Matapos ang tawanan ay nagsalita muli si Mule, “You know what? Let's celebrate it.”
“Celebrate what?” tanong ni Manley, hindi na umiiyak pero mapula pa rin ang mata.
Mule seriously stated, “Celebration of your bravery, my son.”
“Anong dapat ipagdiwang do'n?” tuligsa ni Manley sa mungkahi ng ama.
“Because that's so brave of you.” Mule tried to sound natural but it seemed so sarcastic for Manley. “Bibihira lang ang mga nakagagawa n'yan.”
But he know he's wrong 'cause his family is the most amazing thing he wanted to have for the rest of his life.
Months later and after pag-usapan ang tungkol sa celebration na iyon ay ngayong araw ay panibagong selebrasyon ang magaganap dahil ngayon ang araw ng pagtatapos sa kolehiyo ni Dévi Kycee.
Maagang nagising ang pamilya Tonne-Tiu at hindi nga halos nakatulog kagabi. Pinuntahan ni Mule sa kwarto ang anak at ito ay nasa harapan ng salamin, inaayusan ang sarili.
“You're ready?” Mule after he knocked the already opened door.
Jam glimpsed on his father and then continued glossing his lips. “Just a sec.”
Mule's eyes filled with awe when he saw his daughter who exactly looked like the younger version of his wife, with overflowing happiness in his heart, he stepped his feet and leaned on her daughter gently. “Hm-mwah,” he kissed her on forehead. “Congratulations, 'nak. I'm happy for you. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka na ulit... sa kwarto mong 'to. Ang tagal nitong nakasara pero ngayon nandito ka na ulit, nakabalik na ang prinsesang matagal nang nawala.”
“Oh, don't make me cry 'Pa... masisira make-up ko,” sabi naman ni Jam na nakayakap na ngayon kay Mule gaya ng hilig niyang gawin dati.
Lumayo si Mule, umayos nang tayo at tumingin pababa. “Okay na?”
Jam held the hand of his father she saw he offered and then she stood up. “Opo, let's go.”
Bumaba na sila sa hagdan at gaya ng nabanggit ni Mule nang nagkukuwentuhan na sila ni Jam paglabas ng kwarto ay nagkakagulo na nga sa ibaba ang mga kapatid niyang lalaki.
Sinasakop ng boses ni Manley ang buong first floor ng bahay. “Hoy, kuya Myl 'wag ka nang mag-vlog today! Sa'kin naman na 'to... mag-aagawan pa tayo sa views n'yan, e!” Nagtatalo sila ngayon ni Myles dahil mag-vlo-vlog din sana si Myles pero ayaw ni Manley.
“Oo na, sige na...” paraya ni Myles.
“A, 'yon!” Nagpatuloy si Manley sa pag-vlog at nang mahagip ng camera si Jam Cicely, “So, hi guys! Nandito na pala ang aming prinsesa! Ang aming magandang ate na si Jam... long lost sister ko pala and graduation niya today. Kaway-kaway kayo dali... a 'yan... hoy, kuya Myt kumaway ka naman... ay, paepal talaga, o!”
Ayaw mamansin ni Mythes at busy ito mangulangot saka ipinitik kay Manley. Nagbangayan na naman silang dalawa pero walang pakialam 'yong dalawa pa.
Nilapitan ni Myles si Malyk, inalis niya ang headphone nitong kaaga-aga ay nakasalpak na agad sa tainga. “Si Manley kadaya, kagagawa lang ng YT channel mas marami pang subscribers at viewers kaysa sa'kin, e mas nauna ko sa kanya...”
Tinawanan lang ni Malyk si Myles; umiwas kina Mythes at Manley na naghahabulan.
Mule clapped his hands to get the attention of the boys. “Let's go, let's go... male-late na tayo.”
Pero bago tuluyang lumabas ay nag-request muna si Manley na mag-picture silang lahat. After many group picture they had — more likely, a family picture — they scuffed out of the house.
Nasa loob na sila ng kotse nang muling nakaisip si Manley nang sasabihin na naalala niya lang din ngayon. “'Pa, ngayon ko lang na-realize. No'ng birthday mo 'di ba? Naghahanap si ate Jam no'n ng CR... sabi ko, sa kusina tapos nagpunta na siya agad sa kusina. First time niya no'n sa bahay, ha? Tapos no'ng nalaman niyang naka-lock yung CR, sa taas na lang siya umihi tapos nalaman niya kwarto ko... 'yon pala... familiar na talaga siya sa bahay dati pa kasi doon siya nakatira...”
Magkakatabi sila nina Myles at Malyk sa backseat. Si Jam ay nasa passenger's seat. Si Mythes ay nakasakay roon sa motor niya.
“True, sis!” lingon ni Jam kay Manley at binawi rin. “First time pa lang na makapasok ako sa bakuran, I already felt something familiar na talaga... and no'ng makapasok ako sa bahay, I felt na parang nakapunta na ako ro'n dati... like that... then after ng birthday ni Papa, now ko lang 'to sasabihin din... ang creepy pero nanaginip ako nang nanaginip no'n about sa mga memories ko sa bahay na 'yon, ilang beses ko napanaginipan 'yong batang version ko tapos si Mama... si Papa... gano'n but the other details are ano... malabo siya.”
Sabay-sabay na napatango ang tatlo sa likod matapos pakinggan ang kwentong iyon ni Jam.
“Ang galing...” sambit ni Manley na isinara nitong si Myles ang baba dahil nakanganga at tutulo na ang laway ng kapatid.
Si Mule naman ay biglang nagtanong. “Man, 'yong picture ng mama mo, naitabi mo ba?”
Naalala ni Manley ang gabing iyon kung saan iniyakan niya ang picture ng mama niya dahil doon siya unang nag-come out. Kinausap niya noon at inamin sa litrato ng mama niya ang totoong siya.
Sumagot si Manley. “Opo, nasa 'kin pa.”
Sumabad naman si Myles, “Hoy, anong picture 'yon, 'Pa? Ang daya! Ba't wala kami?”
Si Malyk nakatulala lang sa bintana at busy mag-stream sa Spotify ng bagong released na K-POP song.
Iniabot ni Manley kay Myles ang litrato ng ina nang makuha iyon sa pitaka niya. “Ito kuya Mal, kuya Myl... ipa-xerox n'yo na lang.” Tumawa si Manley.
Itinampal naman ni Myles ang picture sa noo ni Manley at sinabing ayaw niya ng xerox. Inagaw naman ni Malyk ang picture na 'yon at siya naman ang tumitig doon.
“O sige mamaya pag-uwi natin sa bahay titingnan natin nang sama-sama lahat ng pages ng photo album na itinago ko. Nando'n makikita natin mga pictures namin nila ate Jam at ng mama ninyo...” sambit ni Mule para hindi mag-away-away pa sa iisang litrato ang tatlo— actually 'yong dalawa na lang ulit dahil busy na ulit mag-stream 'yong isang KPOP fan.
“A 'yon! Wuhooooh!” parang mga batang sigawan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
Genel KurguSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...