Chapter 5

2.7K 67 84
                                    

"Alone?" he asked.

I took a small sip on my wine glass and glared.

Tumawa siya habang naiiling. Hinagod niya ako nang tingin. Pansin ko ang wirdong kinang ng mga mata niya. Bahagya ring bumuka ang labi niya habang tinititigan ako.

He likes me that much?

"I wouldn't mind being of company even after you turned me down yesterday," Caleb said.

I raised my brow. Akala ko pinilit lang siya ni Riese kahapon.

"I know you'd ask me out days after this party kaya kahapon pa lang, inayawan na kita. I am not single, you know. May anak na ako," seryoso kong sabi. Panakot lang.

"You have a child? I bet he or she's as cute as you..." He supressed his smile with a pout.

Naitirik ko ang mga mata. Halatado ko na ang mga kilos nitong lalaking ito.

"You still wanna hang out with me kahit may asawa na ako? Too desperate to get on someone's pants?" diretsa kong sabi.

Tumawa siya na parang nasisiyahan. Really, this guy should stop being all-happy or I'll definitely punch him on his face.

"I like you," nakangiti niyang anas. His eyes got a bit droopy. Mukhang tinamaan na sa iniinom pero nananatili pa ring composed at gwapo.

"May asawa at ana-"

"Ameriese told me you're single. And I'm not that desperate to fuck someone. Maraming babae ang willing na makasama ako kaya why would I bother to ask you kung gusto lang kitang mapaisa sa kanila?"

Natigilan ako. I will slap Riese for putting me in this situation.

"Stop flirting with me. I am not interested," sabi ko na lang.

Napakagat-labi siya na para bang natutuwa pa sa sinasabi ko. Unang kita ko pa lamang sa kaniya ay alam kong balak niya nang magpalipad ng hangin sa akin.

"Hmm.. feisty. I like it." He had that smug look on his gorgeous face.

Bumulong ako ng mura saka mabilis na lumayo para humalo sa mga taong nasa gitna at sumasayaw.

"Hey, Bridgette! Where are you going?" hiyaw niya mula sa pinanggalingan ko kanina.

Napapikit ako nang mapatingin sa gawi namin ang ilang bisita. Siraulo lang ang sisigaw ng ganoon sa isang formal party. Hindi lang pala siya malandi, mahilig din pala siyang mag-eskandalo.

Binilisan ko pa ang lakad. Hinihingal ako nang makarating sa gitna. Ang ibang lalaki naman ay lumalayo kaagad sa akin kapag na-reject pero matigas ang isang iyon. Gwapo nga pero nakakairita naman.

I bit my lower lip while watching couples slow dancing. Dikit at maraming tao kaya hindi naman niya siguro ako makikita dito.

I was startled when someone held my shoulder. Iniharap ako nito. Handa na sana akong suminghal nang mapatigil sa babaeng nakita.

"Oh my God, Bridge! Long time no see!" Sinalubong ako ng yakap ni Hana.

Hindi ko iginalaw ang kamay ko para ibalik iyon. I smiled awkwardly.

Ngumiti sa akin si Maven na nasa likod niya.

"You look so old!" pagbibiro ni Hana. Tumawa siya sa sariling joke na alam kong pang-iinsulto.

Maven looked apologetically at me bago hawakan si Hana para ayain.

"Are you still single?" tanong ni Hana, pilit na iniiwas ang braso sa pag-aaya ng nobyo niya.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon