Chapter 32

2.1K 45 21
                                        

Nagising ako sa mahihinang tapik na naramdaman ko sa aking pisngi. I lifted my eyelids, telling myself that they're not as heavy as it feels. Kinusot ko pa ang mga mata ko para luminaw ang paligid.

I saw Caleb sitting next to me. Napatingin ako sa harap ng kotse at napansing nakaparada na ang sasakyan sa front yard ng mansiyon.

He didn't say a word. Tumikhim lang siya at naunang bumaba. He still look pissed with his flaring eyes and knitting eyebrows.

Napairap ako sa hangin dahil hindi ko siya maintindihan. Ano pa't bumaba rin siya rito? Hindi ko naman siya inimbitahan na pumasok.

"Kapal ng mukha."

Padabog kong kinuha ang mga​ gamit ko mula sa back seat dahil sa inis. Bumaba na rin ako ng sasakyan at sumunod sa kaniya papasok sa loob ng bahay.

Nakita ko siyang dumiretso sa salas at umupo sa isa sa mga sofa roon. Hindi ako huminto tulad niya at sa halip ay dumiretso na lamang sa hagdanan para magtungo sa kuwarto ko.

Bahala siya riyan. Pagkatapos niya akong hindi pansinin kanina, may lakas ng loob pa siyang pumasok dito.

Ni hindi man lang nga siya nag-abalang bilhan ako ng pagkain kahit alam niyang nagugutom ako. He didn't even allow me to buy food for myself when I asked him to drop me off!

"Ma'am! Naku! Kaninang madaling-araw pa ho kayo hinahanap ni Sir West sa amin," bungad ni Marilyn nang madaanan ko sa pasilyo. "Hindi po namin malaman ang isasagot. Ang alam po kasi namin ay nagpaalam naman kayo sa kaniya."

Huminto ako sa paglakad at tumango. "I did. Nalimutan ko lang mag-send ng text message para sabihing hindi na kami bumiyahe pauwi kagabi."

"Ganoon po ba?" Nagkamot siya at nagpakawala ng tensyonadong tawa. "Hindi niyo naman po kailangang magpaliwanag sa akin. Kay Sir ho kayo mag-explain at mukhang galit..."

I just gave her a simple nod again.

Nagpaalam na siya habang nakayuko. Marahil ay nahiya dahil lumakas ang tono ng boses niya kanina nang mapadaan ako. Hindi na nga nag-abala pang mag-alok ng tulong sa pagbubuhat ng mga gamit ko dahil sa taranta.

Maybe she thought I was angered or something. I know there's a visible frown on my face right now. Mukha siguro akong unapproachable at napansin iyon ng kasambahay.

Napailing-iling na lamang ako saka dumiretso na papunta sa sarili kong silid.

Mas nakaramdam ako ng antok nang makita ang kama. Kahit naman kasi nakatulog ako sa sasakyan ay miminsang nagigising pa rin ako gawa ng mga busina sa kalsada at lubak na daan. Pakiramdam ko tuloy ay mas lumala lamang ang pagod ko dahil putol-putol ang pahinga at naantala pa ang mga iglip ko.

I threw the bags on the side. Umakyat ako sa kama at yumakap sa mga extrang unan. I closed my eyes and let myself drift off to sleep.

"Baby."

I flip my body on the side. Binalumbon ko ang kumot sa bandang bewang ko habang nakapikit.

"Hey, wake up," the voice urged again. "Stop sleeping on me."

Napakunot ang noo ko.

"Gumising ka na, please. I missed​ you."

The almost hoarse tone was familiar. But I didn't budge because I am still sleepy.

"Open your eyes." I felt a tug on my arm. "Open those pretty eyes, please. Babasain kita kapag hindi ka pa gumising."

Awtomatikong napadilat ako. Nakalundo ang kama sa likod ko kaya agad akong humarap para tanawin kung sino ang naroon. My eyes almost popped out of its sockets when I saw him.

Whims of a VixenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon