Words can kill.
I never thought of that before when I was young. But as time went by and I grew older to host different happenings in my life, I have come to the realization that it is indeed true.
Even if one doesn't intend to inflict pain nor to put obvious remnant of hate with the words they use to express themselves, it can still have the possibility to hurt people. It will still have the ability to crush hearts.
And today, that simple statement got proven again.
"Hindi puwede," iling ni Dad. "Ayokong maging putok sa kawayan ang bansag sa apo ko. Kailangan niyang makilala ang tunay na ama niya!"
"Handa po akong ibigay ang apelyido ko para hindi lumaking walang ama ang bata. Bakit kailangan pang hanapin ang nakabuntis sa anak ninyo?"
That was a slap in the face for me. I tried to wear it off by swallowing the lump on my throat but it only worsened. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil handa siyang pakasalan ako o mas masasaktan.
"Hindi puwedeng ikaw ang umako! Naiintindihan mo ba?" Namumula na ang mukha ni Dad. "Kailangang managot ng hayop na 'yon! Hindi ako papayag na takbuhan niya ang anak ko!"
Kinagat ko ang labi at lumingon sa kabilang bahagi ng hall para humingi ng tulong sa attendants, pero wala akong nakitang nagtangka man lang na lumapit sa puwesto namin. Hindi ko na rin mahanap si Weston sa paligid. Ibinalik kong muli ang mga mata sa mga kaharap ko.
Xavier looked very calm but uninviting. His thick brows are knitted while his eyes bore into mine. His stare was so intense that I had shivers all over my body. Humarap siya kay Dad at nakipaglabanan ng tingin.
"Kung talagang may balak siyang panindigan ang... si Bridgette, siguradong magpapakita siya at haharap, Tito." Bumaling siya sa akin. "Alam ba ng ama ng bata na buntis ka?"
Naumid ang dila ko. Hindi ko malaman kung iiling ako o tatango na lang para mawala ang nakikita kong galit sa mga mata niya. Mabilis na napakurap ako nang ngumisi siya at saka huminga nang malalim, para bang kinokontrol ang sarili para hindi siya makagawa ng masama.
"Sa tingin ko ay hindi lang talaga tanggap ng lalaki na nabuntis niya ang anak niyo kaya tinakbuhan niya si Bridgette," malamig na sabi ni Xavier. Sandali siyang huminto nang hindi makarinig ng tugon mula sa ama ko. "The only way to save your family from further embarrassment is abiding the contract."
"Sinabi ko na kanina, Xavier. The man who got her pregnant will be her husband. That sonofabitch can't run from his responsibility!"
Napahawak si Dad sa dibdib na ikinaalarma naming lahat. Agad siyang dinaluhan ni Mommy. Pati ako ay nagkukumahog na tumayo na rin para pumunta sa puwesto niya.
"D-Dad... Dad, please kumalma muna kayo..." I caressed his shoulders to soothe him. Pumikit siya at hinawakan ang kamay ko.
"Mommy, tara na," tiim-bagang na sabi ni West na kararating lang. Madilim ang mga mata niya nang sulyapan ang tatay naming nahihirapan na huminga. Lumapit siya sa at inalalayang tumayo si Dad na dumadaing pa rin.
"Sixto, sa ibang araw na lang. Pasensiya na sa nangyari. Sana ay mapag-usapan natin ito nang maayos," Mom said.
"Maaayos lang ang lahat kung susunod kayo sa napag-usapan. Talk to your husband and make him understand," anang matanda habang nakatingin sa amin. "Leave now before I call my lawyer."
Napamulagat ako sa narinig.
Ganoon na lang ba iyon? Handa silang itapon ang pinagsamahan nila ni Dad para lang sa kagustuhan nilang magkaroon ng kasal sa pagitan ng mga pamilya namin?
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomansaBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?