Chapter 25

2.1K 42 9
                                        

Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong pumayag ako sa offer ni Weston na mag-stay muna rito sa bahay ng mga magulang namin. Mabuti na lamang ay hindi pa sila dumarating noong nag-alsa balutan ako para makaalis ng apartment.

Na-delay raw ang flight nila Mommy matapos magkaroon ng problema sa main office ng kompanya namin Cali. Hindi ko naman alam kung ano 'yung ipinapaliwanag ni Weston na naging dahilan dahil ni minsan ay hindi pa ako nakatapak doon. Si Weston lang ang isinasama overseas dahil siya raw ang inaasahang maging successor ni Daddy.

Ayos naman na sa akin kung si Weston ang pagkakatiwalaan nila na pamanahan ng negosyo. Tanggap ko na ang katotohanang iyon matapos kong makapag-isip noong lumayas ako dahil alam ko naman na lalaki talaga ang kadalasang paborito sa pamilya. Sila ang nagdadala ng apelyido.

Pero pakiramdam ko kasi ay hindi lang ganoon ang dahilan kung bakit siya ang palaging pinipili sa pagitan namin.

Iba ang affection na ipinapakita ni Dad kay Weston. I never really cared for that when I was little but I started noticing it noong tumuntong ako sa highschool.

Mas pinapaboran nila ang kapatid ko sa mas maraming bagay kumpara sa akin. Siya ang mas inuuna. My achievements are nothing because they believe that Weston can do better than me. He's accelerated and we're on  the same level sa school pero hindi ko man lang mapantayan lahat ng nagagawa niya.

They didn't say that on my face, though. I just felt like it was that way dahil laging si Weston ang bukambibig nila.

Dumating pa nga sa punto na kunukuwestiyon ko na pati ang self-worth ko dahil doon. Wala akong mapagsabihan ng mga hinaing ko. I got depressed.

And I hated Weston for that. A part of me is blaming him pero mas malaki ang sisi ko sa sarili ko because I cannot make my parents proud.

Lagi kaming nagkakasagutan sa tuwing nagbabakasyon siya dito sa Pilipinas. Sa ibang bansa kasi siya nagpatuloy ng remaining years sa kolehiyo since iyon ang gusto ni Daddy. I wanted to study there too but our parents asked me to stay here instead. Si Weston na lang daw dahil siya naman ang minamadali para makapag-ensayo kaagad sa paghawak ng negosyo.

Iyon ang ikinasasama ng loob ko dati. Siya lagi ang importante. Siya ang nabibigyan ng mas malaking oportunidad at atensiyon kaya nagkaroon kami ng samaan ng loob.

Pero kahit na madalas kaming mag-away sa kabila ng madalang naming pagkikita ay hindi naman kami umaabot sa pisikalan. I didn't want to just slip out everytime we fight kaya pinili ko na lamang na hindi siya masiyadong pansinin at pagbutihin ang pag-aaral ko.

But still, my efforts were just put into waste with my parents' indirect expression of disappointment. Hindi sapat. Hindi ko makukuha ang atensiyon nila just by doing well in school.


"'My, kayo po ba ang pupunta sa graduation ceremony namin next week?" Ibinaba ko ang hawak na kubyertos at binasa ang labi. "Aalis daw po si Weston at Dad, eh. Baka hindi po sila makaabot."

Mukhang nagulat si Mommy sa biglaang pagsabat ko. Iniisip na naman kasi nila ang pagbalik sa ibang bansa para sa susunod na pasukan ni West for his masters. Ilang buwan pa bago mag-practice ng graduation si Weston pero pinag-uusapan na agad nila ang gagawin. Nakaplano na ang buhay niya sa Amerika habang ako ay nangangapa pa rin at naghihintay sa kung ano ang gusto nila dad na gawin ko.

"Sweetie, haven't I told you about it? I'll be going with your dad and your brother dahil dadalo rin sa auction na pupuntahan nila ang Aunt Hilda mo."

"G-Ganoon po ba?" Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan. "Sino po ang magsasabit ng mga medalya ko?"

Nagkatinginan silang dalawa. Napansin ko rin ang pagtigil ni Weston sa pagsubo ng kutsara. He stared at me for a while at ibinalik din agad ang tingin sa plato niya.

Whims of a VixenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon