido ni mama saka apelyido ni papa," paliwanag pa nito.

"A, gano'n ba! 'Tarages na 'yan," ngising ani Mythes sa sinabi ni Malyk.

"Cute naman, a!" sabi naman ni Manley nang marinig ang usapan ng dalawa.

"Cute amputa, mukha ka kasing tite!" malakas na sabi ni Mythes at inasar ang kapatid.

"Titeng cute," sagot ni Manley saka inirapan ang kuya.

"TT Brothers, anong problema?" Lahat sila ay napatingin sa matanda nang magsalita ito.

"A, wala lang 'yan, sir. Gan'yan lang sila talaga mag-normalan." Sumingit si Mule sa usapan at inunahan na ang apat na sumagot.

"A, sir, may tanong lang po ako." Natahimik ang lahat sa sinabing ito ni Mythes at lahat ay naghihintay sa tanong niya.

"Ano 'yon, Mythes?" tanong ng boss ni Mule, hinihintay ang response ng isa.

"Wala bang PP Sisters?" seryosong sambit ni Mythes at sa tatlong kapatid ay si Myles ang kaagad na sumabat.

"Myt! Are you insane?" Hinampas ni Myles ang balikat ni Mythes. "Boss ni papa 'yang kausap mo, umayos ka."

Sa loob ng ilang segundo ay binalot sila ng nakabibinging katahimikan. Kulang na lang ay ang tunog ng mga kuliglig.

"Ah, PP Sisters..." tatango-tangong sabi ng matanda na ikinagulat ng apat kaya naman si Myles ay siniko si Mythes. Mukha kasing nasira ang mood ng matanda.

"Just kidding po. Pasensya na." Yumuko si Mythes nang bahagya bilang paggalang.

"Tingnan natin," sagot pa ng matanda kaya naman si Mythes para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Sa sobrang saya ay nasabi nitong... "Ayon! Nice one, tanda!"

At sa puntong iyon ay wala nang nagawa ang lahat kahit gustuhin pa ni Mule o ni Myles na pigilan ang bibig ng kapatid pero wala na — nasabi na ni Mythes. Kaya naman idinaan na lang ni Myles sa mga mata at tingin ang kapatid nang kahit sa gano'n man lamang ay mabatid nito na mali na naman ang kanyang tinuran.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon