Chapter 40

2.2K 53 12
                                        

Marahan akong ngumiti sa aking ina. Mabuti na lamang ay narito siya sa tabi ko. Paniguradong gigisahin ako kung nagkataon na wala.

"Have you already visited your OB? Ilang months ka na?"

Mom looks so giddy while talking about baby clothes and stuff now. Narito pa rin kami sa office. Ang dalawang lalaki ay naroon sa mesa at mahinang nag-uusap. Talagang lumayo pa nang mapansing wala akong balak na sagutin ang mga tanong nila.

Umiling ako. "Mag-aapat na buwan na siya, 'My. Medyo lumalaki na." Hinawakan ko ang tiyan at hinimas iyon. Ramdam ko pa rin ang panghihina mula kanina. Nahihilo na naman ako pero pinili kong hindi sabihin.

"I can refer a doctor if you still don't have one in your mind," aniya. "Mas maganda kung kilala ko na lang ang puntahan mo para panatag din ang loob ko, anak."

"Sige po... kayo ang bahala." I gulped to stop the tears forming in the corner of my eyes.

I never expected her to be the first one who will react happily after knowing about my pregnancy. Akala ko ay magagalit siya dahil sa reaksiyon niya kanina sa banyo. She freaking fell and could've gotten her neck broken. Who would have thought she'll be this happy knowing about her initial reaction earlier?

Ngumiti si Mommy at hinawakan ang kamay ko. "I know you don't want to tell us who the father is. Mukhang nagalit lang ang dad mo kanina nang hindi ka sumagot pero mawawala rin iyon. He is just worried about you."

Tumango ako. I tried opening my mouth but nothing came out. I resorted into choking back my sob instead.

I know I disappointed them again.

"I will ask him to not force you to speak about the baby's father. Hindi ngayon ang tamang panahon para harapin ang bagay na iyon. Kailangan muna naming makausap ang mga Montoya tungkol dito."

"Sino po?" I can feel my heart's loud thud at the mention of that surname. Parang umikot na naman tuloy ang paligid ko dahil doon.

"Si Sixto at ang anak niya," wika ni Mommy. "I just hope their family won't sue us if ever your dad choose to breach the contract."

Napahawak ako sa braso niya. Ibinuka ko ang mga labi para huminga. At kasabay noon ay ang pagsasayaw ng paningin ko at pagsigid ng kirot sa aking sentido.

"Oh my God!"

It was the last thing I heard before falling. Nilamon ng dilim ang lahat habang unti-unting nauubos ang kulay sa paligid. Nalusaw ang mga bagay na nakikita ko, at naging blanko ang buong kwarto bago tuluyang sumara ang talukap ng aking mga mata.

I opened my eyes and I was immediately greeted with the small ounce of light peeking from the heavy curtains. Napabalikwas ako at nag-ikot ng paningin para sipatin kung kaninong lugar ito.

The musky scent, the smell of the cool shower gel and the humidifier running early in the morning...

Nanlaki ang mga mata ko sa halo-halong amoy. Kumabog din nang malakas ang dibdib ko dahil sa realisasyon.

"Are you hungry?"

What the hell?

"God, baby." I heard his chuckle. "Hindi ka talaga makausap kapag bagong gising. Napasarap ba ang tulog mo, hmm?"

I felt him circling his hands on my waist. Nakahiga pa rin, naramdaman ko ang pagbaon ng mukha niya sa tagiliran ko.

Parang naputulan ako ng dila at nalunok ko iyon. Sinubukan kong gumalaw pero walang nangyari. I was sitting near at the edge of the bed now. It felt as if I was paralyzed and frozen on that place.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon