💀 deadly lxvii 💀

142 1 0
                                    

Inabutan nang sikat ng araw ang apat na magkakapatid nang sila'y magising at lumabas sa kani-kanilang mga kwarto taliwas kay Mule na madaling araw pa lang ay namalengke na agad ng mga pagkaing iluluto.

Pagbaba sa hagdan ng apat ay siya namang dating ni Mule, sakto at marami siyang pinamili. Inutusan niya ang apat na tulungan siya. Lumabas naman kaagad ang apat na gulo-gulo pa ang mga buhok at mga nanlalambot kaya kahit kagigising lang nila ay kailangan nilang mag-ipon kaagad ng lakas para mabuhat ang kahon-kahong pinamili ng Papa nila.

“Napakarami naman nito 'Pa! Ano bang mayro'n ngayon? Ipaghahanda mo ba 'yong buong village?” sambit ni Mythes nang makalabas muli sila ng bahay at kinukuha sa labas ng kotse ang mga kahon na pinamili ni Mule.

Hindi sumagot si Mule.

Si Myles naman, wala pang isang minuto ang nakalilipas ay nagsalita rin.

“'Pa, aalis pala 'ko today. May recording ako ngayon para sa new single ko. Hindi ko alam if I'll be home tonight, alam mo naman, minsan inaabot kami ng madaling-araw...”

Hindi sumagot si Mule.

Patuloy sila sa paghahakot ng mga kahon at nang maubos na iyon ay nasa kusina na sila. Inilalabas ang mga laman ng kahon at inaayos ang mga iyon— pinagsasama-sama ang mga dapat pagsamahin at pinaghihiwa-hiwalay ang mga dapat paghiwalayin.

“Fuck! May date pala kami ni Kylene mamaya. Hindi pa 'ko nakakabili ng susuotin ko.” Inilapag ni Mythes ang hawak na kahon at hindi na tumulong pa mag-unbox.

“Myt...” saad ni Mule para pigilan ang anak na umalis pero kaagad itong naglakad na palayo.

“Shit! 'Pa, aalis na 'ko agad para makakuha 'ko ng magandang time slot sa cinema,” ani Mythes at nagmadali nang talikuran sila.

Hindi na kumibo pa si Mule at hinayaan na lang si Mythes na magkumahog sa pag-akyat sa hagdan nang makapagbihis na ito.

Samantala, tinulungan nina Malyk at Manley ang Papa nila maghanda ng mga pagkain. Sina Malyk at Mule ang tagagayat ng mga rekado. Si Manley ay abala naman sa pagluluto. Karamihan sa binili ni Mule ay mga sangkap sa traditional dishes ng Filipino dahil ito ang hilig niya noon pa man lalo na ang pork sisig na hindi mawawala sa handaan tuwing birthday niya. Hindi niya iyon nakalilimutan pero hindi niya alam kung bakit nakalimutan ng mga anak niya ang kaarawan niya ngayon.

Am I not a good father to them that's why they forgot my birthday? No one even greeted me today... even Manley.

Sa katahimikan ni Mule at ang tanging tunog ng kutsilyo at chopping board ay nadagdagan ng bagong ingay na nagmula sa tumunog na cellphone ni Malyk na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

Nakita ni Mule na napangiti nang sobra ang anak nang mapatingin ito sa nakita sa cellphone na tinititigan.

“What's that?” he bended up, trying to peek on Malyk's phone screen.

“A reminder.”

“For?”

Malyk smiled at Mule and this old man is really expecting now. Come on, Mal! You have the sharpest memory, of course, you remember. Say it now, greet me a happy birthday and hug me tight.

Iniharap ni Malyk ang cellphone niya sa Papa at naglaho ang mga ngiti nito subalit hindi ang kaniya.

“It's Rosé's Fan Meet tonight!”

Napaayos nang upo si Mule at tila hindi makatugon agad pero nagawa pa rin niya kahit na kita ang pagkadismaya sa mukha.

“That beautiful girl on your standee... you mean her?” he reverted his gaze, looking back at the potato he was peeling.

Malyk held the paring knife and said, “Yeah, siya 'yong sa standee na 'yon and she's an ambassador now sa famous clothing brand,” but he just put it down on the table again, “and I'm gonna say goodbye to you guys 'cuz I'm getting married tonight.” Malyk squealed happily as he stood up from his seat and runaway upstairs.

Mule called Malyk but not expecting he will go back and will ask him what it is.

“Nothing.” Mule paused for a second till he thought of something to say, “Sige, sige... papakainin ko na lang si Rosé, your pet snake... mamaya 'pag-alis mo.”

Sumagot ang anak na kanina ay humakbang pabalik nang ilang baitang masilip lang at marinig ang pahabol na sasabihin ng Papa. “Kamsahamnida appa! Take care of my pet Rosé 'cause I'm gonna meet the real Rosé!”

Napuno ng panandaliang katahimikan ang kusina nang tuluyan nang pumanhik si Malyk pabalik sa kaniyang kwarto.

“He's really into that girl,” iiling-iling na ani Mule at siya pa ring bumasag sa katahimikan.

“Sinabi mo pa po 'Pa,” kinuha ni Manley ang inabot ni Mule, “hinahalik-halikan nga no'n standee ni Rosé, e...”

“How about you?” tanong ni Mule na nakatayo na ngayon sa tabi ng anak at sinisilip ang itsura nang niluluto nito.

Naubo si Manley sa tanong na iyon. Aakalaing may bumara sa lalamunan niya o napasukan ng lamok o ewan at hindi alam ang sasabihin sa labis na pagkabigla.

“How about the girl I adore?” Good he didn't startle, he controlled his voice perfectly.

“Hindi, how about you? May lakad ka ba ngayon?” ibig matawa ni Mule sa reaksyon ng magugulating anak.

“Hmm...” buntong-hininga na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan, “wala pa naman... 'di ko lang po sure kung mayro'n...” patuloy si Manley sa pagluluto, “'pag mayro'n naman, magpapaalam naman po ako, e.”

Hindi na sumagot pa si Mule, bumalik sa lamesa at itinuon na lang ang pokus sa paghihiwa ng mga natitirang gulay at karne. Nagluto sila nang nagluto hanggang sa pinakakahuli-hulihang pagkain na iluluto. Hindi rin nagtagal ay natapos na sila. Ngayon ay inihahanda nila ang paglalagyan ng mga putahe at habang ginagawa iyon ay marami silang napagkwentuhang mag-ama lalo na ang mga bagay na tungkol sa mama niya at sa kapatid nilang nawawala.

“Alam mo 'Pa, we tried to find her... we searched her name all over the internet and we also tried to search her in our university, hoping she's there kahit na malabo. We even made a booth noong Founding Anniversary ng university, asking the name of every girl comes, hoping they'll say 'Jam Cicely' or at least there's one person that night who know someone using that name...”

“But there's none...” Mule interjected nonchalantly.

“Opo,” Manley said but there were no signs could be seen that he had made his hopes down, “pero hindi pa rin kami titigil sa paghahanap sa kanya.”

“Pero kailangan na nating tumigil at magpahinga...”

“. . .”

“...dahil tapos na tayong magluto.”

Nagkatinginan sila at unti-unting natawa dahil sa napagtantong labis na kaseryosohan sa kanilang ginawang usapan.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon