Chapter 46

2.1K 45 2
                                    

Today is the day.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng vanity mirror, inaayusan ng make-up artist na tinawagan ni Mommy kahapon. Sobrang stiff ko kanina pa. Iniiwasan kong gumalaw dahil baka lumagpas ang mga pinapahid ng nag-aayos sa akin.

Matapos ang pag-uusap ng pamilya namin ni Xavier ay nag-set agad sila ng araw para sa kasal. Isang linggo na mula noong gabing iyon. Isang linggo lang dahil nagmamadali silang matali kami sa isa't-isa.

"Ay, Madam, 'wag kang umiyak! Hindi waterproof itong mascara mo, magiging chaka 'yan kapag nahaluan ng luha."

Nanginig ang labi ko nang ngumiti ako sa baklang kanina pa ako kinakausap. Wala akong masagot sa mga tanong niya. Puro ngiti, tango at iling lang. Hindi ko naman masabi na hindi ako pabor sa kasal na ito. Baka tsismisin pa akong lalo.

Nang matapos ang ginagawa sa akin ay iniwan na niya ako sa silid. Nagpaalam pa siyang isusunod niya daw na bihisan ang kapatid ko pero hindi ko magawang tumawa roon dahil sa mga iniisip.

Tinitigan ko ang repleksiyon ko sa harap ng salamin. I'm wearing a white Alice Greta dress that Xavier sent yesterday together with a pair of Manolo Blahnik heels in the same color. Inayos ko rin ang puting head band na isinuot ng make up artist sa akin for accent.

I sighed and smiled afterwards. I can't believe I'll attend my own wedding in a few hours wearing my usual attire in normal days. It's obviously not what I want but I have no other choice. There's not enough time and I am in no place to whine about it.

The ceremony will take place at Mayor Lacsamana's office- iyon ang sabi sa akin nila Mommy. Tanging pamilya lang namin ang magsisilbing witness.

Bumaba ako nang tawagin ako ni Weston mula sa loob. Ni hindi niya magawang ngumiti sa akin kaya bahagya akong nakaramdam ng panlulumo.

"My sweetheart..." Dad embraced me. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. "Ikakasal ka na. Ang bilis bilis mong lumaki."

Kinurot siya ni Mommy sa tagiliran. "Nako, Edward, tigilan mo 'yan. Ngayon ka iiyak gayong ikaw pa ang nagtutulak sa anak mo na pakasalan si Xavier!"

My father laughed but later on, narinig ko na naman ang pagsinghot niya.

"Parang ayoko na idala ka roon. Itakas ka na lang kaya namin?" he whispered.

Nakatikim na naman siya ng kurot kay Mommy.

Lumabas kami ng bahay at sumakay na sa sasakyan. Mabilis lang ang naging biyahe. Hindi tumagal ng isang oras ay huminto agad ang kotse sa harap ng city hall.

Pagkababa ko ay dumiretso na kami sa loob. Kanina pa raw naroon si X pati ang pamilya niya. Isang oras na. Nahiya naman si Mommy kahit pa hindi naman kami huli sa napagkasunduang oras.

"Atat na atat ang hayop."

"Ano iyon, Weston?" Mom asked with a raised brow.

"Si Xavier, 'My. Bakit ba kasi siya pa?" reklamo ng tukmol.

Ambang kukurutin ni Mommy si Weston kaya lumayo siya. "Magtigil ka, narito na tayo. Nakakahiya kay Sixto."

Pumasok kami sa isang opisina. Malawak iyon. Maraming antique na muwebles ngunit halata mong lalaki ang nagmamay-ari ng space dahil sa ayos nito at sa mga itim na kulay ng modernong kagamitan. Bukod doon ay may nakasabit din kasing portrait ng mayor sa likod ng mesang nakapuwesto sa gitna.

Napakalaki ng frame. Hindi rin mukhang simpleng litrato ang laman. Sigurado akong painting ang isang 'yon. The gloomy brownish colors accentuated the handsome man's face very well.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon