Chapter 9

2.5K 56 43
                                        

"Dapat sinamahan mo 'yung bata." I heard someone said.

Pagtingin ko ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko.

Akala ko hindi na ulit magku-krus ang landas namin. Pero sino bang niloloko ko? Nasa iisang lugar lang kami. Malamang, magkikita at magkikita pa rin kaming dalawa kahit magtago ako sa kaniya at hindi niya ako hanapin.

"Kaya naman daw niya." Tumikhim ako. "Saka CR 'to ng mga lalaki. Bawal akong... pumasok."

"But you're already inside," he stated. Ibinaling niya ang tingin sa bata na umiiyak pa rin. "Is he your nephew?"

"Anak ko 'to sa pagkadalaga. Hindi mo alam kasi hindi mo naman kailangang ma-inform," sabi ko na lang. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para sabihin iyon. Nababaliw na siguro ako. Dinamay ko pa pati ang anak ni Aly.

"Your son?" Xavier sarcastically replied. "Alam mo naman siguro na kanina pa ako nakatayo rito, 'di ba? I heard him calling you Tita."

I bit the insides of my cheeks before standing. "Patola ka masyado. Biro lang 'yon."

Pakiramdam ko ay nag-iinit na ang pisngi ko ngayon. Sinipat ko ang reaksiyon niya at agad na nag-iwas ng mata dahil nakaramdam ako ng pagkapahiya.

Hindi sumagot si Xavier sa sinabi ko. Parang bigla ay gusto kong kainin na lang ako ng lupa.

Bakit ba kasi sinabi ko 'yon? Mukha tuloy akong tanga dahil wala namang dahilan para magbiro ako. Nag-away pa nga kami nung huling kita namin.

I saw his built drawing nearer. Lumuhod siya sa gawi ni Ashton. Ipinasok niya ang kamay sa isang bulsa at humugot ng panyo roon para punasan ang hilam sa luha na mukha ni Ashton.

"Stop crying, kiddo. Don't make this too hard for your Tita," he murmured softly while cooing Ashton.

Nakatingin lang siya sa mukha ni Xavier, parang pinag-aaralan ang itsura ng lalaki. Tumigil na sa pag-iyak ang bata.

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Kinakabahan ako na parang matatae.

"Uh... m-mauna na kami." Lumapit ako para sumingit at  kinarga na ang pamangkin ko.

Napabitaw naman si X mula sa pagkakahawak sa braso ng bata.

"I feel sleepy na po..." Ashton whined after I lifted him. Humikab siya. Kukusutin na sana niya ang mga mata niya nang pigilan ko iyon.

"Naghugas ka na ba ng kamay mo?"

Umiling siya kaya inalalayan ko muna papunta ng sink para tulungang maghugas. Tinuyo ko ang kamay niya gamit ang tissue na nasa gilid bago siya kargahin ulit.

Nandoon pa rin si Xavier, nakatingin lang sa ginagawa namin.

Hindi ko na siya pinansin sa sobrang pagkailang at lumabas na lang habang nakakapit si Ashton sa leeg ko. Napangiwi ako nang makaramdam agad ng pangangawit.

"Baby, tulog ka na ba?" Marahan kong hinimas ang ulo ni Ash. Hindi ito nagsalita kaya dinungaw ko ang mukha na nakapatong sa balikat ko.

Napanguso ako. Wala pa atang ilang segundo ay nakatulog na siya. Napagod siguro sa kakaiyak.

Naglakad ulit ako patungo sa mesa namin kanina. Ashton is quite heavy kaya hindi masiyadong mabilis ang pag-usad ko.

Nang mapatingin sa handbag at sa dalawang lagayan ng gamit ni Ashton ay napaisip ako. Tulog na ang bata at hindi ko naman puwedeng iwan dito. I can't leave him inside the car too. Baka magising siya at mapano pa roon.

"Bridgette," Xavier called.

I was not surprised after hearing his voice. Lumingon ako sa kaniya at hinagod ang likod ni Ash na napakislot pa ng bahagya at humilik.

"Bakit?" tanong ko.

Tumingin siya sa mesa namin at walang pasabi na kinuha ang mga bag doon. Magpoprotesta na sana ako nang magsimula siyang magsalita.

"I know you need help with all these. Where did you parked your car?"

I gritted my teeth and nodded instead of answering. I'm not in the mood to talk dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Tumalikod na lang ako para makaiwas sa awkwardness dahil sa titig niya.

I felt him tailing us from behind. Binilisan ko pa ang paglakad dahil baka nabibigatan na siya. He asked me about what I'm doing for the past days but I didn't answer him.

Pagkarating sa sasakyan ay hinanap niya sa akin kung nasaan ang susi. Itinuro ko naman ang pinaglalagyan ko ng keys sa handbag ko. Nakita niya iyon agad at binuksan na ang likod para maihiga si Ashton. Buti na lamang ay nagdadala ako ng unan lagi kaya may magagamit ang bata.

"Nasa compartment na ang mga gamit ng pamangkin mo. Are you sure that... you can handle carrying all of those later? Ihatid ko na lang kaya-"

"Salamat, Xavier. Kaya ko na 'to. Mauna na kami," walang kangiti-ngiti kong paalam.

He gave me a boyish smile, not even looking affected with how I offensively​ turned down his offer.

Tumalikod na lang ako at pumasok na sa loob. Nahihiya pa rin ako kaya hindi ako nagsalita kanina. Napapikit ako at napahinga ng malalim.

Matapos naming mag-dinner noong​ huli naming pagkikita ay nawalan na siya ng paramdam. Alam kong natapakan ko rin ang ego niya dahil sa pinagsasabi ko noong gabing iyon kaya hindi ko ine-expect na magiging okay ang pakikitungo niya sa akin ngayon.

Tapos nakita niya pa 'yung ginawa kong pagpasok sa CR kanina... damn.

Pumikit ako ng mariin at inalog ang ulo. Napahawak pa ako sa pisngi ko bago ko ipasak ang susi sa keyhole at paandarin ang kotse.

I started driving. Lumingon ako saglit sa pinanggalingan ng sasakyan bago itawid ang kotse sa intersection.

I saw him standing right exactly where we left him. Nandoon pa rin siya... pinapanood ang kotse ko habang umaandar.








-

Whims of a VixenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon