"Ma'am," Mina said while I am busy searching for my keys inside my bag.
Palabas na sana ako para puntahan ang pinsan ko na nakausap ko kamailan lang. It's been years since the last time I saw her and we agreed to eat outside for today.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Mina. "Bakit?"
"May nagpunta pong pogi na lalaki rito kanina. Hinahanap ka po kaso wala ka naman." Her smile grew wide. "Sabi ko naman po kasi sa 'yo, Ma'am! Dapat ako nalang 'yung nagpick-up ng edible flowers para naabutan ka ni pogi!"
I scoffed. Wala namang akong pakielam kung sino iyon. Baka si Harris lang... o si Caleb.
Napabuntong-hininga ako nang maalala ang lalaking iyon. I suddenly felt bad after shouting at him on the party. He actually saved my ass from Hana's humiliating remarks tapos ganoon pa ang naging ganti ko.
"Inform me if he comes back."
Sunod-sunod ang naging tango niya.
"Kayo na ang bahala rito. May kikitain pa ako kaya magpatulong ka na lang na magsara sa mga staffs," bilin ko pa.
Lumabas ako ng opisina at umalis na doon para puntahan si Aly.
I drove my car to the nearest hotel. We decided to have dinner here since she said she's on a hurry. I cannot afford to travel twenty more minutes or so kaya ito ang sinabi kong lugar sa kaniya.
"B! OMG, mas lalo kang naging glowing ngayon! Anong gamit mong sabon, ha?" Aly screeched as she approach me.
Kabababa ko pa lamang ng sasakyan ay iniangkla na niya agad ang kamay sa kaliwa ko saka hinila ako papasok sa loob ng restaurant.
"Oh, shut up, Aly. Ang lakas mong mambola," irap ko.
She just hugged me tighter and grinned.
Nang makarating sa mesa na nireserve para sa amin ay ganoon na lamang ang pagkagulat ko. May nakaupong bata roon kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay ama niya base na rin sa malaking pagkakahawig ng features nila.
Napatingin ako sa pinsan ko. She just smiled and introduced the guy.
"Bridge, this is Pavel. Siya 'yung... ano... papa ni Ashton."
Muntik nang tumaas ang kilay ko.
"Hello, I'm Bridgette." I offered my right hand. "Buti naman at sinubukan mong mag-reach out dito sa pinsan ko. Akala ko hahayaan mo na lang na lumaking walang tatay si Ash."
Tumingin ng blangko sa akin ang lalaki at tumikhim. Humigpit ang hawak niya sa palad ko.
Binawi ko iyon agad saka sarkastikong tumawa.
"Pasensiya ka na kung ganito ako magsalita. 'Matic na pasmado kasi agad 'yung bibig ko kapag may kausap na manloloko." I smiled sweetly and turned my back to give my niece some attention.
Narinig ko pa ang mahinang pagmumura ni Aly habang pilit na kinukurot ang tagiliran ko. Hindi ko iyon pinansin saka nagpatuloy nalang sa paglalaro sa anak nila.
"You grew up so well, baby! How old are you na?"
The kid raised his hands and showed his fingers. He's already five. Matatas na rin itong magsalita at mukhang malusog. Panay ang kuwento nito sa mga favorite toy cars daw niya habang nakikinig ako.
Ang bilis talaga ng panahon.
Hindi man halata sa maarte kong itsura, mahilig talaga ako sa mga bata. Kids are soft and cute. Especially babies. They are balls of sunshine and I don't know anything that can possibly rival them from being the best stress relievers.
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomansaBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?