Natigilan ang lahat dahil sa pa-suspense na saad ni Myles, lahat sila ay naghihintay sa tanong na sasabihin nito.
"Umiinom kayo?"
At doon sa pahayag na iyon ni Myles ay nakahinga nang maluwag ang tatlo. Akala nila ay kung anong itatanong ng kapatid. Semi-heart attack moment.
Napakamot sa ulo si Mythes. Si Malyk at Manley naman ay nagkatinginan lang. Hindi mawari ang kanilang mga reaksyon. Tila ba sa kanilang pakuwari ay nangtri-trip lang si Myles pero maaaring totoo rin ang sinasabi nito dahil sa kanilang apat ay siya ang matino o sabihin na nating nasa tuwid na landas, madalas.
"Alam ni Papa?" tanong ni Myles nang hindi kumibo ang tatlo at kahit na silence means 'yes' ay talaga namang obvious na sa usapan nila na umiinom na talaga itong tatlong kapatid niya.
"Bakit isusumbong mo ba kami?" ani Mythes na ngayon ay nabuksan na rin ang bote ng Soju niya.
"O, bakit ayaw mo pang buksan 'yang sa 'yo?" tanong ni Malyk kay Myles.
"A, e, pa'no ba 'to buksan?" Walang bakas ng pagbibiro sa sinambit ni Myles. Inosente at wala talaga siyang alam sa ganitong mga bagay.
"Akin na nga," ani Mythes at inagaw ang bote ni Myles. Si Malyk na sana ang magbubukas gamit ang can opener na hawak niya kaso naunahan siya ni Mythes at binuksan lang ang bote gamit ang ngipin.
"Cheers!" sigaw nina Manley, Malyk at Mythes. Si Myles ay hindi makasabay kaya naman si Malyk na ang nag-adjust dahil magkatabi naman sila. Itinaas niya ang bote ni Myles at saka nila pinagbangga ang kanya-kanyang bote na hawak.
"A, guys?" ani Myles na pinahinto ang lahat.
"O, bakit na naman?" tugon ni Mythes, medyo may halong galit pero hindi naman gaanong sagad.
"Magtu-tubig na lang ako," sagot ni Myles at biglang tumayo pagkatapos ilapag ang bote ng Soju.
"O, bakit bakit sa'n ka pupunta?" tanong ni Malyk na naabutan agad ang kamay ni Myles.
"Sit!" hiyaw ni Mythes kay Myles nang tingnan siya nitong parang tigreng manglalapa ng kuting.
"Actually, hindi ako umiinom talaga kasi..." nag-aalangan siyang bumalik sa pag-upo. Nagdadalawang-isip kung iinom ba siya o hindi.
"Inumin mo na, daming satsat!" sigaw ni Mythes, naaartehan sa kapatid dahil ang pinakaayaw niya ay ang taong kung ano-ano ang sinasabi kapag tumatanggi.
"Actually, first time ko 'to..." bumuntong-hininga si Myles at napayuko na lang. Tama ba 'tong gagawin ko?
"Actually, masasapak na kita, Myl. Ang arte-arte mo, 'di ka naman mamamatay r'yan!" Finally, isiniwalat na ni Mythes ang galit niyang kanina pa pinipigilang lumabas.
"What's wrong of being a good boy?" pangunguwestiyon ni Myles sa tatlo.
"Tang'nang good boy good boy 'yan!" Umismid si Mythes sa kapatid at mahinang napailing. "Hindi naman lahat ng hindi umiinom ng alak ay napupunta na sa langit."
"Bakit nakapunta ka na ba sa langit?" tanong ni Myles, namimilosopo.
"Lagi-lagi," sagot ni Mythes. "Palagi 'kong nalalasap ang langit."
"Ibang langit 'yan," singit ni Malyk sa usapan na mukhang sa iba na papunta.
"Ah, gets..." saad naman ni Manley na ngayon ay inaatupag ang pagkain sa cream puff nang biglang...
"..."
"Putangina sino 'yong kumakatok?" Sa pagkabigla ay napatayo si Malyk sa sinabing ito ni Mythes.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...