Chapter 37

1.9K 42 10
                                    

I can't help but to feel nervous right now. It's been days since Mom and Dad told us that they're coming home. And now is the time that I'm finally seeing them after what happened years ago.

Narito na kami ni West sa airport, inaabangan ang pagdating ng mga magulang namin. Kaming dalawa lang ang sumundo sa kanila dahil nasaktong rest day ng family driver namin ngayon.

Luminga-linga ako nang magsimulang dumagsa ang mga tao sa arrival area. May mga nagyayakapan na sa paligid, tuwang-tuwa na makita ang mga kamag-anak at mahal nila sa buhay. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Ganyan rin kaya ang mangyayari once na makita ko sila?

Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ng matinis na tili mula sa isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa direksyong pinanggalingan noon at ganoon na lamang ang naging pagkabog ng dibdib ko nang makita sila.

"Bridgette!" Mommy shouted while holding a small trolley bag. Nasa likod niya si Dad na naglalakad din papunta sa gawi namin.

Napatingin ako kay West na nakaakbay sa akin. Ngumisi lang siya at inginuso pa ang nanay naming tuwang-tuwa na makita ako.

"Oh my God."

Napahiwalay ako sa yakap ni Weston dahil dinamba ako ni Mommy. She's just so hyper and almost shrieking like a schoolgirl. Lumapit siya at naiiyak na hinaplos-haplos ang mukha ko.

Hinawakan ko naman ang kamay niya saka ngumiti rin pabalik.

"Edward, ang ganda ganda na ng dalaga natin..." baling niya sa kasama.

Ngumiti lang si Dad at tumango. Pagkahiwalay ng nanay ko ay sumunod naman siyang yumakap. He caressed my back and kissed the side of my head.

Nalusaw ang puso ko roon. Ang tagal tagal na mula nang maranasan ko iyon. Elementary pa yata mula noong huli niyang gawin 'yon sa akin.

"Kamusta po ang biyahe?" tanong ni Weston bago kunin ang dalawang malaking maleta na dala ng airline staffs na nag-assist sa mga magulang namin.

Lumayo sa akin si Dad at tumikhim. "It was tiring. I was up all throughout the flight because your mom is so noisy. She kept on talking about your sister."

Mahinang npahalakhak ang kapatid ko habang nakatingin kay Mommy na pilit binubuksan ang maleta niyang maliit. Napansin din agad iyon ni Dad kaya sinaway siya nito bago pa mailabas ang mga lamang gamit doon​.

"Honey, stop that. Sa bahay na tayo magbigayan ng pasalubong."

Hindi siya pinansin ni Mommy na bumaling lang sa akin. "Sa 'yo 'to lahat, sweetie." Tinuro niya ang nakaawang na zipper ng maleta. Hula ko ay mga bag at luxury items ang laman noon dahil doon siya mahilig. "Naipon 'yung mga padala namin dapat sa iyo noong wala ka."

Natahimik kami roon. Binasag lang ni Weston ang awkward moment matapos niyang sabihin na mabigat masyado ang dalawang luggages. Tinulungan siya ni Dad at sabay nila iyong binuhat patungo sa sasakyan.

Inilingkis ng nanay ko ang kamay niya sa aking braso. Ngumiti siya sa akin at manghang-mangha na tinitigan ang mukha ko.

"Your faced matured and your features got more accentuated now. You look much more pretty than the last time, manang-mana sa akin." Niyakap niya ulit ako bago ayain na sumunod sa dalawa.

Pumasok ako sa front seat habang ang mga magulang naman namin ay naupo na sa likod. Nakaramdam pa ako ng pagkailang nang balutin kami ng katahimikan habang minamanduhan ni Weston ang kotse palabas sa parking space ng airport.

"Your car looks nice," ani Dad habang nililibot ang tingin sa loob ng Porsche ni Weston.

Nagkatinginan kaming magkapatid. Nagkibit-balikat ako nang makitaan ng pagtataka ang mukha niya. Pati siya ay naninibago dahil mukhang dumadaldal ang tatay namin ngayon.

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon