Chapter 39

1.9K 50 6
                                    

Nagising ako sa mahihinang katok na nagmumula sa labas ng kwarto. Ramdam ko pa ang pamimigat ng mga talukap ng mga mata ko kaya hindi ako makasagot. Namamanhid din ng pakiramdam ko at sa tingin ko, anumang oras ay aatakihin na naman ako ng pagsusuka.

"Rise and shine, sweetie! I brought you breakfast!"

Napakislot ako nang marinig ang pagbukas ng locks, tanda na mayroong pumasok. Alam kong si Mommy iyon dahil kilala ko ang boses niya.

"Susunod na lang po ako sa hapag." Ibinaon ko ang mukha sa unan para pigilan ang pangangasim ng sikmura ko.

"Ano ka ba, 'nak? Don't be shy because you have puffy eyes now. Pareho lang tayo dahil umiyak rin ako kahapon. Get up there and eat this." May nabanaag akong determinasyon sa boses ni Mommy.

Mukhang hindi siya papayag na basta na lang umalis na hindi ko ginagalaw ang dala niya. Malutong akong napamura sa isip nang maamoy ulit ang pagkain.

"H-Hindi naman po ako nahihiya. Susunod talaga ako sa hapag, 'My. Hayaan niyo po muna ako."

"Dinalhan na nga kita rito ng umagahan. Kulit mo rin, 'no?" rinig ko pang aniya, may bakas ng pagmamaldita. "Masarap 'tong luto ni Weston. Nagpabili pa siya ng ingredients kanina para ipagluto ka ng tapa. Hindi ba't paborito mo iyon tapos may pares na garlic rice?"

Napasapo ako sa bibig at mas nagtalukbong pa sa comforter. Parang umikot ang paningin ko noong marinig ang sinabi niya. Bangungot iyon para sa mga maseselang buntis na katulad ko. Inipit ko ang ilong sa pagitan ng dalawang daliri para hindi ko malanghap ang aroma ng bawang.

"Bumangon ka na para hindi lumamig 'to. Magtatampo ang kapatid mo kapag hindi mo ginalaw ang handa niya-"

Mabilis akong tumayo at tumakbo papuntang banyo nang hindi ko matagalan ang amoy. Itinaas ko ang cover ng toilet bowl at doon inilabas ang lahat ng mga kinain ko kagabi.

"Bridgette!" tarantang tawag ni Mommy. Nagkalansingan ang mga dala niyang cutlery sa labas. Mukhang nagkalaglagan pa. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang bigla ang paghagod niya sa likod ko habang hirap na hirap akong sumusuka.

Napahawak ako sa gilid ng bowl at halos mapasubsob na roon. Ramdam na ramdam ko ang pamumuo ng butil ng pawis sa noo at gilid ng mukha ko. Parang hinahalukay ang tiyan ko at hindi ko mapigilang maduwal nang maduwal.

"Dios mio, what is happening? Ano bang huling nakain mo?" ani Mommy habang inaayos ang buhok ko. I can feel her hands running cold when it touched my bare neck.

"M-Mom..."

"Sige, ilabas mo lang. Saan ang masakit sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako at sumuka ulit, sa pagkakataong iyon ay mas marami na.

Pinunasan ni Mommy ang pawis ko gamit ang palad niya. Nagpatuloy siya sa paghagod sa likod ko hanggang sa matapos ako sa pagduduwal at paglabas ng laman ng tiyan.

"Why is this happening to you? May sakit ka ba? Nasabi ng kapatid mo sa amin na matamlay ka raw nitong nakaraan at lagi lang narito sa bahay." Concern was evident on her face. Inalalayan niya akong tumayo at iginaya ako sa harap ng sink para udyukang magmumog.

Sinunod ko si Mommy. I brushed my teeth with my trembling hands. I can still feel myself getting tired from all the puking. Dalawang beses pa akong nagsepilyo para mawala ang mapait na lasa sa dila ko.

"Why did you vomit that much?"

"H-Huwag po kayong magalit..."

"Bakit ako magagalit? Wala ka namang cancer o anumang sakit na tinatago, 'di ba?" Sumeryoso siya. "You need to tell me what's happening or else, magagalit talaga ako."

Whims of a VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon