"Paano kung hindi sila pumayag?"
"Let's talk about that over dinner, anak. Stop prying on your father." Kumapit si Mommy sa braso ni Dad, pinid ang labi ngunit mukhang iniisip din ang sinabi ng anak.
"I'm just worried." Weston sighed. "Baka magkagulo kapag sinabi nating hindi na itutuloy ang kasal."
Tahimik lamang ako habang inuulinigan ang pag-uusap nila. Nang matanawan ako ni Weston na pababa sa hagdan ay sinelyuhan agad niya ang sariling labi. Nag-iwas siya ng tingin at bahagyang ginulo ang buhok na nagpakunot ng noo ko.
"Nothing bad is going to happen. I will not let them go overboard after I mention your sister's condition," sagot naman ni Dad.
Tumango na lamang si Weston kahit hindi mukhang kumbinsido sa sinabi ng tatay namin. He looked really bothered and if given the chance, I bet he'd ditch this dinner to get away with all the tension and crap that's happening.
Sa panghihimok pa lamang niya na huwag akong pumayag sa kasal noong nakaraan ay halata naman na ayaw niya rin sa nangyayari. Rason kung bakit hindi ko rin magawang magalit o magkaroon ng sama ng loob sa kanya noong sabihin ng tatay namin na iyon ang dahilan kung bakit hinahanap niya ako matapos niyang umuwi sa bansa.
Lumabas na kami ng mansyon nang mapansin nila ang presensya ko. No one dared to talk after all of them saw me descending down the stairs. Tila ba kasalanan ang banggitin ang bagay na iyon sa harap ko.
Ikiniling ko ang ulo upang walain sa isipan ang narinig kanina.
"Ayos ka lang?" Weston asked as he took a small hold on my back.
Ngumiti ako at tumango. Iginaya niya ako papunta sa entrance at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang matanawan ang mahabang sasakyang nakaparada sa harap.
"Whose car is that?" kurap ko.
"Mine."
Lumapit ang driver na naka-formal attire pa saka kami pinagbuksan kami ng pinto. Nauna kaming pumasok ni Mommy sa loob, as the guys strongly believe that ladies should be first.
"Weston?" Mom's tone sounded like she was asking for an explanation. "How in this world did you come up with a car like this?"
"I'm running a rental business, 'My."
"What rental business?" asik ni Mommy.
"Cars."
At doon na napahilamos sa mukha ang ina namin. Nasira ang poise nito sa gulat at pinaghalong galit.
"Bakit hindi ko alam?!"
"Dad funded my business. He didn't tell you, 'My?"
"You know she'll get mad if I told her about it. Ayaw ka ngang bilhan ng sasakyan niyan," ani Dad.
"Well, of course I will not agree!" paghihisterikal na naman ng aming ina. "I've seen boys going gaga over cars. Ayokong magaya ang anak ko!"
I'm still in awe with the interior while they're busy talking. Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa nang makita rin ang reaksyon ni Mommy habang inililibot ang mata sa paligid.
She sighed- just like how an actress does when in distress- saka hinawi ang nakaayos na buhok. "I can't believe you pulled your son into this... this weird obsession with moving metals!"
Our father just chuckled at her statement. "Oh, the drama queen that you are, hon."
Nahampas siya ng asawa sa hita dahil sa sinabi niya. But he just smiled and draped his arm at the back of mom's seat. Humalik siya sentido ni Mommy at pinatakan din ng magaang dampi ang pisngi nito.
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomanceBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?
