Chapter 44

2.1K 50 0
                                        

I hugged my pillow as my tears started to fall. I can feel my chest tightening everytime I sob. Weston left already and I am now alone in my room. Isinubsob ko ang mukha sa unan ko.

How can Xavier do that? He knew! He knows who I am yet he acted like an innocent fuck!

Alam na ni Xavier ang tungkol sa arrangement kahit noon pa. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit pakiramdam ko, ipinamimigay lang ako ng pamilya ko noon. Pakiramdam ko ay pinipilipit ang puso ko dahil sa mga narinig ko kanina. Paano nagawa ni Xavier 'yon? Talaga palang nasa tabi ko lang siya dahil gagamitin niya ako ng higit pa sa alam ko.

Hindi ko mapigilang mapahagulgol. Alam kong 'di ako dapat umiiyak dahil hindi makakabuti iyon para sa anak ko pero hindi ko talaga masaway ang mga mata ko. Patuloy lang ang pagtulo ng luha roon habang pabalik-balik sa isipan ko ang mga sinabi ni Weston at ang mga bagay na ginawa ni Xavier para sa akin.

I thought he never meant taking my virginity because he said we're both drunk that night, but now I'm sure that he had it planned all along. He tricked me. I thought he was sincere when he offered some help after I opened up. Nakipaglapit siya sa akin tapos malalaman ko na lang ngayon na ginawa niya lang pala ang lahat para sa mana niya? Putang ina siya. Sana bumara na lang siya sa matres ng nanay niya noong baby pa lang siya para hindi na siya nakapangloko pa ng ganito!

Mapait akong napatawa sa kabila ng pag-iyak. Hindi talaga siya gagawa ng mga bagay na walang kapalit. Niloko niya ako. He saw me in my weakest point at ginamit niya iyon para gipitin ako dahil alam niyang wala na akong matatakbuhan. He even accused me of cheating on his back and having a relationship with Weston kahit alam niya na pala noon pa man na magkapatid kami.

Napahikbi ako at napahawak sa tiyan kong medyo may umbok na. Pagkatapos ay kinusot ko ang mga mata para pawiin ang luha na patuloy pa ring tumutulo galing doon. Hindi matigil ang pag-ampat ng tubig sa mga mata ko. Napakagago talaga kasi niya.

He made it seem like I am using him but he's actually the one who is doing that all along. He clearly took advantage of me when I was kicked out of the house. Naisip niya siguro na hindi ako papayag sa kasal kung pipilitin ako ni Dad dahil may alitan kami. He tried charming me instead and he fucking won. He fucking won but I won't give up just now. Two can play this game.

I reached for my phone and opened my Instagram with shaking hands. Blocked na si Xavier doon. I can't stand seeing his posts. Hindi ko mapigilang mainis. Ang kapal ng mukha niyang mag-post ng bulaklak na bigay niya yata sa bago niya noong huli kong stalk sa profile niya. Paano niya nagagawa iyon gayong alam niyang nasasaktan ako ngayon?

Nag-dm ako kay Aly. I asked her if we can see each other tomorrow. She said she isn't in the mood to go outside kaya magpahatid na lang daw ako sa condo nila. I agreed without​ any hesitation. Kailangan kong mailabas ang lahat ng ito. I'm all bottled up and I just can't handle it anymore.

Baka hindi ako makapagpigil at maisampal ko sa pagmumukha ni Montoya lahat ng bags na iniregalo niya.

"Tita!" Ashton gleed when he saw me standing at the door step. He moved aside to give me some space and shouted for his mom.

"Tone down your voice, baby! Nasa kusina lang ako pero grabe ka kung makasigaw. Manang-mana ka sa tatay mo!" ani Aly na kalalabas lang mula sa isang bahagi ng condo nila. She's wearing an apron.

"Daddy is not even as talkative as I am. He's super silent po kaya!" Ashton hugged his mom's thighs while pouting cutely.

"Oo na lang." Bumaling sa gawi ko si Aly at ngumiti. "Sino ang naghatid sa iyo rito?" tanong niya.

"Si Mang Cards."

Tumango siya at inaya na akong pumunta sa kusina kung saan siya nagluluto. Sinigang ang ulam na ihahain niya ngayong tanghali base sa amoy noon. Tinulungan ko siya dahil nahihiya akong nakaupo lang sa dining table at walang ginagawa.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon