"Aly, hindi ko alam ang gagawin ko..." Napasinghot ako at sumubo ulit ng ice cream matapos ipasak ang ilang pirasong banana chips bago ngumuya. Hindi ako makaramdam ng ngilo. Mas gumagaan ang pakiramdam ko sa kinakain pero naiiyak pa rin ako.
"Sabi ko naman sa 'yo kanina, hindi mabuti na tikim lang ng tikim kahit mukhang masarap. Dapat nag-iingat kayo kasi 'yan—" Itinuro niya ang tiyan ko. "—lolobo 'yan."
Mas lalo pa akong naluha dahil na-gets ko na ang sinasabi niya kanina sa akin.
"Ang tanga ko kasi." Napatingin ako sa tub ng ice cream na nakalahati ko na. May lumulutang pang marshmallows sa parte ng tub na medyo lusaw na ang laman.
"Ayaw mo bang magka-baby?"
"Hindi naman sa ganoon." I wiped the side of my eyes. "Ayaw ko lang na may madamay pang inosenteng bata. Tinapos ko na ang magulong relasyon namin dati tapos may iniwan palang souvenir sa tiyan ko 'yung gagong 'yon."
"Bakit kasi nagpapa-chugchug ka ng walang proteksiyon?"
"I'm on pills. Malakas ang kutob ko na nakaligtaan kong uminom."
"'Yan na nga ba ang sinasabi ko." Tinitigan niya lang ako habang patuloy pa rin ako sa pagluha. She then gave me a knowing look as she shook her head in dismay.
"Wala ka kayang sinabi! Saka para namang hindi nangyari sa 'yo 'to. Nauna ka pa nga sa akin."
"Ayy, may pag-atake? Pinepersonal mo ako?" pabirong kurot niya sa braso ko.
I pouted and chose to not talk back.
Natahimik kami sandali dahil naging abala na kami sa pagkain ng mga binili niya para sa akin kanina. She opened a topic about our routines when we were in highschool kaya na-divert ang atensiyon ko sa ibang bagay kahit papaano. Nang maubusan kami ng usapin ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tanungin ang kanina ko pang gustong malaman.
"Nagsisisi ka ba?"
"Saan?" Pilit niyang kinuha ang tub na pasimple kong inilayo sa kaniya.
"Na nabuntis ka noon tapos wala kang asawa."
Natigilan siya ng bahagya bago pinalo ang hita ko. Binawian ko siya at nginisihan kaya naman umangil na naman siya sa akin.
"Siyempre hindi, 'no." Sumubo siya. "Pinakamagandang nangyari 'yun sa akin kahit sobrang nasaktan ako. Nahirapan ako noong una kasi walang katuwang sa buhay pero sobrang sarap sa pakiramdam na maging nanay."
I listened attentively at what she's saying. Her eyes are sparkling in delight as she talk about being a mother. My heart clenched a bit. Ganito rin kaya ang mararanasan namin? Mag-isa lang akong magpapalaki sa magiging anak ko?
"Basta isipin mo lang na kaya mo ang lahat, makakaya mo dahil may kasama ka na ngayon. Kung sakali man na ayawan ni Xavier ang bata, huwag mo siyang alalahanin—"
"Wala akong balak sabihin sa kaniya."
Napatigil si Aly sa sinabi ko. "Bakit?"
"Walang rason para sabihin ko."
"Anak niya rin 'yan, B."
"Alam ko. Kaya lang... ayaw ko na ma-associate ulit sa lalaking iyon. Sasabihin ko rin naman siguro pagdating ng panahon. Hindi niya muna puwedeng malaman ngayon." Yumuko ako.
Napabuntong-hininga si Aly bago hagurin ang likod ko. "I understand. I have no rights to go against you dahil alam kong pinag-isipan mo naman 'yan. Just don't forget that Ashton and I will always be here for you. Kami ng pamilya mo." Niyakap niya ako kaya hindi ko mapigilang maluha na naman.

BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomanceBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?