Chapter 49

2.5K 48 5
                                        

"Hi..." My heart jumped when he cleared his throat. Humigpit tuloy ang hawak ko sa cellphone ko.

"May gusto ka bang ipabili, Xavier? I'm out doing the groceries."

"I want nothing but you, baby." I heard him sigh on the other line. "Sabi ko naman na sa bahay ka na lang. Hayaan mo na sila Nana Dencia ang gumawa niyan. Baka mapa'no ka pa."

"I feel lonely at home. Hindi ako matatahimik na wala akong ginagawa."

Saglit na natahimik ang kabilang linya. May mga narinig pa akong kaluskos. Bumuntong-hininga na naman siya. "Namimiss na agad kita."

I bit my lips to supress my smile. "Parang tanga naman. Tatlong na oras pa lang tayo 'di nagkikita, ah?"

"It felt like eternity already," reklamo niya.

Nakikinita ko na ang mukha ni Xavier ngayon. Hindi ko mapigilang mapahagikgik. Alam na alam ng loko na siya ang pinaglilihan ko kaya nagpapa-cute.

"'Di bale, dadalhan kita ng lunch mamaya."

He said 'yes' and excused himself because the first meeting in his schedule is about to start. Natawa pa ako when he made a kissing sound before ending the call. Sobrang clingy ni gago, pero 'di naman ako makapagreklamo kasi natutuwa ako sa kanya.

Iling-iling kong ibinalik ang cellphone sa hand bag ko. Naisipan kong lumabas ngayon dahil na rin nabuburyo ako sa paglalakad lang sa harap ng bahay. Iyon kasi ang advice ng doktor para hindi ako mahirapan sa pag-labor. I'm nearly eight months pregnant- halfway through my seventh month. Ilang linggo na lang ay due ko na kaya pinagbabawalan ako ni Xavier na umalis ng walang kasama. Baka raw mapaanak ako bigla tapos dumiretso sa sahig ang bata. Tarantado talaga.

"Jemma, kuha ka ng cart tapos ito ang bilhin mo ro'n sa meat section para mabilis tayo. Hahatiran ko pa kasi ng pagkain si Sir mo mamaya."

Tumango naman ang batang kasambahay sa akin at parang kinikilig pang ngumiti.

After a month in our marriage, Xavier decided to take some of his trusted househelps in their mansion. Kumuha siya ng tatlong kasambahay at isang driver para sa akin. Gusto niya raw na marami akong kasama kapag wala siya. Hindi na ako nagreklamo pa dahil natutuwa rin naman ako sa presensiya nila Nana Dencia sa bahay.

I am genuinely happy and grateful for what we have now. I never knew this was the life waiting for me when I married him. I thought of the worst before. Akala ko magiging kawawa ako dahil ipagpapatuloy niya lang ang buhay niya na parang binata. Maraming polo rin niya abg nasunog ko dahil doon. Hindi ko lang alam kung napansin ba niya ang ginagawa ko.

On the first days of our marriage, he was practically ignoring me. Hindi ko maintindihan dahil hindi pa kami nagkakaayos noon. Pero ngayon ay hindi na niya ako iniiwasan. Sobrang papansin nga niya kaya minsan, nabubuwisit na ako. Kulang na lang kasi ay tumira din siya sa loob ng tiyan ko para lagi niya akong kasama.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Sinabi niya talagang mahal niya ako. Pinaparamdam din niya sa akin iyon sa tuwing magkasama kami. Akala ko noon, imposible. We started out wrong and I was certain that we'll end up with my heart broken... but look at where it took us now.

After all of the heartaches and misunderstandings, alam kong sa kanya pa rin talaga ang bagsak ko. Siya pa rin. Kahit anong sabi ko sa sarili kong galit ako sa kaniya dahil sa mga binitawan niyang salita noon, hindi ko pa rin mapigilang maapektuhan sa tuwing nandiyan siya. Nagwawala pa rin ang tibok ng puso ko kapag nasa tabi ko siya. Mahal ko pa rin talaga kahit anong tanggi ko.

Saka tama naman kasi ang sinabi ni Aly. No matter how hard I try to run from all these, hindi ko magagawa kung mayroon pa ring bagay na nagkokonekta sa aming dalawa. Maaaring maitago ko ang anak namin pero hindi habang buhay iyon. Hindi ko puwedeng ipagkait sa kaniya ang katotohanan dahil ang lubos na maiiipit sa aming dalawa ay anak namin.

Whims of a VixenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon