💀 deadly lviii 💀

144 2 0
                                    

Someone wanted to put an end to this good-for-nothing discord.


Finally, Myles thought of using his mouth to speak some words, “Don't mind them, let's keep on settling those things.”


Ang mga salitang iyon ay tila pinakamakapangyarihan sapagkat nagawa nitong pasunurin ang mga kapatid. Maging ang tatlo ay napanganga at nagulat dahil nagtataka sila kung bakit tila pinapakinggan nila ang isa't isa. Bakit mayroong pasunuran na nagaganap gayong quadruplets sila? Bakit silang triplets ay pantay-pantay lang ang turing sa isa't isa. Sa TT Brothers... bakit may tumatawag ng kuya? Bakit mayro'n silang sinusunod na isa sa kanila? At sa tingin nila, hindi panganay si Myles. Kaya, bakit? Gaano man nila kagustong malaman iyon ay wala na sila ro'n.


Ngunit nang pagtalikod nina Manley, Malyk, Myles at Mythes kina Thunder, Storm at Rain, itong si Manley ay napalundag sa labis na pagkagulat nang bumulaga sa harapan niya ang seryoso at walang ka-emo-emosyong mukha ni Deniel Kyrid.


“WHOA — AY KISS SA PUWET!” bulalas ni Manley at nasa isip niya pa rin ang sinabi ni Thunder na: "kiss my ass".


“. . .”


“Tinakot mo 'ko! Pambihira,” aniya habang sapo-sapo ang dibdib ng dalawa niyang kamay, umiiling-iling, umiihip pabuga at pahigop ng hangin para pawalain ang malakas na pagkabog ng dibdib.


“. . .”


“Kailan ka pa nand'yan?” tanong muli ni Manley, umaasang sasagot na si Deniel Kyrid at tama ang kaniyang palagay.


“Simula no'ng nilait ng kapatid mo kaming mga student council at tinawag na nerd, baduy, strikto, kill joy at uhugin.”


Napatingin sila kay Mythes dahil alam nilang ito ang pinapatungkulan ni Deniel Kyrid. Nang mahiya si Manley sa mga pinagsasabi ng kapatid na naririnig niya pa rin sa isipan niya hanggang ngayon ay hinatak niya palayo si Deniel Kyrid.


“Uh— Dékee— ano— 'wag mo na lang isipin 'yong mga sinabi ng kapatid ko— oo— uh— kasi ano— may saltik lang sa—”


“Nagagalit na si Sissy Wang at Aragon, hinahanap ka na. Ikaw na lang ang kulang sa photoshoot.”


Nag-apura si Manley na tumakbo sa loob ng booth para kuhanin ang bag niya. Hinatak si Deniel Kyrid palayo bago pa makalapit ang mga kapatid niya at marinig ang pinag-uusapan nila.


“Tara na, tara na... baka marinig ka pa ng mga kapatid ko.” Hinawakan ni Manley ang kamay ni Deniel, lumingon sa mga kapatid sa huling pagkakataon, “Guys! May aasikasuhin lang ako saglit!”


“Kailan pa naging kaibigan ni Manley 'yong Chairman ng USC?” dudang pahayag ni Mythes, hinahaplos ang baba na para bang nag-iisip.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon