No word is enough to describe how baffled I am right now. Parang natuod ako dahil hindi ko inaasahang siya ang makikita ko ngayon.
"It's nice to finally see you again. It's been years," Dad said, giving the new comer a small smile.
"Naging abala po ako sa pagte-take over sa MGC. Pasensiya na po kung hindi ko napaunlakan ang mga imbitasyon niyo para mag-golf noong mga nakaraan."
Buong-buo ang boses niya, pruwebang hindi ako nag-iilusyon at totoong siya ang nasa harap namin. Napakapit ako sa gilid ng suot kong dress at nagbaba ng tingin sa pinggan.
He knows my father. Parang may dumaan na pait sa dila ko sa realisasyong iyon.
Bakit hindi niya sinabi sa akin?
"I understand, Xavier. Being a businessman requires much time."
Napakarami kong tanong ngayon. Maraming hinala na ang kasalukuyang rumaragasa sa isip ko pero ilan lang ang may kasiguraduhan sa mga sagot na maaari kong makuha sa kaniya.
Alam niya.
Alam niya kung sino ako. Alam niya rin panigurado na kapatid ko si Weston. He used the ignorance card to pull a stunt on me. I know it's too bold of me to assume but I knew he didn't like that I was the one who ended what we had.
The egoistic bastard fucking pretended just so he can have an excuse to accuse of me of lewd things when we saw each other at the auction. Para makabawi. Para mas insultuhin ako.
He hated me that much, huh? Na kahit alam niyang kapatid lamang ako ng kaibigan niya ay magkukunwari pa rin siyang walang alam para makabawi dahil naapakan ko ang pride niya.
"Man," rinig kong bati niya sa katabi ko.
I saw my brother nod on my peripheral.
Huminga ako nang malalim at kumurap ng ilang beses upang pawiin ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. I felt my throat tightening as I try to suppress my sudden urge to cry.
Our parents' conversation shifted to business after the short introduction. Hindi ko sinubukang sumali dahil nawalan ako ng gana at hindi ako makapagsalita. I am certain that if I talk, it will come out as a sob. Kaya pinagpatuloy ko lamang ang pagkain kahit hindi ko malasahan iyon habang pigil na pigil sa pagsulyap sa mga taong kasama ko.
The whole duration of the endless night, I was only focusing on the food and nothing more. Listening to all their words and trying hard to not burst into tears.
Hindi ko na binalak pang tignan ang gilid ko dahil sa halo-halong emosyon. I don't know how to fucking react. Halos nanginginig pa rin ang kamay ko habang sumusubo ng karne.
Bakit siya ang kasama ni Mr. Montoya? Noong isang gabi lang ay nakita ko pa sila sa balita ni Gianna. Bakit ngayon ay pumayag siya sa kasalang pag-uusapan ng mga magulang namin?
I have so many questions in mind I'm getting too overwhelmed with all of the emotions. It feels like I'm choking on the food while I'm enduring the whole fucking thing. Pakiramdam ko ay pinilit akong sumubo ng mainit na kanin at wala akong choice kundi lunukin pa rin iyon.
Kahit masakit. Kahit ayoko.
"How have you been?" I heard him said after a while.
Napakagat-labi ako, hindi pinansin ang tanong niya dahil baka si Weston ang tinatanong. Ngunit nakumpirma ko ring hindi nang marinig na nakikipag-usap ng kapatid ko sa mga matatandang may sariling mundo.
"I'm asking you, Bridge." I felt his rough hand hover against my exposed thigh.
Nanlaki ang mga mata ko. My eyes immediately darted at him because of that. Tumingin ako sa hitang nakatago sa ilalim ng mesa at pilit na inilayo iyon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Whims of a Vixen
RomanceBlinded by the hate she thinks her family is giving her, will Bridgette be able to get the attention she's been longing for with her rebellion? Or will it lead her to more serious problems that requires desperate measures?
