Chapter 3

2.9K 74 90
                                    

Dumukwang siya para isuot sa akin ang seat belt. Ni hindi man lang niya ako nilingon kanina habang hinahabol ko siya kaya hindi ko na rin sinubukang pigilan ang ginagawa niya. Ayokong magsalita kahit hindi ko maintindihan kung bakit din siya umaakto ng ganito matapos akong iwanan doon.

Naiinis man ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko. Palihim kong sininghot ang amoy niya habang abala siya sa pagkakabit ng belt buckle. Napasimangot ako dahil ang bango pa rin niya kahit gabi na.

Lumayo siya nang maiayos na iyon sa akin. Bumalik siya ng upo sa driver's seat at pinaandar na ang makina ng kotse.

"Why are you frowning?" he asked as he maneuver the car wheel.

Hindi ako sumagot at isinandal na lamang ang ulo sa bintana.

Hindi na rin siya ulit nagsalita.

Nakatingin lang ako sa labas at pinapanood ang mga kotseng kasabayan namin. Nang makitang ang daan patungo sa tinutuluyan ko ang tinatahak ng sasakyan ay mas sumama lang ang timpla ko.

Inihinto niya ang Jaguar sa harap ng gate pagkarating sa tinitirhan kong apartment building.

Mabilis kong kinalas ang seat belt at akmang bubuksan na ang pinto nang pigilan niya ang kamay ko.

Tumingin siya sa mga mata ko na parang naguguluhan, salubong ang mga kilay pero may lambong sa mga mata. Mukhang alangan pa siyang kalasin ang pagkakapalupot ng kamay niya sa pulso ko.

"Good night," he settled with those words after a matter of seconds.

Hindi ako sumagot doon. Pagkatanggal ng dantay ng balat niya ay lumabas na agad ako ng walang anumang salita. Pumasok ako sa gate ng apartment at umakyat na sa unit ko.

Ibinaba ko ang bag ko sa center table at dali-daling nagpunta sa bintana para tanawin kung nakaalis na ang sasakyan niya. When I took a peek, I saw nothing but a cold, empty road outside. Ibinalik ko ang pagkakaayos ng kurtina at saka ibinagsak ang sarili sa sofa.

Kinabukasan ay maaga akong bumangon.

Martes ngayon at napagdesisyunan kong bisitahin ang business ko. Almost one week na akong walang ginawa kundi magliwaliw at ayoko namang mapabayaan ang cafe.

"Shit. Nasaan ka na ba?" I muttered to myself. Inis kong itinaktak ang laman ng handbag ko.

Sinipat ko ang oras sa aking relo at napatapik sa noo nang maalala na hindi pala ako umuwi kagabi sakay ng sariling kotse.

Ibinigay ko ang susi noon sa sekretarya ni Xavier kahapon. I forgot to tell him na mag-convoy na lang kami bago pumunta sa restaurant. Nawala sa isip ko.

I bit my nails opened my phone to book a taxi. Tatanghaliin ako kung kukunin ko pa ang kotse ko o ipahahatid dito. Saka kanino pa ako magpapasuyo para lang makasakay sa kotse? Mamaya ko na lang siguro dadaanan.

"Sa harap na lang po niyan." Tinuro ko ang cafe.

Kumabig ang driver at inihinto ang sasakyan. Inabot ko ang bayad sa kaniya at nagpasalamat bago lumabas.

Dumiretso ako sa loob ng opisina matapos i-check ang mga tauhan ko sa mga stations nila. Ilang araw akong nawala kaya mabuti na ring nakabalik ako rito. Nagkaroon din kasi ng problema sa inventory dahil hindi naaasikaso ng maayos.

Hapo akong bumagsak sa swivel chair. Sumakit na agad ang paa ko kahit iyon pa lang ang nagagawa para sa araw na ito. Sumasakit din ang ulo ko dahil ang aga-aga kong gumising tapos tambak pa agad ang trabaho na bumungad sa akin.

I took my high-heeled shoes off and placed my feet on the working table. I grunted softly as I lay my back on the cushioned part of the chair. I fished my phone out to text Xavier's secretary.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon