"Hello, Mina?"
"Yes po?"
"Ikaw na muna ang bahala sa cafe. Hindi muna ako bibisita dahil inaalagaan ko 'yung anak ng kaibigan ko."
"Okay, Ma'am. 'Yung mga files po na bigay ko noong nakaraan, nabasa niyo na po ba?"
"Yes and so far, wala namang problema sa sales. Sabihin mo na lang sa mga katrabaho mo na ayusin nila ang work dahil magra-rounds ako pagbalik ko."
"Copy, Ma'am."
I ended the call after bidding goodbye.
Binaling ko ang tingin ko kay Xavier at Ashton na nasa sa sala.
Nang matapos kaming kumain kaninang umaga ay nagpaalam si Xavier na papasok daw siya sa trabaho. Tinanguan ko lamang iyon. Hindi ko naman inaasahan na babalik pa pala siya rito. Nakapang-opisina pa habang nakaupo sa couch at nanonood ng cartoons kasama ang bata na kandong-kandong niya.
Narinig ko silang tumawa nang sumemplang sa bike ang pinapanood. Uncle Grandpa ang title. Napakamot ako sa ulo dahil doon.
Ang weird ng tawag sa matanda.
"Xavier," tawag ko sa kaniya.
Tumingin siya sa gawi ko.
Lumakad ako palapit sa puwesto nila at umupo sa single-seater sofa na katabi noon. "Hindi ka pa ba uuwi? Pagabi na. Mukhang pagod ka rin sa trabaho." Pinilit kong magmukhang hindi concerned.
Ngumiti lang siya sa akin at hinaplos ang ulo ni Ashton na humihikab na.
"Mamaya na. Pakakainin ko muna siya ng dinner," aniya.
Napakunot ang noo ko dahil doon.
Ako dapat ang nag-aalaga kay Ashton pero inaagawan niya pa ako ng trabaho. Sana pala sa kaniya na lang iniwan ang bata para hindi ako nabuburo dito sa gilid.
"Bahala ka nga. Pumasok na lang kayo sa kusina kapag tapos na kayo. Mauuna na akong kumain," sabi ko saka pabalang na ibinagsak sa center table ang remote na naupuan ko pala. Tumayo ako at nagtungo na sa kabila para ihanda ang mga pagkain.
"Ashton, come. Your Tita is preparing the food," I heard him said afterwards.
Umismid ako. Bakit parang sobrang close na nila kahit kakakilala pa lang?
"Oh, ano? Nagutom din kayong dalawa?" pagalit kong sabi nang makitang nakaupo na sila sa hapag.
Kanina ko pa kasi sila sinusubukang kausapin pero hindi nila ako sinasali sa ginagawa nila. Not that I would want to bond together with Xavier. Gusto ko lang makalaro si Ashton pero palaging itong kamote ang pinapansin niya.
"Gusto ko po ng chicken, Tita," Ashton said.
Tumango ako saka nag-sandok na ng kanin. Kinuhanan ko rin siya ng ulam at sinalinan ng tubig sa baso. Tumingin ako kay Xavier.
Nakatitig lang din siya sa akin. As if waiting for me to put food in his plate, too.
Nagtaas ako ng kilay saka umupo sa tabi ni Ash.
"Ano?" I asked him but he did not respond at all. "Kumain ka na." Nilagyan ko ng laman ang sariling pinggan.
Xavier cleared his throat before tearing his gaze off me. "Right," tango niya at kumuha na rin ng manok.
Tahimik lang ako doon habang silang dalawa ni Ash ay nagpatuloy sa pag-uusap. Hindi ko na binalak pang sumabat at ibinuhos na lang ang frustration sa pagsubo ng kanin.
Nang matapos ay tumayo na ako.
Napatingin silang dalawa dahil doon.
"Kain lang kayo," sabi ko bago tumango. Inilagay ko sa sink ang plato at nagtungo sa kuwarto para ihanda ang isusuot na pantulog ni Ashton mamaya.
Rinig kong tumatawa sila dahil sa kung saan nang lumabas ulit ako. Nanonood na naman yata ng cartoons.
I sighed.
Magkasundong-magkasundo na talaga silang dalawa.
"Ashton, that's enough cartoons for today. Kawawa naman ang T-Tito Xavier mo. You both need to take some rest. Anong oras na rin, oh."
Napalingon sila sa akin. Tumango si Xavier at malawak na ngumiti.
I mentally rolled my eyes.
"Let's continue binge-watching tomorrow, Ash. Mauuna na rin ako dahil kailangan ko nang magpalit ng damit." He patted Ashton's head. Yumakap ang bata sa kaniya kaya napatawa siya ng mahina.
Nagpanting ang tenga ko.
Babalik pa siya bukas? May balak ba siyang araw-arawin ang pagbisita? Jusko naman!
"Hatid ka na namin sa labas?" sabi ko pagkaraan.
He nodded his head and carried Ashton while heading to the door.
Bumaba kami ng building. Nag-uusap pa rin sila sa kung ano ang susunod na papanoorin.
Ngayon ko lang talaga nakita ang ganitong side ni Xavier. Napatunayan ko na caring nga talaga siya. It comes out naturally in him. Mukhang... mahilig din siya sa bata.
"See you tomorrow, Tito Pogi! Thanks for watching cartoons with me today."
Binigyan ng halik ni Xavier sa ulo si Ashton.
I smiled while watching them bid their goodbyes. Kahit nagseselos ako kasi mukhang mas gusto siya ng bata kaysa sa akin, natutuwa pa rin naman ako kasi mukhang nag-eenjoy si Ash kasama si Xavier.
"Alright. See you tomorrow, too, big boy. Take care." aniya saka bumaling sa akin bago sabihin ang huling pangungusap.
Tumago ako at kinuha na si Ash sa kaniya.
Sumakay siya ng kotse at binuksan pa ang bintana para kumaway sa amin. Akala mo talaga hindi na babalik bukas. Parang mag-aabroad lang.
-
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomantikBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?