💀 deadly lvii 💀

157 4 6
                                    

Finally the day has come!

TT Brothers are already here at the Ace International College kung saan nasasaksihan nila ang bago sa paninging hitsura ng paligid. Sobrang makulay, maingay at buhay na buhay ang lahat. Napakasaya at tila ba may isang napakalaking birthday party na nagaganap ngayon.

Well, hindi naman nalalayo sa konsepto ng birthday ang event ngayong araw dahil sa araw na ito ay ipinagdiriwang ang araw ng pagkakatatag at pagkakatayo ng unibersidad na ito. Napatingala sila sa malaking tarpaulin na nakabitin sa ikalawang palapag ng administration building at doon nila nabasa ang nakasulat: “248th Founding Anniversary Celebration of Ace International College”.

“'Yong booth natin!” biglang banggit ni Manley sa bagay na dapat ay unahin nilang tingnan.

Kaagad silang naglakad patungo sa athletic field na hindi magkamayaw ang mga tao. Nang makarating sila ay nakita nilang ang mga booth nila ay bukas na at nagsisimula na mag-ayos ng merchandise, commodities and other services.

“Oo nga pala, ano 'yong ititinda natin sa booth?” tanong ni Manley nang binubuksan na nila ang de-zipper na tabing ng booth.

Itinuro ni Mythes ang mga kahong patong-patong, nakapuwesto sa gilid ng booth. “University na ang nag-provide ng mga 'to.”

“How?” Myles and Manley asked in a razzle-dazzle state.

“We are one of the popular students here in AIC said by the University Director and President. Ikaw, campus crush. Si Myl aspiring singerist and Tiktoker na nakikita lagi sa mga live mo. Si Mal na famous fan boy sa Facebook. Ako na sikat sa Titer—”

“May Titer account ka kuya Myt? Pang-pornstar 'yon, a!” Pinandilatan ng mga mata ni Manley ang kapatid na nabitiwan ang kahon na hawak dahil sa pagkapitlag.

“Wala, wala... sabi ko, Twitter — ay, ito na pala, e! Tara iayos na natin. For sure maraming bibili sa 'tin kasi ang pogi-pogi ko,” tatawa-tawang sambit nito, iniba ang usapan at binuhat muli ang nabagsak na kahon.

“Meh!” sambit ni Manley na ibig maduwal at dumura sa sinabi ni Mythes.

Binuksan nito ang box at mabuti na lang dahil hindi babasagin ang laman no'n. Sinilip din naman nina Myles at Manley ang laman no'n.

“Ah, I get it now!” sambit ni Myles.

“Yeah. Mga merchandise na gawa ng University ang ibebenta natin. 'Yong kikitain dito 60-40 ang hatian. 40 sa 'tin, 60 sa university.”

“Pero bakit hindi na lang 'yong mga USC ang magbenta?” urirat muli ni Manley kay Mythes.

“Nag-iisip ka pa ba, Man?” humyaw ni Mythes na tumayo't kinaltukan si Manley sa noo gamit tumbler na nakuha niya sa kahon. “Siyempre, ang mga student council... nerd 'yan. Mga baduy. Strikto. Mga kill joy. Kinatatatukan ng mga ibang estudyante pero ako hindi ako natatakot sa mga uhugin na student council na 'yan. Sa tingin mo may bibili sa kanila kapag sila ang nagtinda nito? Wala. Tanga.”

Matapos makinig ni Malyk sa argument ni Mythes ay sinegundahan niya ito habang sila ay naghahakot ng mga kahon at ipinapatong sa ibabaw ng table sa loob ng booth nila. “You have a point, Myt.”

He then turned his gaze toward Manley. “It's a marketing strategy. Think about how an effective TV advertisement works. Malimit nilang gamitin ang mga sikat na artista because in that way marami silang mape-persuade na customers especially those die hard fans of that particular artist.

For example, 'yong BLACKPINK ay naging ambassador ng Pepsi at sa mga canned and bottled soda nila ay naka-design ang picture ng bawat member. Ako na BLINK, kahit mas masarap ang Coca Cola, I bought this!”

Dinukot niya ang canned soda sa pocket ng backpack bag niya at ipinakita sa mga kapatid, “Pretty, right? Look, it's Rosé! She's my wife.” He took a sip once he opened it.

“Okay, gets ko na.” Inilapag ni Manley ang kahon at inilabas ang mga laman niyon.

“Mamaya 'yong mga fans n'yo dudumugin na tayo,” sabi ni Mythes at naglakad palabas.

Sinundan siya ng mga kapatid niya pero nang makitang napahinto ito ay napahinto na rin sila.

“Pero may kalaban tayo,” seryosong saad ni Mythes at nakatingin sa kaliwang booth. Ang tema nito ay kulay itim subalit ang kanila naman ay sinundan ang tema ng kulay ng mga buhok nila: purple, red, blue and orange.

“Bakit gaya-gaya kayo ng tinda?” ani Manley na naglakad at sinugod ang Third Power dahil nakita niyang naka-display sa labas ang mga merchandise na ibebenta nila. Tama siya, kaparehas ito ng sa kanila.

“Mukhang mahina yata Wi-Fi sa inyo at hindi n'yo nasagap ang balita, TT Brothers.” Humakbang paabante si Thunder at tinapatan si Manley kaya naman napahakbang ito paatras, pabalik sa pinanggalingan.

Tumama sa kamay ni Mythes ang likod nang umaatras na kapatid. Itinabi niya si Manley at siya ang humarap kay Thunder.

“Kayong Third Power, 'wag n'yong maliitin ang Wi-Fi namin dahil walang ka-lag-lag 'yon kahit sabay-sabay pa kaming manood ng 4K resolution na porn,” aniya na tinawanan lang nina Storm at Rain na nasa magkabilang gilid na ni Thunder.

“Oh, e bakit wala kayong alam? Sabi ni Pres, kung sino raw ang maraming maibenta sa ating tatlo ay may reward,” sabad ni Rain sa usapan na inangasan nang tingin si Mythes.

“What's the reward?” Hinawi ni Manley si Mythes at nakipag-eye-to-eye siya kay Thunder.

“KISS,” Thunder tilted his head, “MY” drew closely, “ASS!” he sneered, “that's the reward.”

Storm and Rain laughed.

“Is it true...” lingon ni Manley sa sumulpot sa tabi niyang si Malyk.

“Yes! Okie-dokie-yow!” awit nito.

Hinatak ni Mythes ang kapatid na malapit ang mukha kay Thunder, mahirap na baka duraan pa ng gagong 'to ang mukha ng kapatid ko, his estimate.

“Pero hindi totoo 'yong hahalikan natin ang mga puwet nila,” bulong niya kay Manley. “Maybe some incentives sa major subjects natin or a free travel trip? No one has to know till the event is over.”

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon