"I want pancakes!" ani Ashton habang busy ako sa paghahalo ng pancake mix sa gilid.
Nakaluto na ako ng umagahan kanina pero gusto raw niya ito. And who am I to deny the baby's request? He's too cute and irresistible for me to ignore.
"Malapit na 'to, baby. Should I make your milk too? Anong gusto mong syrup?"
Tumango siya ng sunod-sunod sa sinabi ko.
"I want to try all!" Nagniningning ang mga mata niya habang pinapanood ako.
Tumawa ako dahil doon. Isinalin ko ang pancake batter sa pan. Nang mahango iyon pagkatapos maluto ay agad kong inasikaso si Ashton.
"Masarap?"
Tumango siya at hindi na ulit nagsalita. Naka-focus lang siya sa pagkain habang busy naman ako sa paglilinis ng kalat sa kusina. Iniligpit ko muna ang ulam na iniluto ko kanina.
Abala ako sa paghuhugas ng mga ginamit na kasangkapan nang may kumatok mula sa pinto ng sala. Rinig iyon hanggang sa kusina dahil maliit lang naman ang apartment na nirerentahan ko.
Pero sa kabuoan ay maganda naman ang place. Malinis at bago pa ang building noong lumipat ako. Table counter lang na naghaharang sa kusina at sala pero may modern-styled divider na naghihiwalay roon. Dalawa ang kuwarto at sa gilid ng kusina nakapuwesto ang may katamtamang laki na banyo.
Pinunasan ko muna ang mga kamay ko saka dumiretso na sa pinto. Binuksan ko ang seradura noon. Napaawang ang labi ko nang makita kung sino ang kumakatok.
"Hi," bati niya sa akin.
Nakasuot siya ng deep blue muscle shirt at itim sa sweat pants. Basa rin ang buhok niya at amoy bagong ligo.
Nahiya ako bigla. Hilamos at toothbrush pa lang ang nagagawa ko. Baka amoy pawis pa nga ako dahil sa pagluluto.
Inilingan ko ang sarili dahil sa pagiging conscious at pinanatiling malamig ang reaksiyon.
"Anong ginagawa mo rito?" Bumaba ang mga mata ko sa dala niya sa magkabilang kamay.
"I brought breakfast for you and your nephew. Pasensiya na kung ito lang ang nakayanan. I can't burn my kitchen so I just ordered these instead," aniya.
Nagtataka akong napabalik ng tingin sa kaniya. Bakit may paganon?
"W-Why? I mean, bakit may paganyan?" Tinuro ko ang mga dala niya.
"Wala lang. I just felt like doing this." He shrugged. "And I want to check on that kid. Baka nahihirapan kang... mag-alaga."
Hindi ko maintindihan iyon. Halatang nagrarason lang. Ano bang gusto nito?
"S-Salamat sa concern kung ganoon," sambit ko na lang bago nag-iwas ng tingin.
"Puwede na ba akong pumasok?" tanong niya makaraan.
Nataranta ako dahil sa sinabi niya. Kanina pa pala kami nakatayo sa hamba ng pintuan. Mukhang nabibigatan na rin siya sa sobrang dami niyang dala.
"Oh! Sure, pasok ka."
He just smiled and nodded. He went inside and walked straight to the kitchen.
Napahawak ako sa dibdib dahil doon. Kinalma ko muna ang sarili ko ng ilang minuto bago ako sumunod.
"Ang kalat mo namang kumain. You're just like your Tita," he said habang pinupunasan ang bibig ni Ashton.
Iyon ang nadatnan ko sa mesa. Baby just smiled shyly as he giggle.
"Thank you po, Tito Pogi. This happy meal is my favorite!" magiliw na sabi ni Ash habang yakap-yakap ang box ng pagkain na galing sa isang fastfood restaurant.
Napataas ang kilay ko dahil sa tinawag niya kay Xavier. Sandali pa lang silang nagkausap, may tawag na agad?
"You're welcome. Just don't give her headaches. Take care of your Tita when I'm not around..." bulong niya na narinig ko pa rin.
Tumikhim ako. Napabaling silang dalawa sa akin. Tahimik akong lumapit sa mesa para maupo.
"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Xavier.
Nagbaba siya ng tingin sa mga dala niyang pagkain na nasa table at umiling.
"Sumabay ka na sa amin," I said.
Kaumain kaming tatlo roon. Panay ang tanong ni Ashton kay Xavier tungkol sa napanood niyang cartoons sa Disney Channel. Sumasagot naman si Xavier na parang alam nga niya ang lahat tungkol doon kaya mas naging magana ang bata sa hapag.
"Do you know Bananas in Pyjamas po, Tito Pogi?" ani Ashton.
"Of course. That was my favorite cartoon when I was little. The animation wasn't as good as it is now, though. But I still watch it with my niece and nephews."
Napasinghap si Ashton "They are old?!"
"They don't age. They stay just like that so they can make kids laugh for a long time."
Nagkuwentuhan lang silang dalawa. Hindi naman ako makasingit dahil hindi ako pamilyar sa characters na mga pinag-uusapan nila pero nang mapansing halos hindi na sila sumubo ay nagsalita na ako.
"Galawin niyo muna 'yang pagkain niyo."
Kita ko ang pagnguso ni Ashton dahil sa pagsingit ko.
-
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
Любовные романыBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?